Class 7 - Hints

11 0 0
                                    

Class 7 – Hints

matapos ang klase ng Class 12-B ay napagdesisyonan nilang umuwi na

"Ano...sasabay ba kayo sa akin sa pag-uwi?"pagtatanong ni Ivy kila Akari Shane at Reese

"ahh hindi na..sabay-sabay naman kaming uuwi ehh hindi na kailangan!..."saad ni Reese bilang pagtanggi sa alok ng kanilang presidente

agad din naman itong tumango at umalis na rin

"Hoy! libre sakay na rin yun! bakit mo pa pinalagpas?"saad ni Shane na naging dahilan para sikuhin siya ni Akari sa tiyan

"Aray teh! Pisikalan?"saad ni Shane sa kanyang kaibigan

habang naglalakad naisip nilang lahat ang nangyaring patayan

"sa tingin nyo ba magkaka-ugnay yung patayan o random lang?"tanong ni Shane sa kanyang mga kaibigan

napaisip naman ang dalawang babaeng kasama niya

"sa tingin ko nga random lang yun...chaka bakit naman niya papatayin yung dalawang lower years?...ang pagkaka-alam ko wala daw kaaway yung dalawang yun...tanging si Kenly lang ang naka-away kaya sa kanya ang Center of Attraction..."saad ni Akari sa kanyang mga kaibigan

tiningnan nila si Reese na halatang malalim ang iniisip

"anong iniisip mo Reese?"pagtatanong ni Akari sa kanyang kaibigan

tumingin ito sa kanila ng seryoso at nagsalita...

"ano kaya ang masarap na flavor ng ice cream na pwedeng kainin?...strawberry o Chocolate?"tanong niya sa kanyang mga kaibigan

Agad na kumunot ang noon g kanyang mga kaibigan at sabay nitong binatukan si Reese

"ano ba naman yan! Puro pagkain nasa utak mo!"saad ni Shane sa kanyang kaibigan

"ehh masarap kasi eehh! Tamang tama tag-araw ngayon!"saad ni Reese

Walang nagawa nag dalawa nya pang kasama kundi ang sumunod sa kaibigan nilang si Reese sa loob ng isang convenient Shop

Matapos ang kanilang kainin ang ice cream nila ay napagpasyahan na nilang umuwi...ang unang umuwi sa kanilang bahay ay si Reese...

Nang nagpatuloy maglakad sila Shane at Akari...muli nilang naisip ang patayang nangyari

"sa pakiramdam ko..hindi random ang patayan na yun...kanina ko pa kasi iniisip ehh.."saad ni Akari sa kanyang kaibigan

"alam mo wag na lang tayong mangialam sa kanila..baka madamay pa tayo...malay mo hindi naman pala tayo kasali..wag mo silang pansinin..kasi baka masali lang tayo..."pagpapayo ni Shane sa kaibigan

Class 12 Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon