02

29 1 0
                                    

My life became dull since that night happened. Hindi ko na nagagawang tumawa nang tumawa katulad dati. Even mommy noticed that. She always makes an effort to make me happy, and I appreciate it.

Letse, wala naman sa bukabularyo ko ang maging broken, wala rin sa plano ko 'yon. Tanginang Norman 'yan, ano bang pinakain sa'kin n'yan at masyado ata akong nasaktan?

After my heartbreak from Norman, I will not try to have a relationship again, mahirap na. Nakakatakot kasi hindi ko naman inexpect na mahuhulog ako sa gunggong na 'yon.

I guess, this is my karma. I've been playing boys just because I don't wanna enter a 'real relationship'. Kung karma nga 'to e tatanggapin ko 'to nang buong buo. Para na rin akong sinampal ni lord ng katotohanan. Thanks to him.

7 Am in the morning, I usually go out, dito lang sa bagong subdivision namin para mag lakad lakad, I think it would help me with everything.

Maganda ang napaglipatan namin ng bahay. Mas malaki at mas malawak 'to kaysa sa dati. Mas peaceful din kasi walang masyadong nag iingay. Tabi lang ng bahay namin ang bahay nila tita kaya kung saan ko gusto mag stay, pwedeng pwede.

Napasinghap ako at tumayo na para ayusin ang kama ko. Unting araw lang, masasanay din ako rito. Mas maganda nga manirahan dito e, walang kung ano mang peste.

Pagkatapos kong ayusin ang kama ko ay binuksan ko na ang bintana ng kwarto ko para maliwa-liwanag naman kahit papano.

Pag bukas ko ng bintana ay napakunot ang noo ko. There's a guy next door dancing in his room. He is topless and sweating. Ano ginagawa nito?

I didn't realize I was watching him intently. I chuckled. Napailing na lang ako, naghilamos at toothbrush na.

"Good morning sa pinaka maganda kong anak!" Bungad ni mommy pagkababa ko.

"Wow. Good mood ah?" I said as I kiss her cheeks.

"Lagi kaya ako good mood! Tsaka yung kapit bahay natin dito, winelcome tayo, ito oh, binigyan tayo ng adobo. Kakauwi lang din daw kasi ng asawa niya from abroad," Ang kulit talaga. Sigurado na 'kong 'di ako sa kanya nagmana. "Eat muna tayo before ka mag lakwatsa."

"Okay." Wala rin namang mangyayari kung tatanggi ako, pipilitin at pipilitin lang ako ni mommy.

Habang nakain ay nanonood si mommy ng news sa TV, kada balita ay may nasasabi siya. Perfect description talaga siya ni marites.  Sa'kin niya lang naman nalalabas yung ganyang side niya, mahiyain na siya pag kaharap na ang ibang tao. I'm her best friend.

"Ay nak siya nga pala, maligo at magbihis ka agad pag-uwi mo kasi baka ayain tayo kumain sa kanila ng kapit bahay."

"Baka naman feeling mo lang aayain tayo."

"Huy 'di ah! Siya mismo nagsabi sa'kin kasi gusto ka rin daw niya makilala. May anak din siya kasing edad mo lang na babae, baka makasundo mo, edi may friend ka na agad." I suddenly felt better because of what she said. Kailangan ko na nga ata ng kaibigan, mas masaya kasi kapit bahay pa namin.

"I gotta go, mom. Uwi lang din ako agad." Pagpapaalam ko.

"Oki! H'wag masyado magpa-pagod."

Bago umalis ay nagsalamin muna ako. I applied lip balm so my lips stay hydrated. I tied my hair in a ponytail and sprayed a mist on it. I'm wearing black adidas shorts and a white cropped top. Ang maganda rito sa bago naming subdivision ay walang pake ang mga tao sa kung ano mang suot mo, maiksi man o balot na balot. That's why I'm loving it here.

Pag labas ko ay nag jogging ako agad. Pumunta ako sa playground kung saan walang tao dahil inabando na. We have been here for three days already. Simula nung nakalipat kami rito ay gan'to lang ginagawa ko araw araw. Nililibang ko ang sarili ko sa gan'to.

Steps Towards HerWhere stories live. Discover now