Chapter 19

66 4 0
                                    


Warning Trigger : Harassment

                        Chapter 19
                            Fear

"Kalat na kalat sa campus na may gusto sa'yo 'yong Arcajedo na iyon! Feel ko talaga pinakalat nila Charmel at Rietta eh!" Sigaw ni Ericka sa mismong mukha ko. "At eto pa! May nagpakita nang pictures. Stolen pictures sa inyong dalawa ni Devon kagabi. Totoo ba 'yon?! Talagang totoong totoo 'yon?!"

Gulat na gulat siya. She explained to me everything. All of the students are weirdly looking at me when I arrived at the school. Nakakahiya, mabuti at sinalubong niya ako.

Napahilamos ako sa mukha. "M-magpapaliwanag ako... Pero hindi ngayon... Kilala mo ba kung sino ang nag-pakalat ng mga larawan?"

"Hindi... Pero alam kong si Rietta---"

"Masama ang magbintang, Ericka!" I shouted at her.

"Basta!" Ngumuso siya at nag-cross sa mga balikat. "Alam kong may kinalaman sila..."

Marami siyang sinasabi sa akin. Pakiramdam ko ay parang sinusuportahan niya pa akong isigaw sa buong eskwelahan na kumain kami ni Devon sa bayan. I can feel that she really doesn't like him, it's a trick! This kind witchy always tricked me. Sometimes, I'm also easy to fool.

Napaisip tuloy ako kay Clifford. I'm not into accusing. I just really wanna know. Maraming taong kilala sa akin kagabi. Ni hindi ko manlang inisip na mangyayari. How stupid of me.

Did he took a picture of us? I'm not really sure... Mabait si Ford. But hindi ako sigurado, I was never his main friend. I don't know his personality that much.

"Nagawa mo na ba yung project na drawing?"

"Ah yes..." Devon did it. Maaga niya akong pinuntahan sa bahay para ibigay ang pinagawa ko sa kanya. Nagulat pa si Auntie.

"Ako rin! Nagpadrawing ako kay Kuya!"

"Hi girls!" Kumaway si Andre sa amin.

Ngumiti ako at kumaway naman pabalik si Ericka.

Tuluyan na siyang lumapit sa amin. "Tutulong ba kayo ngayong sabado sa Fiesta?"

I nodded and Ericka said yes to him.

"Great!" He smiled at me. "Gusto ka palang makausap ni mama..."

Nagulat ako. "Ha? Bakit naman?"

"Baka naman may importanteng sasabihin! Ito naman!" Sabi ni Ericka sabay siko sa akin.

"Uh... Hindi ko alam... Yan kasi ang utos ni Inay." Parang nag-alin-langan pa siya, base sa tono niya.

"Sige... Ngayon na ba?"

He shook his head as a sign of no. "Mamayang hapon... Sabay na tayong pumunta sa bahay namin."

"Sa bahay niyo?!" Sigaw ni Ericka. I saw her lips twisted. Silly!

"Oo..."

"Pwede ko bang isama si Ericka?" Tanong ko sa kanya na ikina iling niya.

"Hindi pwede..."

"Bakit naman?! Bestfriend ko 'to... Maghintay lang ako sa la---"

"Ericka." Pigil ko sa kanya. "Okay lang... Pwede namang ako nalang. Saka kasama ko si Andre..."

"Sige na nga." Tinignan niya nang masama si Andre. "Ayusin mo bestfriend ko ha. Pag may nakita akong gasgas, patay ka sa'kin." Dinuro niya pa si Andre na tumawa.

"Hindi ko ipapahamak si Maine..." Nginitian ako ni Andre.

"Siguradohin mo lang!"

I wonder what his mother wants to talk to. Hindi naman kasi kami masyadong close ng ina ni Andre. Ang naalala ko ay gusto niya si Marietta para kay Andre. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinatawag o talagang baka importante iyon.

WHAT LIES ARE MADE OF (Arcajedo Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon