03

29 1 0
                                    

It's early morning and I'm still watching TV. May bago kasing release ang Netflix at maraming good feedbacks ang nakita ko sa media so I decided to watch it.

It's a series about real friendships and teenagers' mental health. Each character has their own POV. Watching these types of movies is my hobby, nakahiligan ko na siya dahil na rin siguro nakaka-relate ako sa ibang characters.

Tutok na tutok ako sa pinapanood ko nang may biglang kumatok mula sa bintana ko.

Harvey?

Tangina, paano naka akyat dito 'yang lalaking 'yan?

Padabog akong tumayo at binuksan ang bintana.

"Hi." He smiled widely so I got even more pissed off. I don't really know how to feel about this man. Minsan nakakatuwa siya, madalas nakakaasar.

"The hell are you doing here? Alam mo bang five AM na?" Pagalit kong tanong.

"Oo, tapos gising ka pa."

"Oh tapos? Wala ka na ro'n!" Bakit ba siya nangingialam kung anong oras ko gusto matulog?

"Masama 'yun sa kalusugan mo, Elle. Ano ka ba, matulog ka na."

"Ah, you're concerned about me. Alam mo bang mukha kang akyat bahay na desperado sa ginawa mo?"

"Alam ko," tinaasan ko siya ng kilay. "Pero 'di ako aalis dito hangga't hindi ka natutulog." Wow naman talaga. Ngayon, obligasyon ko pang matulog na. "H'wag ka nang umangal at patayin mo na yang TV mo at mahiga ka na sa kama mo."

"Ano ba't concerned na concerned ka? Kakakilala lang natin kahapon ah? Hindi ko responsibilidad 'yang inuutos mo!" Pinatay ko ang TV at patalikod na humiga na.

Edi parang sinunod ko lang din yung utos niya?

"Matulog ka na kasi mamaya may hang out kaming magkakaibigan, isasama kita. Aalis tayo."

Napalingon ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maitago ang excitement sa mukha ko pagkaharap ko sa kan'ya. Finally!

But, why does he seem off? Is he offended by what I said? Kailangan ko na nga ata icontrol 'tong bibig ko, masyadong harsh. I feel sorry.

"Hey," tumingin siya sa'kin. "I'm sorry, I was being harsh." Pinagsingkitan niya 'ko ng mata. Para bang naghihintay pa ng kung ano pang sasabihin ko. "And thank you, sa pag invite sa'kin." There, I said it.

He suddenly smiled again. 'Yun lang 'yon? Hindi manlang magtatagal yung tampo niya sa'kin? Tss, what a softie boy.

Hindi ko na namalayan ang pagtulog ko. Nagising na lang ako, wala na si Harvey. I took my phone to check what time is it.

It is currently 3:40 PM. Lagot na naman ako kay mommy nito.

I checked my messages and I saw Harvey's message.

Harvey : mag ready na ikaw pag-gising mo. we'll fetch you at 5 pm. see you! ; )

Harvey : btw, wag ka na mag-alala kay tita, pinaalam na kita kanina. pinayagan ka naman. she's a cool mom yk

I smiled. I know right. Never niya 'ko pinaghigpitan. She always let me go basta pinagkakatiwalaan niya yung kasama ko. Mom has a lot of trust in me, I'm afraid I'll break it.

I replied to him.

Me : thanks, g. ingats.

Agad s'yang nag reply. Halatang naghihintay lang sa reply ko ah.

Harvey : sino si g? hmm

Me : g kasi gago, so you're g : )

Harvey : okay ouch hahaha

Steps Towards HerWhere stories live. Discover now