~Crush For Real~Chapter 59:

16 1 0
                                    

Rose's POV:

(Flash back: bago makidnap si Sum)

"Jen bakit kaya ang tagal ni Sum?" takang tanong ko kay Jen.

"Baka naman marami lang nabili" mahinahong sabi ni Jen pero halata ang pagtataka.

"Jen kanina pa kaya si Sum! Isa pa nasa kabilang kanto lang ang tindahan noh!" sabi ko na pilit tinatanaw si Sum na di ko naman makita.

"Hintay lang tayo" kalmado parin niyang sabi di na ako sumagot at tahimik na lang na nag antay kay Sum.

(After 10 minutes)

"Tara na nga!" sabi na eh. Di rin makakatiis to!

Tumayo na ako at nag lakad na kaming dalawa na tahimik lang.

"Sarado naman pala tong tindahan eh!" Sabi ko nang makarating na kami sa tindahan.

"Baka sa kabilang kanto bumili. May tindahan dun! Tara " sumunod lang ako sa kanya.

Di ko ipag kakaila na kinakabahan din ako.

"Best, Diba masama pakiramdam ni Sum?" tanong sa akin ni Jen tumigil pa ito.

"Parang kasi kanina masakit daw ulo niya eh" lalo akong kinabahan ng maalala ko pang masama nga pala. Pakiramdam ni Sum. Sana walang nangyari sa kanya.

"Kinakabahan na ko Jen" natatakot ko ng sabi.

"Walang nangyari kay Sum wag kang mag alala" pag papalakas ng loob sa akin Ni Jen. Tuloy lang kami ng pag lalakad.

"Narinig mo yun?" tumigil si Jen. Pinakinggan ko naman kung ano yung sinasabi niya.

"Si Sum!!" sabay na sigaw namin ni Jen. Kaya tumakbo na kami papunta kung saan namin naririnig yung ingay.

"Bitawan ninyo nga ako!!" Rinig na sigaw namin ni Sum. Napilit siyang sinasakay sa Van ng mga lalaki.

"Sum!!"Sigaw namin tawag kay Sum dahilan na mapatingin siya sa amin.

"Tulungan ninyo ako! Rose!! Jen!!" pag mamakawa sa amin ni Sum.

Narinig namin na may sinabi yung lalaki sa kanyang mga kasama. At dali-daling sinakay si Sum sa Van at sinarado agad nila ang pinto at humarurot ng patakbo ng Van.

"Pano nayan (sob)" umiiyak na sabi kay Jen ng Makalayo na yung sasakyan.

"Wag kanang mag alala makukuha din natin si Sum" niyakap ako ni Jen. Kaya yumakap din ako ng mahigpit.

End Flashback:

Jen's POV:

"Natandaan ba ninyo kung ano ang Plate number nung Van?" tanong nung pulis.

"XT 1245 poh" ako na ang sumagot dahil di naman makakasagot si Rose dahil lutang parin.

"Sige po mauna na po kami. Kami na pong bahala" Umalis na yung pulis. Pag katapos nun.

"mabuti pa umuwi at mag pahinga na muna kayo Jen at Rose ipapahatid ko na lang kayo kay Manong Rowel alam kung nag aalala na mga magulang ninyo" kalmadong sabi ni Tito ( Daddy ni Sum).

"Pero Tito Pa-"

"Wag na kayo mag alala kay Sum kami na at mga pulis na ang bahala" sabi pa ni tita(Mommy).

"Ako na po mag hahatid sa kanila tita. Para di na po maabala si Manong" tumango lang sila tita at tito bilang sangayon.

"Una na po kami Tita,Tito." pag papaalam ni Lance kay Tita at tito.

"Hatid ko lang po sila sa labas" sabi ni A.m na naka akbay kay Rose.

"Pare. Una na kami paki sabi na lang kay Troy nauna na kami babalik na lang ako pag katapos kung masiguradong nakauwi na tong dalawa sa kanila" sabi ni Lance kay A.m.

"Ako na bahala tol! Rose matulog ka na muna. Wag ka na muna mag alala kami nang bahala kay Sum." Alala naman ni A.m kay Rose.

Tumango lang naman si Rose bilang sagot.
"Una na kami tol! Nang maihathd ko na sila" tango lang din ang sagot ni A.m.

Lance's POV:

Tahimik lang ako na nag mamaneho. Alam kung nag aalala sila para kay Sum.
Una kong inihatid si Rose dahil mas una naman bahay niya kesa kay Jen.

Pag katapos kung maihatid si Rose at masigurong nakapasok na siya sa loob ng bahay saka ako umalis. Para maihatid naman si Jen.

"Mag pahinga kana. Wag na muna kayong mag isip ng kung ano ano. Mahahanap din naman namin kung nasan si Sum." sabi ko kay Jen. Nang nasa tapat na kami ng gate nila.

"Basta Lance sabihan mo ko pag nakita na ninyo si Sum ha!" may pag aalala parin niyang sabi.

Niyakap ko na lang siya at saka bumulong.

"Oo babalitaan kita. Basta mag pahinga kana." narinig ko lang siyang nag bungtong hininga saka bumitaw sa pag kakayakap.

Pasok kana" nakangiti kung sabi.

Pumasok na naman siya agad at hinintay ko lang ng makapasok na siya sa loob saka ako umalis.

Pag dating ko sa bahay nila Sum na kung saan nandun si A.m at Troy pati nadin sila tita at tito kasama si Zander na umuwi agad ng mabalitaan na may kumuha kay Sum.

"Ano pre. Musta?" salubong agad sa akin ni A.m

"Okie naman tol. Nakauwi naman sila ng Maayos" sagot ko sa tukoy niyang sina Jen at Rose

"Mabuti naman kung ganon" sagot ni A.m na parang nabunutan ng tinik.

"Sila tita pati si tito asan?" tanong ko habang nag palinga linga pa.

"Nag pahinga muna saglit. Na pagod sa haba ng byahe eh. Ayaw pa nga matulog ni tita buti na lang napilit ni kuya zander mahabang paliwanag niya.

"Buti naman kung ganon. Si kuya zander?"

"Nandun sa kusina kausap yung pulis na baka daw may balita na daw kay Sum."

bago ko pa maitanong kung nasan si Troy. Nag mamadali na itong lumabas galing sa garden nila Sum.

"May tumawag sa akin dinala raw nila si Sum sa Isang abandunadong Bahay dun sa likod na lumang Bayan(wala po me maisip na lugar)" nag mamadaling sabi ni Troy.

"Ano pang hinihintay natin. Tara na at puntahan natin kung saan man yon" Narinig pala ni kuya Zander.

"Pero kuya Zander kaming tatlo lang ang pinapapunta dun bawal mag sama ng iba. Baka mapahamak si Sum" pagpapaliwag ni Troy.

"Pero-" pagpupumilit ni kuya zander.

"Please kuya zander kami na lang. Pag wala pa kami nang 20 minutes wala pa kami ikaw lang bahala." sabi ni troy. Tumango lang naman si Kuya zander. Ngumiti lang naman si troy bilang sagot.t at umalis na si Troy kaya sumunod naman kami ni A.m kay Troy. Sana walang mangyaring masama.Sana nga.

My crush for RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon