Class 3 - The Game has Begun!

18 1 0
                                    

Class 3 - The Game has Begun!

kinaumagahan  maririnig mo sa bawat classrooms ang kanya kanyang mga kwentuhan tungkol sa nangyari sa paborito nilang palabas... mga kwentong hindi pa nila naibabahagi sa kanilang kaibigan at ang mga bagay na naudlot sabihin....ito ang bumubuo ng ingay sa hallways ng bawat estudyante...

*Krrriiiinnnnggggg* hudyat na iyon upang tumahimik na ang lahat sa bawat silid....ito ang unang bell ang pagtigil ng mga estudyante sa loob ng silid at pag-upo sa sariling mga upuan

"ilagay nyo na muna ang bags ninyo sa inyong upuan kuhanin ang dapat kuhanin at sandaling tumahimik ano ba Kenly umupo ka sa upuan mo!"saad ng kanilang presidente na agad din naman nilang sinunod

"Hoy Brence! dyan ka ba talaga?balik sa dating upuan!"suway ni Ivy

"Dionne Sinong late?"tanong ni Ivy sa sekretarya ng klase nila

"wala pa si Andrew chaka si Shannel"pagku-kumpirma ni Dionne sa kanilang Presidente

"mamaya nandyan na rin yang mga yan...late naman talaga si Shannel pumasok dahil sa malayo ang bahay nila...pag dumating nga pagsabihan mo na maagang gumising para hindi nale-late!"saad ni Ivy sa kanyang kaklaseng si Dionne

"kkkrrriiiinnnngggggg*

at ang ppangalawang bell naman ang hudyat ng paglabas ng tahimik na nakapila ng mga estudyante upang simulan ang morning rituals...

tumayo na ang lahat at agad namang  pumila ng tahimik at inintay ang kanilang paglakad ng bawat isang section...patungo sa kanilang Gymnasium....matapos ang flag Ceremony ay nagtungo muli ang bawat section sa kani-kanilang mga silid ng tahimik...

ngunit sa pagpasok nila sa kanilang silid aralan sigaw at tili ang narinig ng mga ibang estudyante at mga guro..agad na humangos ang ilang guro sa Classroom ng 12-B...ang ilang mga guro ay nagulat ang iba naman ay natakot....ang iba namang guro ay tumawag ng ambulansya at pulis

"Diyos kong mahabagin!"sad ng isang guro

dahil natagpuan nila si Andrew na nakabigti sa kanilang classroom...putla na ang dila nito mapupula ang mga mata na halos lumuwa na at ang nangingitim nitong mga kamay....

"s-si Andrew..p-patay na"sabi ng kanyang kasintahang si Akari napaluha ito sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman kaya naman ito ay niyapos ni Reese ramdam din kasi ni Reese ang sakit na nararamdan ng kanyang kaibigan..agad din naman siyang dinamayan ng kanyang mga kaibigan

nang dumating na ang mga pulis tinanggal nila ang pagkakabigti ng binata sa kisame. Ang kisame ay mukhang bumigay dahil sa bangkay ng binata

ngunit nang matanggal niya ito meron itong nasa loob ng kamay na maliit na papel nahulog ito sa kamay ng binata at napasin ni Ivy ang bagay na iyon at kinuha ang papel at inilagay sa kanyang bulsa

Class 12 Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon