Chapter 27

16 8 0
                                    

"Mira..." Pabulong nitong banggit. Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

Hindi ako duwag. Alam kong hindi ako duwag. Nakapikit ngunit nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses. 

"Ikaw ba iyon, Mr. Teddy Bear-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay may tumawag ulit sa pangalan ko. Isang lalake na nakadungaw sa gate namin habang sinusulyapan ako. 

"Kuya?" 

"Open mo na yung gate!" Pabulong nitong sigaw habang tinuturo ang gate. Agad ko siyang pinagbuksan. "Ano ba't ang tagal mong lumapit?" Bungad niya sakin.

"At bakit hindi ka rin kasi bumisina?" Balik kong tanong sakaniya. 

"Nawalan ng busina." Rason niya. Agad niyang naipasok ang sasakyan kaya naisarado ko kaagad ang gate. "tyaka anong oras na, baka magsitahulan pa ang mga asong gala."

"Mahina na rin pala yung ilaw sa harap ng sasakyan? Muntik pa ako mabangga ng bike dahil dare-daretso." Reklamo nito habang umiinom ng tubig. 

Pinag-usapan namin ang tungkol sa pag-uwi namin sa probinsya ni Ate Jana. Sabi niya siya na raw bahala magpaalam kay Mama kaya ang gagawin ko na lang ay ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Kaya pagkaakyat na pagkaakyat ko sa kwarto ko ay namili na agad ako ng bag na gagamitin ko rito. Kasabay ng pagpili ko ng dalawang pares na damit na pwede pang-alis pambahay.

"Ampanget naman, wala na akong mapili na damit." Reklamo ko. Gusto kong dalhin yung beige polo shirt long sleeve ko. First of all, kahit sabihin mong mainit doon mapoprotektahan niya yung skin ko, also hindi ganoon kainit ang tela niya at hindi rin hapit saakin and lastly ang aesthetic niya— bagay na bagay saakin.  Ang kaso lang ay wala akong makitang magandang pares dito na short.

Kahit magulo pa ang damitan ko ay nahiga na ako. "Bukas na nga lang." Ungot ko sa sarili ko bago takpan ng unan ang mukha ko. Malalim na rin ang buwan at pasikat na rin ang araw. Dala na rin siguro ng pagod ay kahit ramdam kong may kaba pa ako sa pagpikit ng mata ko ay napapalalim na rin ang pagtulog ko. 

"Mira..." Nagising ako. May bumulong sa tenga ko. Ponyeta. Hindi ko alam kung nagkamali lang ako ng naramdaman pero alam kong may bumulong sa tenga ko— uminit kasi siya na parang may bumuga. Tangina naman oh. Ayoko na ngang matakot ganito pa mararamdaman ko. Hindi ko rin alam paano kong nagawang tumayo ng kama ng walang takot at dare-daretsong nakakatok sa kwarto ni Kuya Agnes. 

Tatlong beses na akong kumakatok wala pa rin siya. 

"Knock knock knock" Isang katahimikan. "Knock knock knock" Katahimikan muli. Antahimik. . . nakakatakot na katahimikan. It feels like there is nothing, but I know na dapat meron— at alam kong meron pero hindi ko lang mapunto kung ano.

An uncanny silence. Walang ingay na kahit ano galing sa labas ang maririnig mo. Ni hindi ko rin marinig ang ingay ng aircon o kahit ng electric fan man lang. 

Kumatok ulit ako pero sa pagkakataong ito mas malakas. "Kuya Agnes!" This cant be happening.  The clock was suddennly ticking and it is louder than my mind.

"Tik tok tik tok-" Malakas kong kinabog ang pintuan niya. "Buksan mo toh!" Malakas kong sigaw. 

"Ano ba iyon?!" Bungad nito saakin. Namumula ang mata niya. Siguro dahil na rin sa biglaang gising niya. 

"Tabi tayo matulog." Agad siyang umalis sa harapan ko habang nagkakamot ng batok. 

"Diyan ka." Agad niyang tinuro yung maliit na mini sofa niya rito bago binagsak ang katawan sa kama. Agad akong tumalon papunta sa tabi niya. Tinitigan niya na ako ng masama pero umiling na lang ako dahil ayoko talaga. 

"Isa." Bilang niya sakin. Kinuha ko ang kumot niya at nagtalukbong dito. 

"Huwag mong paabutin ng tatlo yung bilang ko, Mira. Nandidilim na paningin ko sayo." Banta niya saakin. 

"Can you just let me? For now lang. Kuwento ko sayo bukas kung bakit-" 

"Ngayon mo na ikuwento." Putol niya sa sasabihin ko. 

"Edi parehas tayong natakot?" Agad niyang naintindihan ang sinasabi ko. 

"Nakakatakot ba talaga?" Tumango ako sakaniya habang ang hintuturo ko ay nasa bibig dahil anlakas talaga ng boses niya. 

"Bukas na nga." Bulong niya. Agad siyang tumalikod at tinago ang mukha sa unan niyang yakap-yakap. 

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o mas maiinis. Angganda na kasi ng tulog ko tapos biglang naudlot. Alam nang nahihirapan ako ngayon sa pagtulog. Hindi ko pa nadala yung phone ko. Kailangan ko ng may mapaglibangan. Malamang nasa kwarto ko lang iyon. Pilit ko na lang hinanap yung phone ni Kuya Agnes sa tabi niya para may mapaglibangan ako habang pinapagod ang utak ko dahil ayoko ng isipin ang naging dahilan bakit katabi ko ngayon ang kapatid ko. Agad ko naman ito nakita sa ilalim ng inuunanan niya. Pagbukas ko rito ay agad bumungad saakin ang oras dito. 

"3:07AM na?" Nakakabanas talaga. Ang hirap na naman matulog nito. Pero buti na lang talaga lumagpas na ng 3:00AM at hindi na ako matatakot— kahit papano ay nabawasan nito ang inis ko. 

Pero kung 7 minutes ago na yung 3:00AM, may posibilidad na 7 minutes lang ang pagitan bago ako tumakbo sa kwarto ni Kuya Agnes.
Walang ano-ano ay nabitawan ko ang phone ni Kuya dahil sa pagmamadali ko sa pagtalukbong. Narinig ko pang nahulog ito sa kama pero wala na akong lakas ng loob na kunin pa iyon. Kaya ko naman kunin iyon, pero bukas na kapag tuluyan ng sumikat ang araw. Pinilit kong ipikit ang mata ko. Wala akong pake kahit ilang oras ko pang ipilit ipikit mata ko at kahit sumakit pa iyong talukap ko kakatakip ko sa mga mata ko basta gusto ko pagdilat ko nakasikat na yung araw. 

Ayoko talagang nagmumura pero kung nasira na yung tulog ko tapos sa ganitong paraan pa ay ponyeta talaga.

ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon