Chapter 12

11 10 0
                                    

___

"Alam mo, pahiram na lang ako ng lapis mo para magbago na ang mood ko." Malakas na salita ng isang babae bago magtawanan ang lahat. Hindi ako sumagot at tanging pagtitig na lang ang nagawa ko. Walang salita o luha ang lumalabas mula saakin. Tanging pagtitig sakaniya habang pinapakielaman ang pencil case ko na pinakamamahal ko. 

"Pahiram muna ako nito ah." Paalam niya saakin habang hawak-hawak ang pinakamahal na lapis na pagmamay-ari ko. Gusto ko ito kunin ngunit hindi ko magawa, dahil alam kong hindi niya rin naman ibibigay at lalo lang ako mawawalan ng kontrol sa pagpigil ng luha ko. 

Nakita ng seatmate ko ang pangingilid ng luha ko, "Alam mo kung bakit ang gamit mo palagi ang napagdidiskitahan nilang kunin kahit na mas maganda yung akin?" Tanong niya saakin na tanging pagtitig lang din ang naging sagot. 

"Duwag ka kasi."
 

______ 

"Bitawan mo iyan!" Malakas kong sigaw sa pagpasok ko. Nagulat ang isang lalaking malaki ang katawan na nakatayo sa harap ng cashier station. 

"Ang alin anteh?" Tanong nito sa malambot na boses. Kitang kita ko kung gaano kalaki ang mga muscle niya lalo na sa biceps dahil na blue gym sando at pink neon short lang ang suot niya. 

"Hija, sinisigaw mo diyan?" Biglang tanong nung sumilip mula sa likod nito-- si Kuya Brutt. Malinis ang mukha niya, walang bahid ng dugo ang noo. Dali-dali akong tumakbo sakaniya habang sumisiksik sa likod niya. 

"Ano ba, Mira! Nakita mong nagtitinda ako rito manggugulo ka." Sigaw niya saakin habang nagpipigil ako ng iyak. Patuloy siya sa pagkuwenta ng binibili nito habang nakadukdok pa rin ako sa likod niya.

"Kumuha ka na ng chocolate kung gusto mo, pero dalawa lang ah." Inilapag ko ang mukha ko sa lamesa para hindi niya na mapansin ang mukha ko na naiiyak na. 

Masyado akong nagulat sa nangyari. Nabaril siya, tumakbo ako rito kahit alam kong pwede rin ako isunod nung nakagray na long-sleeve, tapos ito? Ito maabutan ko? Buhay ang dapat kong ililigtas? Walang bahid ng kahit ano na nangyari nga ang nagpabilis sa tibok ng puso ko. 

"Mira? Ano ba gusto mo?" Tanong nito saakin sa kalmadong boses. Umupo rin ito sa isang monoblock chair na nasa tabi ko lang din.

"Wala naman po." Sagot ko sa tanong niya ng makarecover na ako sa mga nakita ko na hindi naman totoo.  

"Patambay na lang." Tanging nadahilan ko. 

"Bahala ka nga sa buhay mo. Basta huwag mo lang uubusin paninda namin." Pagpayag nito bago maglaro sa cellphone niya. 

HIndi ko na alam ang dapat kong gawin. Kinakabahan ako, nalilito na ako sa totoo at sa imahinasyon ko lang. Alam kong ganito lang din ang nakita ko bago tuluyang nawala si Ate Myrna. Ngunit ano ito? Bakit hindi naging totoo? Hindi ba ang nangyari kay Ate Myrna sa pagkita namin sakaniya sa kalsada at iyong pagkita ko sakaniya sa salamin ay sabay nangyari? Bakit ngayon na nakita ko sa utak ko ang pagkamatay niya, ay buhay na buhay pa rin si Kuya Brutt sa tabi ko habang naglalaro ng online games? 

"Huwag mo ako titiginan ng ganiyan, baka matakot naman ako dahil alam kong may panget na tumititig saakin." He said when I realized that I zoned out while I looking at him. 

Hinampas ko siya bago dumikit sakaniya para panoorin at trashtalkin siya sa paglalaro niya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na inabot na ako ng dilim dito.

Dumating na rin ang Tatay niya na si Mang Bernardo galing sa paggogrocery kaya tumayo na rin ako. Narealize ko na rin nilalayo na pala talaga na ni Kuya Brutt yung mga chichiryang binubuksan niya sa tabi ko dahil ako na rin pala kasi talaga ang nakakaubos. 

"Nak, uwi ka na?" Tawag saakin ng Tatay niya nang makita niya na akong palabas na sa tindahan.

"Opo, madilim na rin po ih." 

"Kunin mo muna ang isang plastic ng ubas diyan na nakapatong sa karton bago ka umuwi." Utos niya na sinunod ko rin. "Mag-iingat ka." Ang salita niya na nagpatigil saakin. Si Kuya Brutt...

"Mag-iingat din po kayo." Tanging nasabi ko bago tuluyang umalis. Hindi naman totoo ang nakita ko pero dapat pa rin siya mag-ingat.

Nasa gate pa lang ako ng bahay namin ay natatanaw ko na na madilim ang sala namin.  At sa pagpasok ko, may naramdaman agad ako na tumama sa tagiliran ko.

"Aray!" Reklamo ko. Si Mama na nasa gilid ko habang may hawak na thongs. 

"Kanina ko pa pinapabili yung condense, nasaan na?!" Galit na galit niyang tanong. Kinapa ko ang sarili ko ng mapagtanto kong naiwan ko ang binili ko. 

"Naiwan ko po? Pero may masarap naman akong ubas na dala." Tanging ngiti ko sakaniya bago ako tuluyang pinagpapalo ni Mama dahil sa tagal ko na nga raw nawala ay wala pa ang pinapabili niya. 





















ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon