Napagtanto

6 0 0
                                        

Sa Araw Araw na ginawa Ng Diyos lalong napagtanto ne George Ang paulit ulit na gawain Niya bilang isang may Bahay. Gigising sa Umaga, maghahanda dahil may pasok pa sa trabaho Ang kanyang partner at sa dalawa niyang anak na papasok din sa eskwela. Kapag naka alis na ang kanyang Asawa at mga anak ay ipagpapatuloy din ni George Ang iba pang gawaing Bahay. Maglilinis, maglalaba, at magluluto. Paminsan Minsan ay lumalabas Siya para makipag usap sa mga kapitbahay Niya na mga maybahay din. "Di ko maintindihan Georgia kung bakit di mo ipagpatuloy Ang kolehiyo mo" Saad ni Martha na abot Hanggang kanto Ang lakas Ng boses nito. "Di pa Kasi pwede Mart, ayaw Kasi ni Pablo na mapabayaan ko mga Bata" sagot ni Georgia. " Naku, pwede Ka Naman mag aral sa gabi, Diba. Kung gusto maraming paraan Georgia" sakay ne loyda na kasinglakas din Ng bunganga ne Martha. " Ewan ko sa inyung dalawa, makapasok na nga at makapagluto na Ng tanghalian" sabay alis ni George. Nang makapasok na sa bahay nila si George, di niya maiwasang magisip sa sinabi ni Martha, oo nga Naman bakit ba di niya ipagpatuloy Ang pag aaral Niya siguro naging guro na din Siya gaya Ng mga kasabayan Niya sa kolehiyo. At sa tuwing naiisip ni George Ang mga ganung bagay, bumabalik na Naman sa isipan Niya Ang isang tao, na Minsan sumoporta sa kanya at naging inspirasyon Niya na mangarap na makapagtapos.
     August 1997, kinakabahan si George dahil sa unang pagkakataon inimbitahan Niya Ang kanyang kaibigan na mag meryenda. At maglalakas loob syang aminin Ang kanyang nararamdaman. "Geeeoooorrgggeee" tawag ni Rosalyn sa kaibigan. " Ayan George kinidnap ko na si Madeiline sa meeting nila" pilyung Saad ni Rosalyn sabay alis. "George Akala ko ba tayong tatlo ni Rosalyn Ang magmemeryenda, bakit umalis Siya" naguguluhang Tanong ni Madeiline Kay George. " Mads, ano gusto mo. Camote que o Banana que?" Pilit nilalabanan ni George Ang kanyang kaba. Sa pagkakataong ito kailangan niyang maging matapang at baka maunahan Siya Ng ibang lalaking umaaligid Kay Madeiline. Sa angking Ganda at talino nito kaya maraming nagkakagusto sa dalaga. "Kung anong gusto mo George, Yun nadin sa akin". Pagkatapos makabili ni George Ng meryenda ay inanyayahan niyang maupo Sila ni Madeiline sa isang upuan na nasa lilim Ng malaking puno Ng Acacia. Doon nila kinain Ang nabili nilang meryenda. "George may sasabihin Ka raw. Sabi Kasi Sakin ni Rosalyn importante daw. Ano ba Yun George?" Tanong ni Madeiline. " Mads, huwag Ka sanang magagalit pero may aminin Ako" bagu paman maipagpatuloy ni George Ang kanyang sasabihin ay biglang umulan Ng malakas. At kahit mayabong Ang mga dahon Ng puno ay halos mabasa na Sila George at Madeiline. Nagtatakbong sumilong Silang dalawa sa isang waiting shed. Nagtatalon Naman si Madeiline sa ginaw "ano ba Yan bigla namang umulan" Saad ne Madeiline. "Mads I love you" buong tapang na Sabi ni George Kay Madeiline "Ano? Lakasan mo di ko madinig lakas Ng ulan e" nabibinging Tanong ni Madeiline "Ang Sabi ko I love you Mads" sigaw ni Goerge sa kanya. "Ano?" Di makapaniwala si Madeiline sa narinig mula Kay George "Gusto kita Mads, gustong gusto. Alam Kong nabigla Ka dahil pareho tayong babae." Nag aalalang Sabi ni George Kay Madeiline. Sa sobrang gulat ay napa alis na lamang si Madeiline. At di na sya napigilan ni George.
      Di maiwasang ngumiti ni George sa tuwing naaalala Niya Ang panliligaw Kay Madeiline, sa unang pagkakataon ay naglakas loob syang manligaw Ng kapwa Niya babae. Gustong gusto Niya si Madeiline at alam Niya sa Sarili Niya iyon, kahit kilos lalaki sya noon, nagulat nalang din Siya na nahuhulog na sya Kay Madeiline noon. Saan na kaya si Madeiline Ngayon, tanung ni George sa kanyang Sarili.
    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Ex, My LoverWhere stories live. Discover now