Episode 3

326 13 1
                                    

NAGUUMPISA nang makaramdam ng panlalamig ang buong katawan ko. Unti-unti na uubos yung lakas ko at pabigat na ng pabigat ang talukap ng mata ko.

It's ironic. Usually etong scenario na' to ang nakakapag pagaan ng loob ko. Yung lamig ng hangin, yung mga puno, yung mga huni ng mga kulisap, yung buwan, yung mga bituwin-- pero ngayon-- wala akong ibang maramdaman kundi takot at pagka-guilty.

I'm so sorry Becca. Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito. Kasalanan ko 'to. We should have stayed in your room.

But then nag flash sa isip ko yung ganda ng smile niya habang nags-star gazing kanina. That was as pretty as the night.

It was supposed to be a peaceful night. Not like this.

Nag umpisa ulit na tumulo ang mga luha ko.

Am I really dying?

Ayokong mamatay ng ganito.

Paano yung career ko? Paano yung family ko? Si Ate Mind? Si Nam?

Mahahanap ba nila kami dito sa bangin-- sa likod ng ospital?

Nasipat ko pa yung taas ng ospital napinaghulugan namin. Wala na yung lalaki duon.

Hindi ko alam kung ano bang dahilan bakit niya 'to ginawa. Pinipigilan ko yung sarili ko na makaramdaman ng galit sa kanya. Ayokong mawala sa mundong 'to na may dalang puot-- pero paano?

Nawala ako sa malalim na pagiisip nang marinig ko ulit yung mahinang pag hikbi ni Rebecca. Kaya ginamit ang natitira kong lakas, pinilit kong gumapang at humiga sa tabi niya. Muli kong hinawakan ang kamay niya. To let her know na hindi siya nagiisa-- nasa tabi niya ako.

Naramdaman kong piniga niya ng bahagya yung kamay ko-- dahilan para lumingon ako sa kanya. May sinasabi siya. Pilit kong pinakinggan pero walang kahit isang salita akong narinig. Pagkatapos nun ay pumikit na siya at hindi na gumalaw pa.

Natigagal ako.

Dapat ko bang tanggapin na eto na talaga yun? This is the end?

I saw a shooting star trace across the sky. It split into two bago tuluyang mawala sa paningin ko.

I don't why but that calmed me down and made my eyes close.

* * *

MALAKAS na palakpakan yung gumising sa akin. Hindi ko pa nakikita pero alam kong maraming tao. Pag dilat ko, nakaupo ako sa harap ng isang grand piano.

Tumayo ako.

I'm on a stage. Humarap ako kung nasaan nakaupo ang mga audience at mas lalong lumakas ang mga palakpakan. Then my eyes were locked on the two people at the front seat. I cannot recall kung sino sila but it made me feel so proud seeing them cheer for me.

"Ladies and gentlemen, Finnella Faye
Casquio!"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Is he referring to me? But my name's Samantha Xiang-Kim. Now I'm starting to get confused.

May isang staff na sumensyas saken na umalis na ng center stage pumunta na sa likod. So I did.

May sumalubong saken na mag asawa. Sila yung nasa front seat kanina.

"Congratulations anak! You did great!" bati saken nung babae. Anak? What? Is she talking to me? Pano ako naging anak niya Ano bang nangyayari? Nananaginip ba ako?

"Napa bilib mo kami ni Mommy mo!"

I confusingly stared at them. Sino ba silang dalawa?

"Anak okay ka lang ba? Hindi ka kumikibo. Grabe ba yung kaba mo kanina? Gusto mo na bang umuwi?"

The Perfect IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon