Chapter 24

7 6 0
                                    

"Matatapos na rin naman ito,diba?" Basa ko rito. Agad akong naghanap ng sasakyan papunta sakanila. Alam ko ang nakita ko kanina tungkol sakaniya ay nasa imahinasyon ko lang, pero hindi ko susugal at sasabihin lang na imahinasyon ko lang iyon. Ayoko ng mawalan.

Buti na lang ay may isang libong nakaipit sa case ng phone ko kaya makakapunta pa ako sakaniya. Gusto ko sana siyang tawagan kaso free data lang ang gamit ko. 

"Hija wala ka bang mas malaki pa rito?" Tanong ni Manong Tsuper. 

"Wala po kuya eh." Nakita kong bumuntong hininga pa siya. 

"Sasakay sakay ng jeep buong buo yung pera." Pasaring ni Manong saakin. 

______

"Kawuin!" Katok ko sakanila. Paulit ulit akong kumatok. Alam kong may tao dahil naririnig kong may gumagalaw sa loob.Mahigit dalawang minuto pa ang inabot bago niya ako pagbuksan.

"Ano ba iyon? Natutulog yung tao ih." Pinupungay pungay niya pa ang mata niya pero alam naman namin ang totoo na hindi siya galing sa tulog kundi sa iyak. Nakathirt na pambahay at short lang siya. Kitang kita ko na malaki ang pinagbago niya noong huli ko siyang nakita sa burol ni Ate. 

Alam kong para naman siyang laging pagod, aware din ako na may dinaramdam siya. Pero iba ngayon, mas malala na ang nangyayari sakaniya. Napakalamlam ng mata niya,  kitang kita rin na anlaki ng binaba ng timbang niya, ang haba na ng buhok niya-- halatang hindi niya na talaga inaasikaso ang sarili niya. 

Gusto ko siyang tanungin kung okay lang siya pero baka mas mapalala ko pa ang lahat. 

"Okay ka lang?" Tanong niya saakin. "Para kang nakakita ng multo." Pumasok siya sa kusina at iniwan ako rito. 

"Patambay muna rito, nag-away kami saamin ih." Napatigil siya sa pag-inom niya ng tubig. 

"As if naman dito ka nila hanapin. Sabihin mo muna kung nasaan ka at baka mapagalitan din ako sayo.Loko ka." Galit niyang paalala saakin. Tama naman siya, ngayon ko lang din naman ginawa yung literal na lumayas sa usapan tapos biglang pupunta ng ibang lugar.

"Pwedeng huwag ka na makigaya sakanila?" Pagtataray ko sakaniya. "Naiiinis na nga ako, dadagdagan mo pa." 

"Ano bang balak mong gawin dito?" Mukhang wala rin siyang balak gawin ngayon kundi magcellphone.

"Samgyup?" Aya ko sakaniya. May nakita akong tig-299 malapit lang dito. Mukhang bagong bukas lang kasi andami pang nakapaskil. Gusto kong subukan iyon!

"Ayoko sumama. Wala akong pera." Maikli niyang sagot. 

"What if libre ko?" My magic word. 

"Halika na." Agad siyang tumayo at sinuot ang jacket niya sa upuan.  

Nung una salitan pa kami magluto, pero hindi ko na kaya. Gutom na talaga ako. Halos bente minutong siyang siya lang ang nagluluto habang ako kumakain. 

"Grabe, wala pang isang oras busog na ako." Himas ko sa tiyan ko. 

"Ako gutom pa rin." Agad kong kinuha sakaniya yung thong ng tinitigan niya na ako ng masama. Nilagyan ko ng maanghang ang lahat ng nasa grill. 

Kainis naman kasing lalakeng ito, hindi marunong magmultitask. Agad kong hinalo halo ang lahat ng nandito habang sumusubo ng potato marble. Shet. Sulit. 

We spent our days well. Nauna na ako magkuwento ng lahat ng nagyari saakin, sumunod naman siya. Andaming kuwento ang naipon saamin. May mga kuwento rin ako na hindi ko alam na ganoon pala ako naapektuhan, kaya't ngayong may nakikinig ay nalaman ko ang naging reaksyon ng kaloob-looban ko. 

Hindi naman siya ganoon kalayo saamin, dati naman talaga lagi rin siya pumupunta saamin, nitong mga nakaraang buwan lang talaga ramdam kong umiiwas talaga siya. Hindi rin kasi kami ganoon kaopen sa chat. Like I cant even properly make a story through chat kaya mas pinipili ko na lang na huwag na sabihin sakaniya. 

Sobrang nabusog kami to the point na nagstay pa kami ng almost an hour sa loob ng samgyupsal para lang magpahinga. Hindi ko alam trip niya basta hinila niya ako sa Toms World kasi may card daw siya rito at onti na lang pwede na iredeem ang mga points niya. 

Agad siyang naglaro ng mga kung ano-anong games habang ako pinapalago ko naman ang mga token. 

"Jackpot!" Sigaw ko. Nagbonus round lang naman at kung saan ako nagall-in ay doon bumagsak ang swerte. Iyong mga matatanda tuloy na nakaupo rito tinititigan na ako ng masama. Nagpakuha na lang ako ng bucket kay Kawuin para madampot na lahat ng token ko na umabot na sa sahig sa sobrang dami. 

Nilaro namin ito sa lahat ng mga machine na nakikita namin. Hawak ko ang lahat ng mga napapalunan na ticket at candy habang si Kawuin naman ay ang bucket ng token. Inabot din kami ng tatlong oras kakalaro namin dito. 

"Ilan na tantya mo diyan?" Tanong sa akin ni Kawuin na tinutukoy ang mga ticket na hawak ko. 

"Lagpas isang libo." Mayabang kong sagot. 

"Last 12 token na lang toh." Bilang niya sa token na ngayon ay nasa kamay niya na lang. "Saan mo gusto ito ubusin?" Binigay niya sakin lahat.

"Basketball!" Agad kaming pumunta sa mga nagbabasketball. 2 token ang need bawat game kaya sabi niya magkompetensiya kami. 

Unang laro, umabot siya ng round 3 habang ako nasa round 1 lang. Pangalawa, umabot na ako ng round 2 habang siya ay nasa round 3 pa rin. Tuloy-tuloy ko lang kinukuha ang mga bola niya kapag ubos na ang oras ko. 

"Ano ba! Ang kulit mo!" Inis niyang sigaw. Hindi pa rin ako tumigil hanggang sa matalo na rin siya.

Kinuha ko na ang token namin for our last match pero kulang na. Tatlo na lang ito. Gusto niya nga bumili pa ako ng isang token para hindi ko siya guluhin pero umayaw ako kasi wala naman akong barya. 

"Share na nga lang tayo sa game." Kinuha niya ang tatlong token sa kamay ko. Hinulog niya ang dalawa at yung isa ay ibinulsa niya. 

"15,000?!" Nagulat ako sa rami ng naipon niyang points. 

"Huwag ka na magulat gulat diyan. Ibigay mo na iyang ticket at uuwi na tayo. Hinahanap ka na ng Mama mo." Nasa last batch na ako ng ticket na pinapakain sa machine ng ibigay niya saakin ang cellphone niya. 

"Hello Ma?" 

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon