['Myouri's POV´]
Lumipas ang dalawang araw, lumuwas ako ng Manila para kamustahin si Lolo pero agad din namang umuwi noong Linggo. Monday ngayon at maaga pa kaya andito ako nakatambay sa ilalim ng puno. Nakaheadphone ako at pinapanuod lang ang mga player ng soccer.
I was here again, alone.
I checked my phone and it was almost time. Nagmadali agad akong tumayo at lakad-takbo na ang ginawa ko dahil medyo malayo pa ang building ng 4th year.
"Hala. Sorry, sorry."
Panay sorry ako sa nabangga ko. Hindi ko naman sinasadya, hindi din naman kasi siya nakatingin sa dinadaanan niya.
"Watch where you going, Miss." napaangat ang tingin ko dahil nakilala ko ang boses na 'yon.
Agad kong pinulot ang nahulog kong libro at tiningnan ulit siya. Siya 'yong lalaki noong acquintance!
"Aúllen?" tanong ko, kinakabahan pa ako baka mali ang pagbigkas ko ng name niya. Bigla naman siyang napalingon sakin at binulsa ang phone niya.
"Ikaw?" manghang sambit niya at nakapamulsa pa.
"Ikaw lang pala. Hindi ka din naman tumitingin sa dinadaanan mo." sabi ko, nakakunot-noo tuloy siyang humarap pa sakin.
Magsasalita pa sana siya pero tumunog na ang bell kaya naman pareho kaming napatakbo ng di oras sa building namin. We parted our ways, buti pagkapasok ko sa room wala pa yung adviser namin.
Naglabas lang ako ng notes ko at inayos ang libro dahil medyo natutupi ang cover nito dahil sa nangyari kanina. Nagmamadali din kasi akong pulutin yun kanina dahil kay Aúllen. Hindi ko naman aakalain na siya yung nabunggo ko.
"Seems that you're in a good mood." nawala ang ngiti ko dahil sa boses na 'yon.
Ang kapal naman ng mukha niyang magsalita sakin ngayon, e noong mga nakaraang araw halos hindi niya ako kilala at todo pa siya iwas sakin.
"Last Friday, I saw you left with a guy. Sino 'yon?" napatigil ako sa pagsusulat ng name ko sa notes ng tanungin niya 'yon. Ramdam ko din na medyo galit siya ng bigkasin niya iyon.
"Kailan ka pa natutong makialam?" tanong ko pero hindi ko na siya tiningnan. Simula noong iniwasan niya ako, hindi na din ako nangulit at kinausap siya. I know from the start na ganoon lang ang mangyayari. Even if I already had a feelings for him, hindi naman ako nagsisi dahil at least naexperience ko 'yon. He wasn't my first love anyway, so, hindi naman ako nasaktan.
"I'm just worried because you didn't came back to the party. I even looked for you but it was raining kaya bumalik din agad ako sa loob." paliwanag niya at nagbuntong-hininga pa.
"Okay lang naman ako. And I went home that night." sagot ko at umayos na nang pumasok na 'yung adviser namin.
Ganoon parin, hindi na ako nag-abala pang lumabas noong lunch time. Sinanay ko na ang sarili kong kumain sa room dahil walang maingay. Ngayon, kalat na din na dating nga sila Kenji at Ashley. Some are mad, dahil hindi naman daw sila bagay. Some students naman ay support lang sa kanila.
Andito ako ngayon sa library, nanghiram lang ako ng science book para sa advance reading ko. Mas gusto ko pang ganito ginagawa ko kaysa mag-cellphone lang ng buong araw.
Nakasalubong ko si Rayleen sa hallway kasama ang mga kaibigan niya. May pinag-uusapan sila at hindi ko naman alam 'yon kaya nagmadali akong nilampasan sila.
"May aabangan daw si Ryle mamayang uwian. Mukhang may bago na naman siyang mabubully." rinig kong usapan ng mga kababaihan pag-akyat ko.
"Feel niya talaga hari siya, e. Mayaman ang pamilya niya kaya ganyan nalang, walang takot porket pera lang napapatahimik din ang mga faculties." sabay tawa nilang tatlo.

YOU ARE READING
𝖠 𝖲𝖾𝖼𝗋𝖾𝗍 𝖫𝗂𝖿𝖾 𝗈𝖿 𝖠 B𝗂𝗅𝗅𝗂𝗈𝗇𝖺𝗂𝗋𝖾 [ 𝖮𝗇-𝗀𝗈𝗂𝗇𝗀 ]
Teen Fiction"𝖧𝗈𝗐 𝖼𝖺𝗇 𝖨 𝗄𝗂𝗅𝗅 𝗁𝖾𝗋 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍 𝖺𝗐𝖺𝗒? 𝖨 𝖼𝖺𝗇'𝗍 𝖽𝗈 𝗍𝗁𝖺𝗍! 𝖠𝗅𝗅 𝖨 𝗐𝖺𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗆𝗈𝗇𝖾𝗒 𝖺𝗇𝖽 𝗁𝖾𝗋 𝖿𝗎𝖼𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗎𝗌𝗂𝗇𝖾𝗌𝗌!" "𝖤𝖺𝗌𝗒 𝖻𝗋𝖺𝗍, 𝖨 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝖺 𝗉𝗅𝖺𝗇 𝖺𝗅𝗋𝖾𝖺𝖽𝗒. 𝖸𝗈𝗎 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗇𝖾𝖾�...