['Myouri's POV´]
"That would be all for today, class. Oh, by the way. Since malapit na din naman ang intramurals, baka may mga gusto kayong salihan na sports magparegister na kayo."
Halos mabingi ako sa sigawan at hiyawan ng mga kaklase ko. Hindi naman sa hindi sila excited pero ganoon naman lagi ang reaction nila tuwing may event dito sa school.
Ako, wala naman akong masasalihan dahil hindi naman ako mahilig sa ganyan. Mas gugustuhin ko pang mag-aral nalang o di kaya magbasa ng mga libro sa library.
"Don't worry, babe. I'm here to cheer you up!" rinig ko ang boses ni Ashley, nasa likod ko lang sila.
"It's your time to shine, babe. You told me you're a basketball player sa former mong school, right?" daldal ni Ashley.
"I am." mahinang sagot naman ni Kenji.
Hindi na ako nakinig pa sa pinag-uusapan nilang dalawa dahil umalis nako ng room. Tapos na ang morning class namin at papunta na ako sa canteen. Nakahanap agad ako ng vacant table sa may pinakadulo.
"Ah!" napatakip din agad ako ng bibig sabay tingin sa paligid buti walang nakapansin. Maglalapag lang ako ng lunch bag sa mesa ng ginulat ako ni Aúllen.
"Sorry. Magugulatin ka pala." nagsorry nga pero wala din dahil sa tawa niya.
Umupo nalang ako at binuksan ang lunch bag ko. Kanina pa niya nilapag ang tray na puno ng pagkain niya. Hindi naman halatang malakas siyang kumain niyan. At puro healthy ang binili niyang ulam niya, that's good.
"Wow, mukhang masarap yan." sabi niya at naglalaway na sa ulam ko.
"Kumain kana." saway ko sa kanya.
Fried chicken, tortang talong at carbonara ang ulam ko. Nag-request kasi kaninang umaga si Rayleen ng carbonara kaya pinabaunan nako ni Manang.
"Here." binigyan ko ng fried chicken si Aúllen.
"Thanks." pagkasabi niya nun, puno pa bibig niya.
Naku naman. Nagmukha tuloy siyang pig, pero gwapo. Ang takaw nga niya kumain e, dalawang ulam na ubos niya. Ang dami paring kanin, napailing nalang ako sa nakita ko.
"Just eat, stop staring at me." nakatinging saad niya sakin.
This guy. Mukhang iniisip niya pang tinitigan ko siya, e sa pagkain niya ako nakatingin.
"Dahan-dahan naman sa paglamon." sabi ko at binigyan siya ng apple juice na zesto. Kinuha naman niya 'yon at uminom. Parang anytime kasi mabibilaukan na siya sa pinag-gagawa niya.
"Thanks."
After namin kumain, tumambay kami sa bench ng hallway. Nagpapahinga lang dahil busog pa ang mga tyan namin. Marami din ang nakain ko at inubos ko lahat 'yon, ayaw ko naman na magtampo si Manang dahil may natira pang pagkain sa baunan ko.
"What sports do you like?" bigla niyang tanong.
"I definitely don't like any sports pero wala akong hate na sports. Mas gusto ko pa kasing mag-aral nalang." I said, nakatingin sa kanya.
"Bookworm." asar niya, pero hindi ako napikon. Totoo naman ang sinasabi niya. Ganyan din ang tawag nila sakin noon at ngayon.
"What about you?" tanong ko naman sa kanya.
"I do like all sports. And I'm a basketball player sa dati kong school." sagot niya at tumango lang ako.
"I bet, you're a famous sa school mo dati." sabi ko, tulad din dito sikat ang mga basketball player at isa doon si Jiro Valek ng Washington, D.C section. Halos lahat ng mga babae dito sa school nagkakagusto sa kanya. Siya ang captain ng basketball team ngayong year.
YOU ARE READING
𝖠 𝖲𝖾𝖼𝗋𝖾𝗍 𝖫𝗂𝖿𝖾 𝗈𝖿 𝖠 B𝗂𝗅𝗅𝗂𝗈𝗇𝖺𝗂𝗋𝖾 [ 𝖮𝗇-𝗀𝗈𝗂𝗇𝗀 ]
Teen Fiction"𝖧𝗈𝗐 𝖼𝖺𝗇 𝖨 𝗄𝗂𝗅𝗅 𝗁𝖾𝗋 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍 𝖺𝗐𝖺𝗒? 𝖨 𝖼𝖺𝗇'𝗍 𝖽𝗈 𝗍𝗁𝖺𝗍! 𝖠𝗅𝗅 𝖨 𝗐𝖺𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗆𝗈𝗇𝖾𝗒 𝖺𝗇𝖽 𝗁𝖾𝗋 𝖿𝗎𝖼𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗎𝗌𝗂𝗇𝖾𝗌𝗌!" "𝖤𝖺𝗌𝗒 𝖻𝗋𝖺𝗍, 𝖨 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝖺 𝗉𝗅𝖺𝗇 𝖺𝗅𝗋𝖾𝖺𝖽𝗒. 𝖸𝗈𝗎 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗇𝖾𝖾�...