Episode 2

286 21 3
                                        

AFTER Sir Ched said who he is agad siyang naglatag ng ilang mga demands kapalit sa pag payag na mag dagdag kami ng ilang mga staff na aasikaso at mag coconduct ng test kay Rebecca. Both ends agreed to sign a rush agreement bago nag undergo ng treatment and tests ang pasyente.

He introduced himself as Rebecca's talent manager. He explained na nagpunta daw sila dito for a site visitation para sa bibilhin sanang property ni Rebecca to be her vacation house. They were waiting for the realtor when the incident happened.

It was like a hit and run scenario kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko to insist na ireport sa mga pulis ang nangyari. Rebecca's life could be in danger kaya dapat lang na maireport but it lead to another argument between us.

"I cannot risk her name and career kapag nag surface sa media itong nangyari."

"Wouldn't it be a much bigger risk kung hindi kayo kukuha ng tulong sa authorities?"

"Look, Doctor...?"

"Doctor Samantha Xiang-Kim."

"Right... She-- we are bound in a contract at hindi pwde mag rush ng kahit anong decisions ng walang go signal from the management."

Napabuntong hininga nalang ako in surrender. Ayoko na magaksaya ng energy makipagtalo sa kanya. He's her talent manager anyway-- he knows better in this matter... Hopefully.

"What about her family?"

"I need her approval bago ko ipag bigay alam sa parents niya." as expected pati pag alert sa immediate family kailangan din ng concent. Show business is so complicated and fucked up.

"In that case, please proceed to the Nurse station. We need Rebecca's details for patient's information."

Buti nalang din at hindi na siya nakipag talo saken sa patient's information dahil nauubos na yung pangunawa ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayoko mag trabaho sa mga prestigious hospitals sa city-- masyadong komplikado ang mga VIP na pasyente.

* * *

SINIGURADO ko munang Rebecca is in a stable condition bago ako nag patuloy sa rounds ko. Iilan lang kaming mga doktor dito sa hospital kaya naman wala akong pwdeng asahan na ibang nagsa-substitute sa akin.

Maswerte lang talaga at wala siyang major injury na inabot base sa tests ng MRI. So far, sprained right arm and foot, busted lower lip at minor na sugat sa ulo lang ang tinamo niya sa pag kaka banga.

Napangisi nalang din ako habang naglalakad. What are the odds na sa ganitong tagpo pa kami makikita ng idol namin ni Nam.

Oo nga pala, sabi ko susunod ako kay Nam sa Xavier Hospital but I guess hindi na ako aabot today. Di bale bukas I'll make sure na makakadalaw ako.

"Doc Sam..." tawag saken ng nurse na may dalang clipboard nang dumaan ako sa public ward.

"Yes?"

"Excuse lang po, sorry... Pwde po bang makisuyo? Kanina pa po kasi pabalik balik at nangungulit yung isang patient namin. Nag mamadali po madischarge. Pwde po bang makisuyo for clearance nalang naman po siya."

"Sige wala namang problema. Asaan ba siya?"

Itinuro ako ng nurse duon sa may dulong hospital bed kung saan may lalaking naka itim na jacket ang nakaupo. Naka suot ng neck brace at may ilang sugat at pasa sa muka.

"Hindi pa po kasi talaga siya pwedeng umalis kaso sobrang mapilit po saka naiistorbo na din yung ibang mga pasyente." kitang kita ko sa expression ng muka ng nurse yung inis niya. Mukang kanina pa nga sila ginugulo dito.

The Perfect IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon