['Myouri's POV']
"Malalate kana po, Miss."
Nagmadali akong sumakay ng kotse. 20 minutes nalang at magsstart na ang klase, medyo malayo pa naman ang school. Buti nalang at walang traffic, nagmadali din si Kuya Chong magmaneho.
Konting estudyante nalang ang naglalakad sa hallway, kaya nagmadali akong maglakad paakyat ng 4th floor ng 4th year.
Ganoon parin ang iingay nila. May kanyang kanya silang mundo, pagkaupo ko biglang sinipa ni Kenji ang upuan ko.
"Muntik kanang malalate." sabay sabi niya.
"Hindi naging maganda ang gising ko." sagot ko.
Totoo naman, nadatnan ko kasing nag-aaway ang magkapatid kanina. Umagang umaga nag-aaway na agad sila kaya hindi na din ako kumain sa mansyon. At bukas na ang uwi ni Lolo, muntik ko pang makalimutan.
"There's something on your face." sabi ko sa kanya, may parang black sa pisngi niya. Hindi naman mukhang nunal dahil ang laki naman.
"Yeah. I know, kapogian." bigla niyang sabi.
"Eh." 'yon nalang nasabi ko at tinarayan siya.
Rinig ko ang pagtawa niya. Seryoso kasi ako kanina tapos bigla niyang sasabihin yun. Kapogian? Oo, pogi naman siya pero ang yabang ah.
"Siraulo talaga 'tong si Ian. Nilagyan ako ng nunal gamit marker." rinig kong sabi ni Kenji sa likod.
Napalingon ako at tinatanggal niya yung sinasabi niyang nunal. Kahit pinipilit niyang tanggalin, ayaw mabura. Buti may cotton at cleanser ako sa bag ko kaya 'yon ang binigay ko sa kanya.
"Thanks." sabi niya.
Pumasok na din ang adviser namin. Nagpaalala lang siya tungkol sa acquaintance party namin at nagstart na din magdiscuss. Nakinig lang ako at nag-take down notes na din para may pang review ako kung sakali mang may exam or quiz.
Noong lunch, mag-isa na naman akong nakain sa may pinakadulo ng canteen. Ang iingay nilang kumain, kahit magkatabi lang nagsisigawan pa.
"Hi. Oh.. Myouri ikaw pala. Paupo ulit ako ah." siya pala yung babaeng kumausap sakin noong nakaraang araw.
Myka?
Mykeala?
Ah.. Mykaela Jane Suarez. Muntik ko nang makalimutan name niya.
"Lagi kang nag-iisa no? Well, same as me lang din. I used to be alone din kagaya mo. I have friends but they are all fake." sabi niya sabay inom ng juice niya.
"We're not the same. You have friends but I have no one." sabi ko.
"Yeah, you're right. I don't know what section you are, I'm from Dallas section. And you?" tanong niya sakin.
"I'm from section Texas." sagot ko.
"Wow. Matatalino lang andoon." sabi niya at manghang-mangha naman sakin.
Lahat ng mga section sa 4th year ay mga lugar sa America. May sinasabi silang big three cities. Texas is first, means matatalino lang ang nandoon, na halos ninety-five percent pataas ang kabilang doon. Washington D.C is second, means ninety-four percent of grade pababa ang nandoon. New York is third, means eighty percent of grades ang kasalukuyan nabibilang doon.
Eight section ang 4th year, while 3rd year and 2nd year have seven section. Ang 1st year naman ay mayroong six section.
"Can I ask you? I know it's rude but usap usapan na din kasi sa buong campus." she said at kunwareng bumubulong pa sakin.

YOU ARE READING
𝖠 𝖲𝖾𝖼𝗋𝖾𝗍 𝖫𝗂𝖿𝖾 𝗈𝖿 𝖠 B𝗂𝗅𝗅𝗂𝗈𝗇𝖺𝗂𝗋𝖾 [ 𝖮𝗇-𝗀𝗈𝗂𝗇𝗀 ]
Ficção Adolescente"𝖧𝗈𝗐 𝖼𝖺𝗇 𝖨 𝗄𝗂𝗅𝗅 𝗁𝖾𝗋 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍 𝖺𝗐𝖺𝗒? 𝖨 𝖼𝖺𝗇'𝗍 𝖽𝗈 𝗍𝗁𝖺𝗍! 𝖠𝗅𝗅 𝖨 𝗐𝖺𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗆𝗈𝗇𝖾𝗒 𝖺𝗇𝖽 𝗁𝖾𝗋 𝖿𝗎𝖼𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗎𝗌𝗂𝗇𝖾𝗌𝗌!" "𝖤𝖺𝗌𝗒 𝖻𝗋𝖺𝗍, 𝖨 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝖺 𝗉𝗅𝖺𝗇 𝖺𝗅𝗋𝖾𝖺𝖽𝗒. 𝖸𝗈𝗎 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗇𝖾𝖾�...