Kabanata 5

25 2 0
                                    

Kabanata 5


Inalalayan akong bumaba ng sasakyan ni Ross kasi medyo nahihirapan ako sa long gown kong soot. It is maroon haltered long gown made of silk at sobrang hapit na hapit siya sa katawan ko. Medyo nanibago pa akong isoot ito dahil backless ito at sobrang baba ng cut. Abot balakang ko ang cut. Medyo kita din ang side boobs ko sa design ng gown. It's very revealing. Pero dahil medyo urgent yung pamimili namin ng damit ni Ross kagabi, eto lang yung nakita kong medyo okay.

Soot ko ang 1 inch heels ko. Hindi kasi ako sanay sa mga matataas na heels. Isa pa, convenient siyang soot.

Ross chose the all-black Americana suit. He totally looked like a celebrity. Naiilang pa akong tingnan siya kasi parang hinuhusgahan niya ako ngayon sa napili kong gown. Feeling ko tuloy hindi kami match.

"Are you okay?" bulong niya sa akin nang makababa na ako sa sasakyan. Napatango ako.

"Is it too revealing?" tanong ko sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin. Head to foot and back. Agad na namang uminit ang pisnge ko sa ginawa niya.

"Yes." He said in a low tone. Nakita ko ang paglunok niya ng laway. "but you look so damn good, Blaire." Bulong niya ulit sa aking tenga. Napangiti ako.

Usapan na namin ni Ross na sa likod kami dadaan. Ayaw kong magpa photo op. Kung gusto man ni Ross, siya nalang. Mabuti na lang diretso siyang pumayag sa gusto ko.

We were supposed to sit at the middle front. Pero nagbago ang isip ni Ross kagabi at sinabihan niya ang HR nila sa pinaka gilid na kami uupo.

Pagpasok namin ni Ross sa VIP entrance, may iilang guess ang napatingin sa amin at kumuha pa ng picture. Napalunok ako. Ross smiled confidently infront of them and greeted them habang hawak ang kamay ko. Napangiti na lang din ako.

"Hello, Ross!"

"Hi baby Ross!"

I heard somewhere...

Dinala ako ni Ross sa mesang may pangalan naming dalawa. At kaming dalawa lang. Ang mga mesa malapit sa amin ay naka 10 seat sets siya.

May dalawang medyo matanda na ang lumapit sa amin.

"Ross!" sabay nilang bati.

"Tito Ted, Tito Mel!" bati din ni Ross sa kanilang dalawa.

"And you must be, if I am not mistaken, Blaire?" napangiti ako at napatango sa sinabi ng Tito Mel ni Ross.

"I am. Nice meeting you po." I extended my hands para makapagshakehands sa kanila.

"You look like a real princess!" komento naman ng tito Ted ni Ross.

Natawa si Ross at napakamot ng kanyang ulo. "Oo nga tito eh kaya medyo nahihirapan akong kontrolin minsan ang sarili ko." Ano? Saan galing yun?

"Anyways, Blaire, eto ang mga ninong ko at ang dalawang maaasahan ni Daddy sa kompanya niya. Kasama niyo po mga Mrs niyo tito?"

"Oo kaso pinuntahan nila ang mommy mo sa kabilang room eh. Pero pupunta yun ngayon."

Nagpaalam din naman ang dalawang tiyuhin ni Ross at sinabing maglilibot libot daw muna sila at para batiin ang lahat nang dumalo. Ani Ross, they were his dad's bestfriends. Since high school sila na daw talaga ang magkasama. When his dad started their business, una niyang kinuha as his staff ang dalawang bestfriend niya at mga asawa nila.

Which is a very nice thing. No wonder maganda ang takbo ng kompanya nila Ross because they have a very solid foundation.

"Let's have a seat, Blaire." Pagyaya sa akin ni Ross which I immediately obliged.

Inayos ko ang pagkaupo ko para hindi ako magka wardrobe malfunction, worst makita nila ang akin boobs. Although inayos ko naman ito kanina na hindi talaga sila makikita.

"Pwede pahiram ng phone ko, Ross." Bulong ko Ross. Dahil sa ingay ng lugar, kinailangan ko pang lumapit sa tenga ni Ross para marinig niya ako. Iniwan ko din pala kay Ross ang aking cellphone since wala akong dalang bag.

"Here, Blaire." Aniya. Napatingin ako dito. No messages, No calls, only thousands notification from facebook.

Napatingin ako sa mini stage sa gitna at nakitang napaka engrande pala talaga ng design. Even the entire decoration is super Grand!

