9

41 1 0
                                    

Matapos makausap si Devora, agad ko itong tinawagan ang aking pinsan na si Boss Leo.

"Kuya Leo," sinagot niya ang aking tawag, at biglang nanlamig ang aking pakiramdam nang siya ay sumagot.

"Hindi kita matutulungan; kung gagawin ko, malalagay sa panganib ang kumpanya." Nagsimulang pawisan ang aking mga kamay.

"Pero Kuya, wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Gloria," nanginginig na kanwirang sabi ko.

"Lyka, pagod na ako sa pagtulong sa iyo. Marami ka nang beses na nasangkot sa ganitong sitwasyon, at ito ang pinakamalala. Kung tutulong ako, masisira ang kumpanya na pinaghirapan kong itayo. Wala rin namang magtangkilik sa mga libro na inilabas natin kung tutulungan kita. Hayaan na lang natin ang mga pulis na imbestigahan ang kaso mo," sabi nito nang mahinahon. Nanginginig ang aking mga tuhod habang si Devora na lamang ang natitirang pag-asa para sa akin.

Nagpasiya akong patayin ang tawag dahil sa panginginig ng katawan ko. Napapikit ako sa takot sa posibleng resulta ng kaso. 

Napasinghap ako nang bigla kong naramdaman ang lamig sa aking ulo, at nagulantang ako sa biglang pagbuhos ng tubig sa akin. Tumitig ako upang makita kung sino ang nasa harap ko, at nadama ko ang poot habang nakatayo siya na may nakakalokong ngiti.

"Ang ganda naman ng ginagampanan mo, Lyka. Kamakailan ka lang naging kabet, ngayon naman kriminal ka na," sabi niya sa akin na may nakakalokong ngiti.

"Salamat sa pagpuri, Cassandra. Mukhang labis kang humahanga sa akin, hanggang dito sinundan mo pa ako," tugon ko sa kanya na may halong pang-aasar. Ngunit biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha, naging seryoso ito.

"Walangya, hanggang ngayon matapang ka pa rin kahit malapit ka nang mapabilang sa bilangguan," sabi niya habang umupo sa tabi ko at deretso ang tingin sa akin na puno ng galit.

"Hindi ba tapos na ang imbestigasyon, Hindi pa ako mapapabilang sa bilangguan." tugon ko habang tumatayo, inaayos ang basang damit, at nilalabas ang wallet ko. Kumoha ako ng isang libong piso at inilapag ito sa lamesa.

"Bili ka ng kausap mo, baka sakaling makikinig sa katangahan mo," sabi ko habang pinapagpag ang basang buhok  ko at lumalakad palayo mula sa kanya. Palayo na ako nang bigla kusa tumulo ang luha ko. Hindi pwedeng mahina ang loob ko dahil sa nangyari.

pag uwi ko sa bahay nadatnan ko si mama at papa seryoso nakaupo sa sopa ako naman lumakad nalang papalapit sa kanila.

"Kamusta ang bakasyon, Ma, Pa?" mahinahon na sabi ko habang lumalapit. Tumayo si Mama at biglang sumalampak ang kanyang palad sa pisngi ko, kaya napabaling ang aking ulo. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata, na sumasalamin sa sakit ng sampal na aking tinanggap.

"Wala kang utang na loob, sinisira mo ang reputasyon ng ating pamilya," sabi niya sa akin. Napa-tiim ang aking mga labi sa naririnig, dahil kailan ba naging maayos ang pamilya namin?

"Ma, kailan ba ito naging maayos ang pamilya natin? Sa pagkakaalam ko, matagal na itong sira," sabi ko habang hawak ang aking pisngi na nasaktan. Tumayo si Papa at naglabas ng galit na salita.

"Hindi ka namin inalagaan nang matagal para lang salitaan kami ng ganyan!"

"Ano ba talaga ang gusto n'yo, Ma, Pa? Pera? Hintayin n'yo na lang, kukunin ko na ang pera para makalayas na kayo sa bahay ko," sabi ko habang hindi ko na kayang pigilin ang pagluha ng aking mga mata.

Tumigil sila Ma at Pa nang may kumatok sa pintuan. Si Papa ang pumunta sa pintuan ng bahay para buksan ito.

"Hinahanap namin si Lyka Dela Cruz dahil sa kaso ng pagpatay," sabi ng pulis na naka-uniporme, at ipinakita niya ang warrant of arrest sa amin.

"Ako nga," nanginginig kong sabi, puno ng takot.

Hinila ako ni Mama, at itinago sa likod niya.

Hindi magagawa ng anak ko ang pumatay," tiim-bagang sabi ni Mama sa pulis na humarang kay Papa sa amin. Ngayon lang ako pinatanggol ni Mama at Papa. Umalis ako sa likod ni Mama at lumapit sa pulis nang may kaba sa boses ko.

Nakikinig ako ng mabagal at paunti-unti sa mga salita ng pulis. Ngunit habang sumasalita siya, ang pangamba at takot sa aking sarili ay umiiral pa rin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga pangyayaring ito at kung ano ang tamang hakbang na dapat kong gawin. pinososas nila ako.

Sa kabila ng mga salita ng pulis at ang pagkakasangkot ko bilang pangunahing suspek, ang aking pangamba at takot ay lalo pang lumalim. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang proseso ng batas na nagsisimula na ngayon. Ang bigat ng mga ebidensya at salaysay ng mga testigo ay tila naglalagay sa akin sa isang malalim na gubat ng kawalan ng pag-asa.

Nang kami'y lumabas sa pintuan, biglang umilaw ang mga kumikislap na camera na nakatapad sa akin. Ang mga liwanag na iyon ay tila nagpapakita ng bawat hakbang ko, anumang maliit o malaking kilos na aking gagawin. At sa gitna ng mga ilaw na iyon, doon ko nakita si Devora, nakatayo at tumitingin sa akin.

Napansin ko na tila masaya siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata. Ngunit hindi ako ganito mahina at walang laban. Huminga ako ng malalim at umiwas sa kanyang mga mata. Nakatingin siya sa akin habang nakaposas ang aking mga kamay na napakuyom.

Nang pasukin ko ang sasakyan ng pulis, nasilayan ko ang kanyang nakakalokong ngiti sa salamin, habang patuloy na nakatingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay naglalabas ng isang kahindik-hindik na kasiyahan, na nagpalalim ng kaba sa aking puso. Tinangka kong pigilan ang aking takot, ngunit hindi ko maiwasang maalala ang mga nakaraang pangyayari at ang bigat ng mga kasong isinasampa laban sa akin. Sa harap ng salamin, nagpatuloy ang kanyang mapanudyo at malabis na ngiti, na nagpapahayag ng kanyangkasayahan sa aking kalagayan. Ang kanyang mga mata ay tila naglalaro sa mga pangyayari, puno ng malisya at pagmamalaki. Nag-iwan ito ng malalim na kahulugan sa aking kalooban.

THE SECRETS  OF DEVORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon