Chapter 36

8 2 0
                                    

Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Wala na rin kasing tupperware na lalagyan kaya hindi rin matanggal sa lanyera ang mga iba pang ginawa. Imbes na hindi na ako magtricycle palabas para makatipid ay napilitan pa akong magspecial para makarating agad sa palengke.

Gamit ang perang binigay kanina ay inubos ko lahat iyon dito. Sinama ko na rin ang mga kinita galing sa mga kakadeliver ko pa lang dahil alam kong kukulangin itong mga nakalista sa dami ng inapprove ko kanina. Wala pa akong nadalang malaking bag para sana isang bitbitan na lang ang lahat. Imbes na masasave ko pa ang mother earth napilitan pa tuloy sila doblehin iyong plastic sa mga pinagbibili ko.

Nagpaspecial na rin ako pauwi dahil alam kong late na talaga. Dala ng pagod ay natutulala na ako rito sa loob. May maliit na salamin din dito sa loob ng tricycle na tinititigan ko rin. Kitang kita na ang pagod ko. Buhaghag na ang buhok ko at maputla na rin ang labi ko. Nakakaawa na siguro ako tignan kung hindi lang maganda ang ngiti ko.

Maganda nga ang ngiti ko... pero hindi naman ako ngumiti. Agad kong nasampal ang sarili para mahimasmasan ako. Ngumiti ba ako? Hawak-hawak ang pisnging sinampal ay pilit kong itinitig ang mata sa paanan ko hanggang sa makarating sa bahay. Ngumiti ba talaga ako?

"50 pesos 'neng." Banggit ni manong driver kaya agad na ako bumaba. Kinakapa kapa ko pa ang sarili ko ng malimutang inubos ko pala ang lahat ng perang dala ko sa palengke. "Wait lang po ah." Iika ika man sa bigat ng mga dala-dala ko pinilit ko pa ring bilisan dahil nag-aantay pa rin ang driver.

"Pabukas ng pinto!" Sigaw ko habang binabangga ang pintuan. Hindi ko alam kung mabubuhat ko pa kasi itong dala ko kapag binaba ko pa. Si Kuya Agnes ang bumungad sa akin kaya siya na rin ang bumuhat ng dala-dala ko. Agad kong sinubsob iyong sarili ko sa sofa ng makahinga.

"Bakit mo inapprove lahat ng orders sa cellphone ko, Mira?" Sigaw ni Mama sa kusina habang nagluluto luto pa roon. Galit na galit pa rin siya kahit na sinabi ko na na dinamihan ko na ang mga pinamalengke ko para roon.

"Dalian mo na lang kumilos Mira at napipikon na talaga ako sayo." Kahit masakit pa ang katawan ko ay bumangon na ako para ideliver na ang mga nilagay ni Kuya Agnes sa bag ko.

Pagkalabas ko ay nakita ko pa rin doon ang tricycle na sinakyan ko kanina - masama na ang tingin saakin dahil sa kakaantay. Agad akong tumakbo pabalik ng bahay para kumuha ng singkwenta na pambayad.

"Kala mo prinsesa kung makapagpa-antay ng bayad." Mariin nitong pinadyak ang motor.
"Hindi makapagtrabaho ng maayos ang mga driver sa mga katulad niyo." Singhal nito saakin. Hindi ko sadya! Nakalimutan ko lang kaagad dahil sa pagod. Humingi na lang ako ng paumanhin bago nagtuloy sa paglalakad.

Marami rami na ang bitbit ko kesa sa kanina. Dahil malamang ay minamadali na rin ang pagdedeliver dahil may mga orders akong napproved na bukas na rin kailangan ideliver.

"Grind now, grind later." Paalala ko sa sarili ko ng maramdamang nangangalay na ako sa bitbit ko. May dala na rin kasi akong isang tote bag maliban pa sa strolley na hatak-hatak ko kaya mabigat na talaga. Hindi nga lang din ako makapagreklamo dahil kailangan ko rin talaga ng pera.

Mahigit dalawang oras ang inabot ko sa pagdedeliver lang, puro walking distance lang din naman pero halos tigsasampung minuto ang inaabot ko sa paglalakad sa bawat deliver kaya bumagsak talaga ang katawan ko sa sofa pagkauwing pagkauwi ko sa bahay.

Nagising na lang ako ng marinig na evening news na ang pinapalabas sa television. Pero naririnig ko pa rin na may nagbabati ng itlog at may nagpapaypay sa mga tupperwares.

"Ako na diyan." Agaw ko kay Kuya Agnes ng pamaypay. Nakita kong nakahinga siya ng maluwag sa ginawa ko bago niya pinuntahan iyong isang bag para lagyan ng mga idedeliver pa niya.

"Ikaw na muna tumulong dito kay Mama, magdedeliver lang ako." Utos niya bago umalis.

10:00PM na at ngayon pa lang natapos ang isang batch ng niluluto at kakauwi pa lang din ni Kuya Agnes.

"Magsitulog na kayo, bukas na ng umaga tapusin lahat ito." Utos ni Mama habang hinuhugasan iyang mga utensils na ginamit sa paggawa. Hindi na namin nagawang magdisagree dahil pagod na rin ang katawan namin. Gamit ang phone, nag-alarm na lang ako ng mas maaga.

6:00AM ang nilagay kong takdang oras sa paggising ko. Pero ala-una na ng umaga at gumugulong gulong pa rin ako sa kama dahil binabagabag pa rin ako ng mga kahihiyan kong ginawa sa buong araw.

Unang una na siguro roon iyong pamumula ko sa harapan ni clean guy. Kaya ko naman iwaksi lang sa utak ko iyong pinagalitan ako ni Manong Driver dahil antagal ko magbayad, pero sakaniya? parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Tumayo na lang ako at kinuha ang notebook. May naipit naman talaga ako kanina sa pamamalengke lalo na mga bundle ang binili ko kaya madaling humingi ng tawad.

100 pesos. Hindi na rin masama kung isasama ko pa ang kamalasan naganap saakin ngayon. Pero wala pa rin ito kahit sa 1/4 ng pera na kailangan namin. May apat na araw pa naman ako - kami para makaipon.

Kaya ko pa ito. Handa na ako sa susunod kong araw.

Pagkatunog na pagkatunog ng alarm ay bumaba na agad ako. Sisikat pa lang ang araw kaya kahit si Mama ay wala pa rito sa kusina. Palagi naman kaming tumutulong sa paggawa kaya maalam na rin ako rito. Sinimulan ko ang araw ko sa paghihilamos bago humawak ng utensils sa paggawa ng Leche Flan.

Hinayaan kong nakabukas lang ang bintana rito at sadyang iniwan ko lang din ang cellphone ko sa kwarto para iwas distraction. Nasa pangtrentang lanyera na ang sinasalaan ko nang bumaba si Mama. Walang ano-ano ay tumulong agad ito sa ginagawa ko.

"Mamayang alas-otso mo na gisingin Kuya mo, tulungan mo muna ako rito bago kayo magdeliver."

Pinalipas ko ang araw ng nakafocus lang sa ginagawa ko. Tanghaling tapat pa lang ramdam ko na ang pagod ko pero hindi ko nagawang magpatinag kahit nasa mausok na kalsada pa ako naglalakad para lang makapagdeliver.

"Apat na araw na lang." Pagpapatatag ko sa sarili ko ng maramdamang sumusuko na iyong katawan ko. 70 pesos pa lang ang naiipon ko mula sa mga naipong pamasahe na dapat na nilalakad ko lang.

Nauuhaw na ako... huling deliver na hawak ko na naman ito at nagkataon pang kay Manang Cassy ang naiwan - malapit na lang din sa bahay namin at makakainom na ako ng tubig sa bahay. May nakita pa akong nagtitinda ng palamig sa tabi, "gusto kong bumili," ungot ko bago dumaretso sa paglalakad.

Nakarating na ako sa bahay nila Manang Cassy ng nanamlay. Katok ako ng katok pero antagal niya talagang lumabas.

"Tao po!" Nilakasan ko na ang sigaw ko. Masyado ng masakit sa balat ang tumatamang sinag ng araw.

"Tao po!" Sigaw ko ulit sa mas malakas na boses at pagkatok.

"Saglet nasa CR!" Sigaw nito pabalik. Hindi na ako nakasigaw pabalik dahil naramdaman kong nawalan na ako ng control sa katawan ko ng mabigat na akong napapikit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon