Huminga ng malalim si George pilit iniintindi ang takbo ng buhay niya. Masyado na syang napapagod sa mga bagay bagay subalit kailangan niyang magpatuloy. Mahal Niya ang pamilya Niya at Wala siyang iniisip kundi Ang kapakanan nila. Buong buhay ni George wala siyang iniisip kundi Ang kaligayahan Ng kanyang pamilya. Pero minsan, Lalo na kapag sya'y nagiisa di niya maiwasang maisip Ang isang pagkakataon ng buhay niya kung saan masasabi niyang Siya ay naging Masaya Ng lubusan. At lahat Ng iyon ay Bigla Bigla nabubuhay sa kanyang kasarinlan.
Taong 1997-1998, nasa ikalawang taong hayskul si George, isa syang tagapaglipat sa bagong eskwelahan. Kahit kinakabahan, sabik pa din si George sa bagong eskwelahan at sa magiging kaklase Niya.
Pantalon at t-shirt na itim Ang suot ni George sa unang Araw Ng pasukan. Suot din Niya ang Robertson na highcut na sapatos na kanyang paborito. Kahit isang dalaga si George ay kilos maton Naman sya. Di niya hilig magsuot Ng bestida o sandals. Hilig Niya pantalon at t-shirt na maluwag sa kanya at sapatos na Robertson. Soon komportable si George kaya iyon Lage Ang suot Niya, nakakapagsuot lamang sya Ng bestida pag kailangan nyang magsuot Ng uniporme.
Pagkadating sa nasabing paaralan, agad hinahanap ni George Ang kanyang pangalan sa mga listahan nakadikit sa pintuan Ng silid aralan. Ilang minuto ay Nakita nya agad Ang kanyang pangalan. Nang pumasok na sya sa silid ay agad syang puwesto sa upuan kung saan sa tingin niya ay magiging komportable sya, sa may bandang likod. Ilang minuto pa ay unti unting nagsisidatingan Ang iba pang estudyante. Napansin sya agad Ng isang estudyante.
"Bago Ka Dito nu?" Tanong sa kanya
" Ganun na nga" sagot Naman Niya
"Ako Pala si Rosalyn, Ikaw?"
"Ako Naman si Georgia Cruz, George nalang for short" aniya
"Nice meeting you George" sabay ngiti ni Rosalyn. Habang naghihintay pa si George Bago magsimula Ang klase ay may biglang pumasok sa silid. Di niya maiwasang titigan ito. Isang napakagandang dalaga, morena at napakaganda Ng mga mata. Habang pumapasok ito ay bigla itong napatingin Kay George sabay ngiti.
Di maipaliwanag ni George subalit Ang lakas Ng tibok Ng puso Niya. At para bang nanlalamig sya. Pero bakit ganun sa isip Siya, bakit papalapit Ng papalapit Ang dalaga sa kanya. " May nakaupo na ba Dito" Tanong Ng dalaga sa kanya. Di agad nakasagot si George at medyo nauutal pa Ng itoy sinasagot Niya "ha?, Wala pa Naman. Sa tingin ko". "Pwede ba Ako maupo diyan?" Sabay turo sa tabing silya na kinauupuan ni George. "Pwede Naman, di Naman sken ito" nauutal na sagot ni George. "Ibig Kong sabihin pwede Kasi Wala pa namang nakaupo Dito, oo" sabay ngiti sa dalaga.
"Ma, mama" tawag Ng isang Bata na pumutol sa diwa ni George. "Bakit anak?" Tanung ne George. Di maiwasang ni George Ang mapangiti habang naiisip Ang isang taong naging malaking parte Ng Buhay Niya, isang taong Minsan nagpasaya sa kanya. At isang taong Minsan niyang minahal, kahit Hanggang Ngayon.
YOU ARE READING
My Ex, My Lover
Storie d'amorewill you choose your own happiness in giving second chance for your you're one true love