Chapter 20

75 5 0
                                    


                         Chapter 20
                             Virgin

I was traumatized after everything. I was unconscious after everything.

Pag-gising ko ay hinanap ko kaagad si Devon... Pero wala siya...

He's nowhere to be found. Where is he? Palagi kong hinahanap si Devon. But I have the urge to control to stop myself from asking where is he. Sapat na 'yon. Sapat na ang pagligtas niya sa akin. 

Dalawang araw na ako sa Ospital. I've said to them that I'm fine. Pero hindi sila nakinig. Hindi na ako nakapunta sa Eskwelahan sa dalawang araw, nag-alala ako. Malapit na ang exam namin. 

I kept begging for them to let me go to school, but none of them listen.

Lagi akong nagdadasal. Na sana ay gumaling na ako. Masakit pa rin ang likod ko, para akong nabalian ng buto.

Nang nalaman ni Auntie Amalia ang nangyari sa akin ay mabilis siyang bumalik dito. Galit na galit siya nang malaman ang nangyari. My body is weak, I can't answer all her questions. Sinisi ni Ericka ang sarili sa nangyari sa akin. They both asked for my forgiveness but it wasn't their fault but none other than myself.

Nalaman ko na lamang umalis na si Andre, sa ibang bansa. Mabilis ang kilos niya. Ibeninta niya ang kanyang kambing. Hindi ko maiwasang hindi mainis. Galit ako kay Andre. Galit na galit. As for him, he betrayed me. I never expected this to happen because in the first place, he was damn nice to me, he treated me so good for years.

Trinato ko siya na parang kaibigan at ito ang ibibigay niya? How could he do this to me? Umalis siya kasabay nang pag-iwan sa kanyang kapatid at ina. I don't know my Auntie's moves, cause after asking the incident, she never say all her plan, if she's finding Andre or not.

Imagining Ericka being lonely in the school without me would freak me out. Nasanay siyang kasama ako. Kahit anong gawin ko, hinding-hindi nila ako hahayaang pumunta sa school.

"They want justice for Demaine, they're finding him..."

"Anong ibig mong sabihin?" Si Auntie Amalia.

Awa ang binigay na tingin sa akin ni Ericka. "I-iyon po ang narinig ko... Gumawa ng paraan ang mga Arcajedo para hanapin si Andrelot Torelba..."

"I-ibig mong sabihin..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tanguan niya ako.

Agad umalis si Auntie at nagpaalam na may bibilhan lang. Pinabantay niya ako kay Ericka

"Napakain mo na ba si Moises?"

"Oo, Maine... Wag kang mag-alala. Maayos ang kalagayan ng Tuta mo. Sa ngayon ay isipin mo muna ang sarili mo." Para siyang nagmamakaawa sa kanyang mga sinasabi. "Hindi na sana kita hinayaang makasama ang gagong---"

"Ericka, Tama na?" Pagod ko siyang tinignan. "Wala kang kasalanan."

"Meron!" Nanggilid ang kanyang mga luha. "A-ako ang inutusan ni Auntie eh... Na bantayan ka... Pero... Pero hindi manlang kita--"

Seeing her blaming herself is one of my weakness. I don't like her being like that. Parang pinipiga ang aking puso kapag nakikita siyang umiiyak. I always see her, being happy, being hyper, so I hate it, I hate her being sad, angry, and depressed.

I titled my head. "You should stop yourself. It's none of your fault."

"Simula ngayon, hinding hindi na kita hahayaang umalis nang wala ako. Natatakot na ako, Maine..." Parang nabasag ang kanyang boses. "Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa'yo."

She's like my big sister. Anim na buwan lamang ang agwat namin. Mas matanda siya ng ilang buwan sa'kin pero ayoko siyang tawaging ate. 19 na siya at ako ay turning nineteenth na next month.

WHAT LIES ARE MADE OF (Arcajedo Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon