11

32 0 0
                                    

"Lucas?" dagdag ni Mae.

"Hi, tinulungan ko lang si Devora. Marami kasi siyang dala na pagkain," tugon agad nito bago ibigay kay Devora ang ngiti at nagpaalam sa amin.

"Aba, aba, dalaga na ang alila natin!" sabi ni Mae habang inakbayan si Devora.

"Ah?" takang sabi ni Devora.

"Wala lang," sabi naman ni Mae.

"Sama ka sa amin, Devora?" tanong ni Laurel.

"Saan?" tugon naman ni Devora.

"Sa bar, I think magugustuhan mo 'yon," sabi ko.

"Baka hindi ako payagan ni Mama," alinlangan na sabi ni Devora.

"Naku, Mama's girl ka pa rin hanggang ngayon. Dapat tayo'y mag-enjoy!" sabi ko na may halong tawa.

"Sabagay nga," pilit na ngiti sabi ni Devora.

"Akin na nga 'yung pagkain na pinabili ko para sa 'yo," sabi ni Laurel, kinuha na ng walang paalam ang hawak ni Devora.

"Salamat sa libre, Devora. Bukas ah, tawagan mo lang kami para makapunta sa bar ni tito ni Mae," sabi ko habang inaayos ang bag.

"Sige, message nalang kayo bukas sa akin," tugon ni Devora, nakangiti na parang napupunit ang bibig. Hindi ko gusto ang ganitong attitude ni Devora, parang ewan, parang mabait pero may something talaga sa kanya na hindi ko mawari.

"O, May klase ka pa, diba? Message nalang kita kapag may ipabili kami sa 'yo!" sumingit na sabi ni Laurel habang tumango si Devora at ngumiti si Mae nang tumalikod si Devora.

"Nakakatawa talaga si Devora, no? Parang isa siyang asong sumusunod sa amo!" nakangisi na sabi ni Mae.

"Shhhh, Mae, huwag ka maingay baka marinig niya!" simangot na lang si Mae habang sinusundan ang tingin sa likod ni Devora.

"Marami pa ring gustong kasama si Devora kahit pangit siya," sabi ni Mae.

"Ewan ko, hayaan mo na lang. Basta tayo, may sarili tayong ATM," tugon ko.

"Oo nga,"

Kami tatlo talaga ang magkakaibigan, at napasama lang naman si Devora dahil may pera siya at matalino, pero hindi bagay sa Class A tulad namin ang itsura niya.

"Ano ang gagawin natin kay Devora?" bulong ni Laurel.

"Wala, gagawin lang natin siyang tagabayad," sabi niya sa akin.

Napa-tingin ako kay Devora at Lucas habang masaya silang nagtinginan dalawa.

Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko.

"Bakit lagi si Devora?" sabi ko sa sarili ko.

"Ayos ka lang Lyka?" bulong ni Mae sa akin.

"Medyo." Napakagat ako sa labi habang nakatingin sa likod ni Lucas.

"Sus, selos wala naman label," biro ni Mae.

"Manahimik ka nga Mae, hindi ako nagseselos sa tulad ni Devora," agad na sagot ko.

"Whatever," irap ni Laurel sa akin.

Lumapit si Devora sa amin bago mawala si Lucas.

"Uhmp, mauuna na ako ah, inaantay kasi ng kakilala ko," natataranta na lumilingon-lingon siya paligid.

"Bakit?" Takang tanong ko at napa-kunot-noo ako nang mapansin ko ang isang tao na nakatayo sa ilalim ng puno, ang mga mata nito'y nakatingin sa amin, lalo na kay Devora.

"B-basta," nauutal na sabi nito sa amin tapos nagmamadali na itong umalis.

"Problema nun?" tanong ni Laurel.

"Ewan ko!" sabi ni Mae na busy sa pag-aayos ng kanyang kuko na kulay pink.

Habang iniisip ko kung sino ang tao iyon na nakatayo sa ilalim ng puno, biglang nagtaka si Mae kung bakit ako ay tila napapatanaw na.

"Bakit natulala ka na?" Tanong ni Mae.

"W-wala," iwas ko sa tanong niya, subalit ang totoo, nangangamba ako. Hindi ko maalis sa isip ko ang taong iyon.

"Oo nga pala! May gagawin pala ako, kita nalang bukas tayo," sabi ni Mae na masaya.

"Chat n'yo lang si slave natin," dagdag niya, na nagbigay ng ngiti sa aking mga labi.

"Sige, bukas nalang." Sabi naman ni Laurel, masaya kaming nag-beso kami tatlo.

Huminga ako ng malalim sa nakita ko kanina, baka nga nakatambay lang 'yung tao na 'yon, eh masyado ko pang pinagi-isip ang sarili ko.

Napailing na lang ako at umalis.

Nagtago muna si Devora bago umalis ang kanyang mga kaibigan. Sumilip siya at nagmadaling tumakbo papunta sa kinalalagyan ng kanyang kapatid.

"Ate Devora!" Tawag nito habang papalapit na si Devora.

"Sabi ko sa iyo, huwag muna akong puntahan!" Inis na sabi ni Devora.

"Sorry na, ate. Gusto ko lang naman makita ka." Naka-yuko na sabi nito, hindi na mapigilan ang awa sa kanyang kapatid.

"Kilala mo si Mommy, oras na malaman niyang tumakas ka, malalagot ka." Mahinahon na sabi nito.

"Sorry ate pero napapagod na ako, nasa basement lang ako," Katwiran nito.

Niyakap ni Devora ang kapatid nito.

"Malapit na ako mag-graduate at ako na ang hahawak sa company natin. Ipapakilala kita sa buong mundo na may kapatid ako, kaya mang-tiis ka muna," pangako sabi nito.

"Okay Ate, hintayin

kita," sabi nito, hinalikan ni Devora ang pisngi nito.

"Parehas tayo ng mukha," mahinahon nitong sabi, nakatitig sa kanyang kapatid.

Hindi ko alam kung bakit, ayaw ni mommy isa sa kanyang mga anak. Huminga si Devora at inayos ang mask na suot nito.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi, huwag ka nang papahuli kay mommy," paalala ni Devora.

"Okay Ate," sabi nito, inayos ang jacket at tinakpan ang ulo gamit ang hood.

"I love you, Ate Devora." Masaya sabi nito bago ito umalis.

Napaupo si Devora napatingin sa kalangitan.

"Laki ng problema mo ah?" Napalingon si Devora ng may nagsalita sa likod.

"Gaano ka laki?" Tanong ko sabi ko.

"Super laki, t'saka sino kinausap mo kanina?" Tanong ni Lucas sa kanya.

"First year may tinatanong lang," mahinahon na sabi ko.

"I see," sabi nito.

"Lucas, pupunta ka sa bar?" Tanong ko.

"Depende kung sa sama ka." Sabi nito, napakagat  ako kasi baka magalit tatlo ko kaibigan.

"Oo," mahinahon na sabi ko.

"Good yan." Naka ngiti nitong sabi

"Hindi kaba aalis?" Tanong ko.

"Bakit ayaw mo ko kasama?"

"Wala ask ko lang baka kasi may klase ka importante rin pag aaral at "O, siya aalis na ako may gagawin pala ako."

"Sige Ingat!" Sagot nito sa akin.

"Sana hindi makita ni mommy paglabas ng kapatid ko." Bulong ko sarili ko.

Huminga ako malalim at ng umpisa mang lakad paalis

"Wait hatid na kita sa klase mo!" Sigaw ni Lucas kaya napahinto ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE SECRETS  OF DEVORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon