Summer's POV:
Ang bilis talaga akalain ninyo yun parang kahapon lang bakasyon lang. Pero ngayon pasukan naman.
"Manang Alis na po ako" pag papaalam ko kay Manang Roseng.
"Ganun ba. Sige Anak mag ingat ka ha! Sige na at nag aantay na ang Manong Rowel mo sa labas" pag papaalala sa akin ni Manang Roseng.
"Sige po Una na po ako." lumabas na ako para pumunta sa Labas.
Kung tinatanung ninyo kung nasan Parents ko. Wala sila na sa U.S kasama si Kuya Xander sa U.S naman naman sila nag aasikaso ng Negosyo namin. Miss ko na nga sila eh. Lalo na si kuya Xan.
Nang makarating na ako sa gate. Wala ang kotse ko at wala din si Manong Rowel. Siya muna ang driver ko kasi pinag bawalan muna ako nila Daddy na mag drive wala daw kasi sila ano kayang Connect?
Pero bakit ba wala si Manong sabi ni Manang nag aantay na si Manong kanina pa.
"Tagal mo naman" napating ako sa lalaking naka sandal sa bakal ng gate namin may pag kamalaki kasi gate namin at sa dulo nito may puno. Kaya siguro di ko siya napansin.
"Anong ginagawa mo dito?" medyo naiilang kung tanong di pa nga ako makatingin eh. Kasi naman ammg gwapo niya mala model lang ng gate. So hot.
"Sinusundo ka!" lumapit siya sa akin. Lalo tuloy ako nag iinit este naiinitan. Ang bango pa.
"Pero ihahatid ako ni Manong eh" nalilito kung sabi.
"Ako na mag hahatid sayo alam ni Manong Rowel at diba nga nililigawan kita. Kaya tara na" Wala na ko nagawa kung di sumakay sa kotse niya kinuha na din niya bag ko. At isa pa gusto ko naman eh.
"Alam mo ang ganda ng panaginip ko" nakangiti niya sabi habang tuloy lang sa pag mamaneho.
"Ano ba Panaginip mo?" Ewan ko basta naiilang ako sa kanya lalo na pag tumitingim ako sa
Kanya."Sinagot mo na daw ako" nakangiti parin niyang sabi.
"E..wan ko sayo!!" kakainis naiilang na nga ako sa kanya tapos yun pa magiging topic.
"Hahaha pero ito seryoso may pag asa ba ako I mean May aasahan ba ako?" Seryoso niyang sabi.
"Bakit? Di mo na ba kaya mag intay?" medyo kinakabahan kung sabi.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.
"Bakit naman ako mapapakod? Tandaan mo'to. Sum di ako mapapagod kahihintay sa iyo. Mahal kita mahal na mahal." nakangiti niyang sabi.Sa sinabi niyang yun. Nakahinga ako ng maluwag pero di ko ipapag kakaila na may kunting kaba parin ako. Kahit papaano nagiging malikot ang isipan ko. Kung ano-ano na pumapasok sa isip ko.
"Sum nandito na tayo" tumigil lang ako sa pag iisip ng kung ano-ano ng tawagin ako ni Troy nakarating na pala kami sa School.
"Thanks nga pala sa pag sundo sa akin" sabi ko.
"Wala yun para san pa at nililigawan pa kita!" ang saya ata niya ngayon.
Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Oo nga pala di na kita maihahatid sa Room di rin ako makaka pasok sa Unang subject may meeting kasi kaming Basketball player" Sabi niya.
"Okie lang alam ko naman na magiging busy na kayo" nakangiti kung sabi.
"Babawi ako promise pag nakaluwag luwag na ako sa Scedule ko"
"Sabi mo yan ha! Aasahan ko yan. Sige na una na ko Ikaw din baka malate ka sa meeting ninyo. Pakalitan kapa ng Couch ninyo!"
Hindi ko na inintay pa ang pag sagot niya niya at lumkad na papunta sa Room.