Los Abandonados
(The Forsaken Ones)"Bakit walang permanente sa mundo? Bakit kailangan na magbago ng lahat? Bakit kailangan na may lumisan at may maiwan?"
"At bakit may mga nagbabalik sa ating buhay upang saktan lang tayo ulit?"
Napatigil sa pagtatanong si Valentina sa kaniyang sarili nang mapansin ang muling pagpatak ng mga nyebe mula sa kalangitan. Sinubukan niya itong saluhin gamit ang kaniyang palad.
Ilang araw na lang ay sasapit na ang pasko. Masaya ang lahat maliban sa kaniya... sa kanila.
"Lilisan ka ulit? Ikaw ba'y makakabalik pa sa pagkakataong ito?" tanong ni Valentina sa lalaking kanina niya pa sinusundan. Ang boses niya ngayon ay nanginginig at namamaos na. Samu't-saring damdamin ang namumuo sa kaniyag dibdib.
"Kung muli kang lilisan sa pagkakataong ito at maiiwan ulit ako na puno ng katanungan at maghihintay sa walang kasiguraduhan, mas maiging huwag ka na lang magpakita pa." Kalmado lang ang kaniyang pagkakasabi ngunit ang kaniyang kalooban ay labis na naghihinagpis.
"Nasaan na ang pag ibig na iyong pinangako noon?" muling sambit ni Valentina na may halong panunumbat.
"Marami ka pang bagay na hindi nauunawaan."
"Ang pag ibig ko sa'yo ay kailan ma'y hindi mawawala at magbabago, totoo ang aking pangako. Ngunit nawa'y maintindihan mo na ang pag ibig ay maaaring manatili ngunit ang taong nangako nito ay hindi palaging panghabang buhay sa atin." Sagot ni Pierre at tumingin sa mga mata ng dalaga. Hinihiling na maunawaan nito ang ibig niyang sabihin.
Napayuko si Valentina upang itago ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Nagmimistulang palamuti sa milyon-milyong nyebe sa lupa ang mga luha ni Valentina.
Humakbang ng kaunti si Pierre upang malapitan ito.
"Sa pagkakataong ito, kung nagawa mong sumunod sa akin gamit ang bakas ng aking mga paa, darating din ang araw na ang mga yelong ito ay matutunaw at mawawala."
"Nawa'y pareho nating matutunan ang makalimot at umusad kung sakaling dumating sa puntong hindi na natin alam ang daan pabalik sa isa't isa."
"Ang iyong ibig sabihin ba ay hindi ka na babalik?" lakas loob na tanong ni Valentina at diretsong tiningnan ang binata sa mata.
Naramdaman na lang ni Valentina ang kamay ni Pierre sa kaniyang mukha, pinunasan nito ang kaniyang mga luha. Ang ngiti na binigay nito ay may bahid ng lungkot bagay na labis na nagpadurog sa kaniyang puso.
Ang huling salita na sinambit ni Pierre ay dadalhin ni Valentina hanggang sa kaniyang kamatayan.
"Ilang minuto na lang at dadaong na ang barko. Nakahanda na ba ang inyong mga gamit?" matapang na tanong sa'min ni Maestra Villano. Agad ko namang tinago ang libro ng Los Abandonodos na binabasa ko sa mga kaklase ko kanina.
YOU ARE READING
The Art and Its Heart
Ficción históricaWhat if one day, a person from a painting suddenly came to life? Everyone thinks Carolina is crazy because she has fallen in love with a man she only met in her dreams. Passionate about painting, she decides to draw him, hoping to capture his essenc...