~Crush for Real~Chapter 55:

31 1 0
                                    

Jen's POV:

"Guys, lakad-lakad lang muna ako mamaya pa naman ang alis natin, right?"

"Sige Jen pero wag ka ng lumayo baka mag kahanapan pa tayo mamaya." sagot naman ni Troy.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Gusto ko lang mag lakad muna bago kami umuwi. Tapos na din ang bakasyon. Ang bilis talaga ng panahon. Parang Kahapon lang ang bakasyon. Tapos ngayon ito na pasukan na naman 1week na lang. Mukang matatagalan bago ako muling makakapunta dito.

"Samahan kita nag iisa ka eh!" Itong lalaki talagang to! Parang kabuti bigla-bigla na lang susulpot.

"Pano mo na laman na nandito ako?"

"Wala ka naman ibang pupuntahan kung di dito lang sa Secret Sea natin diba?" Oo nga pala. Alam niya pala na dito ako napunta pag nag iisa ako.

"Wag mo nga angkinin tong! Secret Sea ko!"

"Hindi porket inyo tong resort. Bawal ko na tong tawagin akin!"

"Hindi yon ang ibig kung sabihin! Sira I mean ako lang ang nakakaalam nitong lugar na'to!"

"Jan ka nag kakamali! Dahil Simula ngayon o Simula noon pa man nung una muko dinala dito. Di na ikaw ang unang tao na nakakaalam nito. Dalawa na tayo tandaan mo!" Kapal ng muka sana pala di ko na lang siya sinama dito.

"Wala kang Ibedensya na pag mamayari mo tong! Secret Sea ko!"

"Ngayon meron na! Saksi ang langit,mga Bato,Shell, Isda,pati na din salabay! Lalong-lalo na tong Malaking batn na'to(turo niya sa bato na kinauupuan namin) Kayo ang saksi na kami na ni Jen ang nag mamayari nitong Secret Sea nato! At para mas kapanipaniwala"

"Hoy! Anong gagawin mo? Bakit mo dudumihan yan!" tumayo ako sa akin pag kakaupo at lumapit sa kanya.

"Tama na nga yan! Dinudumihan mo ang bato ko eh!"

"Yan! Basahin mo!" turo niya sa bato. Nasinulatan lang naman niya.

"This Secret Sea Is personal Property ni Mr. And Mrs. Smirth." yan ang pag kakabasa ko sa sinulat niya.

"Bakit mo sinulat yan! Ay isa pa Bakit Mrs. Smirth ang nakasulat jan! Di tayo mag asawa ha! At never tayo magiging mag asawa! At talagang May dala ka pang pentel pen pinag handaan mo talaga noh!" Inis na sabi ko.

"Iisa-isahin ko ha! Una sinulat ko para may ebedensya. Pangalawa Hindi ko pinag handaan to! Napulot ko lang tong pentel pen habang nag lalakad ako. Siguro para sa akin talaga to! At pangatlo Wag ka ng Maarte Balang araw magiging Smirth ka din. Ayaw mo nun dala-dala mo ang apelyedo na pinag aagawan ng madaming babae ito malala Pang apat Para KAPANIPANIWALA talaga...."

Di ko inaasahan ang kasunod na nangyari. Hinalikan niya ako? Totoo ba'to? Bakit parang nakuryente lang ako? Epekto ba'to ng halik niya na kala mo nakuryente ka at tuloy-tuloy lang ito nadumamaloy sa buo kung katawan.

Natauhan lang ako.
"Hahaha sarap kung humalik noh! Hahahaha!!"

"Wag kang pahuhuli sa akin! Lulunurin kita! Mag nanakaw ng halik!!"

"Nagustuhan mo naman! Okie lang yon hahaha!" para kaming baliw na nag sisigaw. Ka aga-aga pa lang mga 5 palang pero maliwaliwanag na.

"Wag na wag kang papahuli!" sigaw ko na tuloy pa din sa pag takbo. Malayo-layo na din kami sa Secret Sea.

"Gwapong Nilalang.. wag pahuhuli sa babaeng Maton! Na nang hahabol!" pangasar tong lalaking'to! Kumanta pa ha! Alam ninyo kung ano kinanta yung Tutubi-tubi wag pahuhuli. Gumawa pa ng sariling Version.

My crush for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon