Class 9 - Scream
habang nag-iisip ng gagawin ang buong klase nakatanggap na naman sila ng isang tawag mula sa taong kanina lamang ay tumawag din...tinanggap nila ang tawag at inilagay muli sa loud speaker
"kamusta?... may ihahanda akong surpresa... were going to play who wants to be the Hero"pagsasaaad ng nasa kabilang linya
Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto nila...
"ano ang gagawin namin?"matapang na tanong ni Gray
"hahaha...gusto ko yan...isa lang naman ang gagawin nyo ehh..sasagutin nyo lang ang tanong ko...isang maling sagot...patay sya..."saad ng nasa kabilang linya ng telepono
"unang tanong...Sino sa inyo ang bully?..madali hindi ba?"saad ng nasa kabilang linya
"si Kenly Alexander at Shiela...sila ang mga kilalang bully sa school na ito"saad ni Akari
Agad na nakahinga ng maluwag ang buong klase ngunit naka rinig sila ng impit na boses...si Reese na pinipilit na magsalita...nakarinig din sila ng isang malakas na sampal
"susunod na tanong....Who do you think killed the two lower years?"saad niya
"sa tingin naming lahat...si Kenly..sya lang ang may malinaw na motibo ng papatay sa isang lower year...yung lalaki..at yung babae naman..alam kong isa sa mga killers"saad ni Chris sa telepono
Nakarinig sila ng isang putok ng baril mula sa telepono
Narinig nila ang sigaw na impit ni Reese dahil sa nakabusal nitong bibig
"mali ang hula ninyo..may isang tama ka...kaya sablay ang tama ng baril kay Reese...who Am I?"saad ng nasa kabilang linya
"paano naming malalaman!! Tang* ka ba? Hindi ka namin kilala..basta ka na lang pumasok sa mga buhay naming at ginawang kaming miserable!! "saad ni Kenly
"tandaan mo...miserable na talaga ang buhay ninyo..by the way...wrong answer...say good bye to Reese...pero may twist...nasa school lang kami..hanapin nyo ako kung gusto nyong mailigtas ang kaibigan ninyo...find me...GO!! The time is ticking my dear fellow students"saad ng nasa kabilang linya habang puro sigaw na lang ang naririnig sa kabilang linya matapos nitong magsimula
Ang impit na sigaw ni Reese
"Dionne Allane Leena Gray Shane Brence at Akari sumama kayo sa akin..ang iba maghanap na rin..Shaun at Marianne dito lang kayong dalawa...ang iba sige na maghanap na"saad ni Ivy habang nakatayo sa taas ng upuan
Mabilis na nagtakbuhan palabas ang mga estudyante ng 12-B agad silang naghanap sa kung saan saan sa school na iyon..katulong na rin nila ang mga Janitor at ilang guards
"nakalock ang pinto.."saad ni Ivy
Agad na napaluha si Akari sa kanyang naiisip..maraming naglalarong mga scenario sa mga isip nila..ang ibay magaganda ang iba naman ay hindi
Nasambot ni Brence ang dalaga at umiyak ito sa dibdib ng binata
"hindi..buhay pa sya diba?...Leena Gray at Shane..hanapin nyo na ang iba pa nating kasama...papuntahin nyo sila dito sa Old Students Affair Office...."utos ni Akari sa kanyang mga kaaklase
Nagsitakbuhan na rin naman sila sa ibat ibang direksyon
"b-baka patay na si Reese..baka wala na siya baka hindi na natin siya maabutan"saad ni Akari habang nagpa-panic
Agad na hinawakan ni Ivy ang dalawang pisngi ng dalaga at tumingin sa mga mata nito
"tandaan mo maliligtas natin sya..ligtas sya...wag kang mag-alala maililigtas natin sya ok?...magagawa natin yun...hindi pa sya patay ok?"saad ni Ivy para aluin ang dalaga
BINABASA MO ANG
Class 12 Of Death
Mystery / ThrillerThey are ready to kill...are you ready to scream? They are ready to chase...are you ready to run? They are ready to find you...are you ready to hide? They are ready for school...are you ready to DIE?