Kabanata 6
Totoong sarado na ang isip ko sa posibilidad na maramdaman ulit ang mga pinaramdam niya sa akin noong high school kami. Kaya parang panaginip sa akin ang lahat. I never expected for us to meet again be this close again.
Natatakot akong maging mahina na naman ako sa mga maririnig ko at baka mapag desisyunan ko na naman ulit na umalis at hindi na magpakita. Kasi sa totoo lang, kung iisipin kong mabuti ang mga desisyon ko noon at kung totoo man ang nararamdaman sa akin ni Ross noon, siguro, nasaktan ko din siya sa padalos dalos kong desisyon. Kung ganoon man ang nangyari, gusto kong bumawi sa kanya. Pero natatakot ako sa sarili ko.
The entire program was smooth and magical. Madami ang lumapit sa amin ni Ross at nagpapicture. Mostly mga kasamahan ni Ross sa kompanya nila at marami ding mga photographers ang kumuha ng litrato naming dalawa. Ross kept on telling them to write something beautiful. Hindi ko lang alam kung ano ang tinutukoy niya.
Binati din kami ng kuya ni Ross na si Ridge. Medyo late lang siyang nakarating kasi madami daw siyang customer sa restaurant niya. Nang makita ko din ang ate ni Ross, hindi ko inasahang Lesbian pala siya. Her name is Jillian. Kasama niya ang mukhang model niyang girlfriend na si Roisa.
Nagpakilala din siya sa akin at niyakap ako. Ganun din ang girlfriend niya. They have been together for 1 year na daw. Pareho silang maganda ng girlfriend niya. Nakaka-amazed lang!
Hinayaan ko si Ross na gawin ang ano man ang gusto niyang gawin. He wrapped me with his tux. He held my hand during the entire program and even if he stood in front to give speech and welcome remarks to the guests, he keeps on looking at me and making sure I am okay.
"Ngayon, kasama niyo at ng pamilya ko, mas lalo ko pong pagbubutihin ang trabaho ko at pangalagaan ang mga taong nandiyan pa din sa kompanya namin at hindi kami iniwan. Lalo na ngayon na andiyan na din ang taong nagbibigay lakas sa akin." Everyone cheered and some looked at me. Napangiti ako. Naiiyak ako. Hindi ko na maiintidihan ang mga paru-parung nagwawala sa tiyan ko.
Dahil na din sa hindi makahindi si Ross sa mga inuming nakakalasing na binibigay ng mga ninong niya, dahan dahan na ding lumalabas ang pagiging tipsy ni Ross. From the very careful man to his words and actions down to being reckless and shameless.
"Alam mo bang wala akong ibang minahal sa tanang buhay ko, ikaw lang, Blaire." Feeling ko nakalitaw na ako sa ere.
"Hinintay kita. Kahit na nasasaktan akong isipin na baka kasal ka na o may asawa ka o may mga anak ka na. Gusto kong sabihin mo mismo sa harapan ko na wala ka ng nararamdaman sa akin." Aniya sabay turo niya sa kanyang sarili.
"Laking pasalamat ko hindi ka pa kasal sa iba."
"Alam mo bang hindi ako natulog nung unang beses tayong nagkita ulit? Kung hindi pa ako pinuntahan ni mommy hindi talaga ako matutulog. Nagising ako alas diyes, dumiretso akong trabaho, first time kong na-late." natawa siya. Lasing na nga. "Kaso palagi kang pumapasok sa isipan ko hindi ako makatrabaho ng maayos kaya pinuntahan na kita. Unang beses ko ding hindi alam kung ano ang gagawin hanggang hindi ka nakikita. Ang gago ko diba?" aniya. Lasing na nga siya.
"Hindi na ako iinom, Blaire. Hindi na. Baka ayaw mo na sa akin. Ayaw ko ng ganun. Gusto ko, gusto mo din ako."
Pinainom ko ng maligamgam na tubig si Ross sa tulong ng kanyang executive secretary. He is Kyle. Lalaki siya at mukhang nasa early 20's pa siya. Kyle knows everything about Ross. From his meetings to his personal life. Nagpakilala din si Kyle sa akin kanina and according to him, he has been Ross EA for 4 years straight. Maamo siyang bata at mahal niya ang ginagawa niya. He even mentioned na kilala din niya ako.
Nakainom din ako pero kaya kong kontrolin ang sarili ko. Hindi din ako tinitigilan nung mga bestfriends ng mommy ni Ross. I needed to control my self kasi lasing si Ross. Or else, para kaming tanga nito.