"Hindi ka ba giniginaw?" bulong ulit ni Ross sa akin. Napatingin ako sa kanya at umiling.

"I'm good. Ikaw?"

"Ako? Giniginaw ako sa soot mo." Nakasimangot niyang sabi. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na matawa sa reaksyon niya.

Inilagay ko ang aking cellphone sa lamesa sa harapan namin. I sat properly and cross my legs. Humilig din ako sa likod ng upuan. Medyo nakaside view ako kaharap si Ross. Mas inilapit ni Ross ang upuan niya sa akin at kinuha ang isang kamay ko. Hinawakan niya ito at ipinagsiklop. Bigla akong nanigas sa kanyang ginawa at hindi makareact.

Inilapit niya ang kamay ko sa kanyang baba at hinalikan ito.

"W-what are you d-doing R-ross?" nahihirapan kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa mga mata ko at binigyan ako ng isang matamis pero matipid na ngiti. "I wanna stop myself from the desire to wrap you with my tux, Blaire. You are showing everyone too much skin. It makes me want to kill everyone who stares at you." Bulong niya. Hindi ko alam kung ano ang irereak sa sinabi niya. Isa lang ang alam ko sa oras na ito, halos sasabog na ang puso ko sa lakas ng pagkabog nito. Lord... why is Ross doing this to me? Nanghihina ako. Gusto ko na lang magpakalunod sa paningin at yakap niya. This is so wrong... Ayaw kong maulit na naman ang nangyari sa akin nung high school kami. Ross wanted me first. Ross knew me first. He came and made me experience feelings that were so new to me. Feelings that are so hard to forget even how many years may pass. Feelings I longed to feel again. Feelings I thought I would never feel again.

Now... he is doing it again. Yet here I am also, giving him free passes to do it again.

"Mga anak?" a woman in her middle 50's I think went to us and smiled.

"Mom!" Ross greeted. Dahan-dahan akong inalalayan ni Ross na tumayo at binitiwan niya ang aking kamay para yakapin ang babaeng tinawag niyang mom.

"Hello, dear! You must be Blaire." Aniya sa akin at nilapitan ako at niyakap. "It's so nice to finally meet you. Naiiyak ako." Ani ng mama ni Ross pagkatapos akong yakapin. Napangiti ako at nakita ko pang medyo teary eye siya. Para din akong naiiyak sa naging reaksyon niya.

"Hello po, Ma'am. I'm honored to meet you also." Tugon ko sa kanya.

She made a puppy eyes and hug me again. "You are so beautiful. You look like a Miss Universe winner." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Lumapit ulit si Ross sa akin at ramdam ko agad ang pagpulupot ng kamay niya sa beywang ko. He hugged me closer to him. Napasunod na lang ako dahil na din sa panghihina ng tuhod ko sa ginagawa niya sa akin ngayon.

"Syempre, Mommy!" Ross proudly said.

A man in his middle 50's also went to us. Ross greeted him and called Daddy.

Wow. I am so amazed at how I can really see the resemblance of Ross to his father.

"Dad, this is Blaire. The one and the only person I keep on telling you." Natawa ang Daddy ni Ross sa kanyang sinabi at napailing-iling.

"Hello, Iha! Nice to be finally meeting you." I smiled at him. Lumapit siya sa akin at niyakap din ako. Sobrang nahiya pa ako. Hindi ko alam ang irereact.

"It's an honor to be finally meeting you din po, Sir." Nahihiyang tugon ko. He held my right hand and told me, "alagaan mo ang anak ko ha. Huwag mo ng paiyakin yan at baka magbago na naman ang isip niya at iwanan ako." Biro ng Daddy ni Ross. Ramdam ko pang nahiya din si Ross sa sinabi ng daddy niya. Natawa din ang Mommy ni Ross.

"Kaya nga, Dad! Naku, Blaire, bisitahin mo naman ako sa bahay minsan. I heard so much about you and I would love to know you better." Ani ng Mommy ni Ross. Napatango ako at nginitian siya.

"O sya mga anak, magsisimula na daw ang event. Tinatawag na ako ng HR, baka pagalitan pa niya ako ngayon. See you later." Pagpapaalam ng Daddy ni Ross. Natawa na lang ako sa pagiging cool nilang dalawa ng Mrs niya.

Umupo kami ulit ni Ross pagkaalis ng mga magulang niya at hinawakan na naman niya ulit ang kamay ko. 

His Realm (Special Unit Division Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon