Class 6 - Dale's Secret
kinaumagahan nagmamadaling pumasok sa paaralan nila ang presidente ng Class 12-B
"kailangan kong matanong ang babaeng iyon kahapon..alam kong may itinatago siya..may kutob in ako na kilala niya ang killer..."turan nito sa sarili habang naglalakad ng mabilis sa hallway nila
maraming mga estudyante na ang nasa loob ng paaralan ang iba ay nakakalat sa daan...
"good morning!..oh bakit nagmamadali ka?"masayang bati ni Dale sa dalaga
"kailangan kong makausap yung kaibigan nung james...baka alam niya kung sino yung killer...ito ang unang kaso ng pagpatay sa ating school hindi ba?"tanong ni Ivy sa kanyang kasama
"sa tingin ko pangalawa sa taong ito Ivy...ang pagkamatay ni Andrew ay parang hindi Suicide...isipin mo...ang bangkay na nakita ay halos parang kinagabihan pa namatay..at paano niya maisisiksik ang sarili niya sa loob ng kisame without a help?"saad ng binata sa dalaga
"tara puntahan natin yung babae..."saad ni Ivy sa binata
pero bago pa man sila makatayo ay nakarinig sila ng taong tumatawag sa kanila
"pwede ba akong sumama?... gusto ko ring sumama ehhchaka nakuha ko na rin sa faculty ang susi ehhh balak ko sanang maghanap ng mga clues"sabi ni Inori na halata mong nahihiya sa dalawang presidente
agad naman silang tumango bilang pagpayag nito
sa kanilang pag-taas agad na napalingon si Inori
"parang may sumusunod sa atin..ramdam nyo ba?"tanong ni Inori sa kanyang mga kasama
"hindi...sa tingin ko imahinasyon mo lang iyon...ano ba.."saad ng kanyang presidente upang mapanatag ang loob ng dalaga
hinawakan niya ng door knob ng pinto at ipinasok ang susi ngunit
"bukas yung pinto?..."nagtatakang tanong ni inori sa kanyang mga kasama
pumasok sila sa loob ng kwarto agad na napatakip ng mukha si ivy samantalang tinakpan naman ni Dale ang mata ni Inori ngunit huli na dahil nakita na ni Inori ang laha....t
"A-ano yun K—kuya Dale?..."iyak ni Inori
tiim bagang niyang tiningnan ang kaibigan ng namatay na si James saka tumingin kay Inori
"Shhhh kumalma ka lang...hingang malalim kalma lang ok?...wag mong titingnan...hingang malalim"saad nito sa Dalaga na agad din namang sinunod ng dalaga kahit na ito'y hirap
inilibot niya ang tingin sa loob ng classroom...
BINABASA MO ANG
Class 12 Of Death
Mystery / ThrillerThey are ready to kill...are you ready to scream? They are ready to chase...are you ready to run? They are ready to find you...are you ready to hide? They are ready for school...are you ready to DIE?