Gen Z.
It is the generation where they are all always invalidated and compared. That's the reality. No matter how much you avoid your reality, the more that it will hit you hard.
But that doesn't apply to me. I never faced my reality. I'm capable of enjoying my life until my reality is getting closer ... then I runaway,
like how my father did.
"Ms. Gilmore!" Napabalikwas ako nang tawagin ako ni sir Theo. Our strict Pre-Cal Major. The guy that can't shut the fuck up at hindi ako matigil-tigilan. He's early in his 40's
"Sir Sison?" I asked sarcastically. Sanay na 'kong sinasaway ng lalaking 'to. Feel ko nga may gusto siya sa'kin e. I grinned at the thought of that.
"Kung lagi kang tutulala sa subject ko, you can get out! Napapagod na 'ko kakasaway sa'yo!" He yelled, enough to embarrass me. Kala niya naman nahihiya ako, e mas nahihiya pa 'ko sa pinag-gagawa niya. Nagmumukha s'yang papansin.
"Sure. The pleasure is mine." I winked at him and left them all dumbfounded.
Letse. Kung pagod na siya, mas pagod ako! It's so hard to please him. Which I shouldn't even do in the first place. Hindi naman ako pinanganak para maging people pleaser lang. I hate the idea of me trying my best just so I can't make him mad, but I always ended up failing. Hindi ko ma-gets bakit sa iba hindi siya ganyan, pero sa'kin ang brutal niya. Gagong matandang yun. Hindi naman ako tulala, nakikinig nga 'ko e. Hindi ba pwedeng na-divert lang ang isip ko saglit?
One more month matatapos na 'tong shs life ko, and I'll be entering college life. Nalalapit na rin matapos ang kalbaryo ko rito. Tulad ng nakasanayan, for sure lilipat na naman kami ni mommy. Kasi ... yun ang lagi kong request sa kan'ya tuwing bakasyon. Never ko s'yang narinig magreklamo tunkol do'n.
Iniisip ko kung anong magandang reason para makipag break kay Norman.
Yup, I have a boyfriend. Funny how I hate men but I do have a boyfriend.
Norman is a nice man, good-looking, at may pake sa acads. It's just that ... hindi ako nagseseryoso sa kan'ya, and that's true. Norman is fun to be with but I know that I'm not in love with him. Maybe attached? Poor him. Siya pa man din ang pinaka matagal kong naging boyfriend. We lasted for nine months. Mom is so convinced na seseryosohin ko na si Norman nang dahil lang siya ang pinaka matagal ko na naging boyfriend. Dagdag isipin pa tuloy kung pa'no ako mag e-explain sa kan'ya.
I'm here at the cafeteria waiting for him. Five minutes na lang end na ng sub ni sir Theo.
Nag order na 'ko ng pagkain namin para pagpunta niya rito kakain na lang kami.
"Boo!" Pangugulat niya. Hindi ako nagulat. Gawain 'to ng mga korning mag jowa e. Kasura.
"Hi babe." I smiled and kissed his cheek. Tumabi siya sa'kin at inayos ang mga gamit niya.
"Napag-initan ka na naman ni sir kanina ah?" He chuckled.
"Lagi naman 'yon." I rolled my eyes. May araw din sa'kin yung matandang yun.
"It's okay, love." He assured. He held my hand and kissed it. "By the way, we had a short quiz, and don't worry I answered your sheet, you silly." I smirked. Isa pa 'tong gusto ko kay Norman, hindi niya hinahayaan na magkaroon ako ng missed activities. Perks of having a smart boyfriend.
I pouted. "Thank you, babe. That old man ... nakakainis. Hindi ko na alam kung paano pa 'ko makikipag deal sa kan'ya kung lagi namang mainit ulo niya sa'kin. "
"Shush, babe. You're always spacing out kasi, alam mo naman na importante ang Pre-Cal sa'tin 'di ba?"
"I know. Alam mo ring I hate Pre-Cal so much, so I couldn't help it. Pero alam mo naman na I'm trying my best. Isa pa, I hate sir Theo."