Chapter 10

70 6 0
                                    

 
                              Chapter 10
                               No rights

"Bukod sa pagbabalita sa anak ko, may kailangan ka pa ba, ija?" Bungad ni lolo pasyolon na hawak ang mataas na damit.

Mukhang napansin niyang nakatitig lamang ako sa kanyang nagtutupi ng mga damit. Kakatapos lang ni lolo magdilig ng mga halamang gulay sa harden niya.

Dumiretso ako rito sa kanyang lugar para balitaan siya sa nangyari ng kanyang anak na si Tiya Jocelyn. Kaso alam na pala niya. Tiya Jocelyn is pregnant with her boyfriend. Hindi ko alam ang pangalan ng kanyang nobyo dahil hindi naman kami masyadong close ng babaeng iyon.

"P-pwede ko po bang hiramin ang iyong kambing? Si goofy?" Nahihiyang pagpaalam ko.

Goofy is a goat. Still he's a baby. One of the reasons why sometimes I visited Lolo's house.

Tumawa siya ng malakas. "Hay naku maine, akala ko makakalimutan mo na ang kambing na inalagaan mo noon. Hindi ka na pumupunta rito at mukhang namimiss ka nga ng hayop na gusto mong kuhanin ngayon."

I smiled. "Busy na busy lang po talaga. Wala na po kasi akong oras makadalaw noon..."

"Naintindihan kita, apo." Ngisi niya. "Dapat unang inaatupag ang pag-aaral."

Minsan ay napaisip ako. Na sana ay siya nalang ang lolo ko. Ang tunay kong lolo. Ang ama ni Auntie at mama. Sana pareho sila ng ugali. Pero masama siya,  masamang
-masama. Hindi niya iniisip ang kapakanan ko at ni Auntie.

Agad kong hinanap si goofy. Nahanap ko siya sa harden ni Lolo. Kumakain ng dahon habang nakahiga sa bermuda grass.

"Goofy!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya.

Humiyaw ang kambing. Bata pa si goofy kung ikukumpara sa kambing ni joshua. Ang pinagkaiba ay maitim ang kambing ni Joshua, ang kambing ni lolo ay maputi. Goofy is cute.

Agad ko siyang hinawakan. Napatawa ako ng umikot siya bigla. Parang aso. Goofy is different from other goats. Pinaalam ko kay Lolo si goofy na ipasyal sa kagubatan, masayang tumango si lolo dahil hindi pa niya ito pinakain. Pero naabutan ko na siyang kumain.

"Namimiss mo'ko, goofy?" Malambing kong tanong habang naglalakad kami. Humiyaw ang kambing, parang tumango sa aking tanong.

I'm not dumb talking to goofy. He's different from other goats, he's smart and can understand to what I've said.

Binuhat ko siya ng hindi niya matalunan ang malaking puno na natumba. Wala akong nagawa kundi buhatin nalang siya papunta sa Falwakan falls. Goofy is not that heavy.

Pagdating namin sa Falwakan falls at inasahan ko ng walang tao. Falwakan falls is a nice place to swim including the beach that my bestfriend and I visted weeks past. I wiped my forehead using my hands. I'm sweating. Kahit hindi mabigat si goofy ay pinagpawisan parin ako, syempre, tirik na tirik ang araw. Talagang nakakalusaw. Pwede kang mawalan ng malay.

Malakas ang ingay ng tubig at wala nang iba pa. Napakaganda ng falls. Walang mga tao. Parang gusto kong maligo. Ito ang isa sa magandang tanawin sa Islang Falion. Sure tourists are regretting soon for not visiting this island. Our island is nice, the nature here is protected by the villagers but people are terrified to come here.

Tumakbo si goody at kinain ang maliit na dahon sa halaman. Hinayaan ko siyang kumain, 'yan naman ang rason kung bakit ko siya dinala rito eh.

I changed my mind. I don't wanna get wet. Umupo ako sa malaking bato at hinayaan ang aking mga paang mabasa sa tubig. Sa daming lugar na pwedeng puntahan sa isla namin, ito ang kinalimutan ko ng bisitahin. I visited this place when past months.

WHAT LIES ARE MADE OF (Arcajedo Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon