Kabanata 7

11 0 0
                                    

Kabanata 7

Nasa tatlong oras lang ata ang tulog ko. Kinailangan naming umalis ng maaga ni Ross kasi sa Batangas pa gaganapin ang kanilang company outing.

"Ako na ang magdadala sa mga gamit natin, Blaire. Eto nalang dalhin mo." Pagtutukoy niya sa maliit na bag kung saan nasa loob nito ang kanyang cellphone, wallet, alcohol and other i.d's. Nilagay ko din dito ang aking cellphone at wallet.

Mabuti na lang bago kami natulog kagabi, hinanda na namin lahat ng kagamitan. Sa isasang bag na lang din namin siya pinasok.

"Hinanda ko na din ang kape mo, nasa loob siya ng aquaflask na green. May tubig mo na din diyan. Nagluto na din pala ako ng pang-agahan natin. Nandito siya sa paperbag na brown. Ako na magdadala. Sa sasakyan na lang tayo kakain, okay lang ba yun sayo?" aniya. Napatango ako. I'm so sleepy. "Dalhan kita ng kumot, Blaire... baka sakaling gusto mong matulog." Dagdag niya.

"Okay, Ross."

Nauna na din akong natulog kay Ross kagabi. Dahil may katawag pa siya bago ako nakatulog. I even heard his frustrations last night. Parang may hindi magandang nangyari sa shipment nila.

"It's okay if you want to sleep, Blaire. Harap ka lang sa gawi ko para makampante akong matingnan ang mukha mong natutulog." Aniya.

Naging smooth naman ang buong biyahe namin ni Ross. Ginising na lang niya ako nung nakarating na kami sa venue. "I'm sorry, Ross." Nahihiyang sabi ko.

Inalalayan niya akong bumaba at agad naman siyang sinalubong ng mga tauhan niya para ibaba ang mga gamit naming dala. "I'm good, Blaire." He assured me.

Agad akong napangiti nang makita ang palabas na na-araw. Unti-unti nang lumiliwanag ang paligid.

"Good morning Sir Ross, kayo pa lang po ang unang nakarating sir." Ani ng Front Office pagkapasok namin sa kanilang hotel. "Good morning din po, Ma'am Blaire" bati din niya sa akin. Wow. Kilala din niya ako?

"Copy April, can you show us our room?"

"Yes sir."

Dinala kami ni April sa pinakahuling palapag ng hotel nila. Nakita kong sa palapag na ito, nasa limang rooms lang ang meron.

"Sir, itong VIP room po ang pinabooked ni Maam Krystal sir para sa inyo ng Mrs mo." Ani April ng buksan niya ang room.

Agad akong namangha sa ganda at laki ng room.

Wait... MRS? ako?

"Okay lang, April. Ikaw Blaire? Okay lang ba sayo ito? Pasensya ka na kay mommy ah."

Napatango ako. "I'm good, Ross. Magkatabi din naman tayo sa bahay kaya okay lang." nginitian ko siya. Nilapitan niya ako at pinulupot agad niya ang kanyang kanang kamay sa aking beywang.

"Okay na sa amin ito, April. Thank you."

Umalis si April pagkatapos kunin ang mga habilin ni Ross. Narinig ko rin kanina na sabi ni April, masarap daw ang dagat sa mga oras na ito. Baka gusto na naming maligo.

Agad akong naexcite... una, ang tagal na nung paghuling nakaligo ako ng dagat na hindi trabaho ang iniisip. Since overview ng kwarto namin ang malawak na dalampasigan ng resort, kitang kita ko din dito ang mahinahong tubig ng dagat.

Our bed is in king size. Sobrang laki niya. I think magkasing laki eto nung kama ni Ross sa kanya kwarto. Nakita ko si Ross na inayos ang mga damit namin sa cabinet. Napatingin ako sa dining area at agad kong naalala na may hinandang agahan at kape pala si Ross.

Lumapit ako dito at agad hinawakan ang aqua flask niyang may lamang kape. Na amazed akong maramdamang mainit na mainit pa ito.

"Let's eat, Ross." Ross prepared 6 pcs bacon, bread, 3 sunny side up egg and fresh fruits. Hindi ko man lang napansin na may hinanda pala siyang ganito kaninang umaga.

His Realm (Special Unit Division Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon