"Sa bawat pagluha at pagluluksa, palaging may pusong maghihilom."
NAPAUPO ako bigla nang maramdaman ang malakas na sampal sa aking pisngi.
"Bakit ka ba nananampal?!" sigaw ko at binigyan si ate Devina ng matalim na tingin. Maging si Belen ay nagulat din sa ginawa niya. Kailan ay hindi ito nagbuhat ng kamay kahit kanino.
"Ayaw mo kasing kumilos ng maayos!"
Makikitapagtalo pa sana ako kay ate Devina ngunit mas pinili ko na lang ang tumayo at pagmasdan ang bawat butil ng ulan na tumatama sa salamin na bintana. Ang ingay ng pagdiriwang sa baba ay unti-unting naglalaho nang mas bumuhos pa ang mas malakas na ulan sa labas.
Muli kong tiningnan ang larawan ng lalaki... ni Agosto. Hindi ko alam ang kung ano ba ang nararamdaman ko. Ang tanging sigurado ko lang ay magulo ito--gaya ng mga panaginip ko sa tuwing ako'y nagigising sa gitna ng gabi, naguguluhan sa mga damdamin na hindi ko tiyak kung saan nagmumula.
Maayos at perpektong naipinta ni Floranciana ang imahe ni Agosto. Kung tutuusin, halos pareho lang din ito ng ipininta ko, may ilang parte lang ng larawan na magkaiba, tulad na lang ng mga kulay na ginamit.
"Ito ang sinasabi kong lalaking nagpapakita sa aking panaginip." Nagkatinginan ang dalawa sa aking sinabi saka muling tinitigan ang larawan. Bakas naman sa mga mukha nila na hindi sila makapaniwala.
Sandali pang nagpabalik-balik sa akin at sa larawan ang tingin ni Belen habang naniningkit ang mga mata. Marahil ay iniisip nanaman nitong nagbibiro lang ako.
"Paanong nangyari 'yon? Kung siya ang lalaking na sa iyong panaginip, bakit siya may larawan dito?"
"At masasabi ko ring gwapo naman siya" hirit pa ni Belen at saka ngumisi sa'kin.
"Bakit naman may larawan si Floranciana ng lalaking iyan dito sa kaniyang silid?" Hindi naman ako nakasagot sa tanong ni ate Devina. Iyon din ang bagay na gusto kong malaman.
"H-hindi ko rin alam--" napatigil ako sa pagsasalita nang muling mapukaw ng aking atensiyon ang sobreng hawak ko kanina. Nakasiksik na ito sa libro kung saan nakalagay ang mga gamit ni Agosto.
Maingat ko namang kinuha ang liham mula sa libro. Hindi ko gawain ang mangialam ng mga bagay na hindi ko pagmamay-ari ngunit sa hindi malamang dahilan ay parang may kung anong umuudyok sa'kin na kuhain ito.
"Paano kaya kung basahin natin ang nakasulat sa liham?" tanong ko sa kanila. Nakatitiyak akong maging si Floranciana ay hindi pa rin ito nababasa.
Bakit kaya?
Bubuksan ko na sana ang sobre ngunit naudlot ito nang bigla itong agawin ni Belen mula sa aking kamay.
"Hindi maaari! Pumasok na nga tayo sa kaniyang silid nang walang pahintulot, pati ba naman ang liham na dapat sa kaniya ay papakialaman pa natin?"
Napansandal na lang ako sa upuan sabay tingin kay Belen.
"Malinaw naman na naging magkasintahan sila, Carolina. Hayaan mo na 'yan" Napapikit na lang ako sa sinabi niya.
"Ano ang ginagawa ninyo rito?!" sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalitang iyon. Nakakatakot ang boses at tindig nito. Pasimple kong binalik ang liham sa aparador at saka tumayo nang maayos.
"Sinong may sabi na maaari kayong pumasok sa silid na 'to?!" galit na galit na saad ni Manang Berta. Noon pa man ay nakakasindak na ito kung magalit. Maging ang mga pinsan namin ay walang magawa rito.
"P-pasensiya na po. Nagandahan po kasi kami sa mga obra--"
"Ako'y hinahanap na sa baba. Palalagpasin ko ang pagkakataong 'to. Ngunit sa oras na maulit ito, isusumbong ko na kayo kay madam Miranda." Tumango naman kami sa sinabi niya habang nakayuko. Kahit saan tingnan ay mali naman talaga kami.
YOU ARE READING
The Art and Its Heart
Ficção HistóricaWhat if one day, a person from a painting suddenly came to life? Everyone thinks Carolina is crazy because she has fallen in love with a man she only met in her dreams. Passionate about painting, she decides to draw him, hoping to capture his essenc...