Please vote....comment... Naman poh kayo kasi poh sa totoo lang bilang isang Author nang story ito gusto ko poh malaman kung ano ang opinion ninyo sa story na ginawa ko at please vote naman po kayo Jan ng ganahan ako mag UD:D
Jen's POV:
Nakakainis dito sa bahay imbis na nasa school ako nag aaral(echoss) hindi dito sa bahay na nakaupo lang nakatunganga kasi naman sila Mommy di ako pinapasok San Ka nakakakita na magulang na mismo ang nagsasabi sa anak na wag pumasok..
Oh di ba? Minsan na nga lang sila umuwi galing out of town tapos di pa ako papapasukin pwede sana kung mamamasyal kami eh! Pero Hindi ipapa date na naman ako kung sino-sino na anak nang Ka business partner sa company..
(Bzzz..bzzz.)
Kasalukuyan ako nanunuod nang t.v..
Nang may nagtxt sa cp ko na nasa table.. Kinuha ko ito..
(Best,where na u di Ka papasok?)
(Girl,late kana!!)
(Hoy! Wala Ka bang balak pumasok!!)
(Wala na late kana nagsisimula na mag lesson:D)Puro text lang pala nang dalawa at tinatanong ako kung bakit di ako pumasok.. Di ko pa pala sila natetext na di ako papasok..
(Sorry mga girls di ako papasok see u tomorrow na lang at piram nang note bukas)
Pagkatapos Kong mag text sa kanilang dalawa..pinatay ko na ang t.v at pumunta na lang sa kusina..
"Manang ano po niluluto ninyo?"
Tanong ko Kay manang na nagluluto nang pagkain..
"Ah iha nag luluto ako nang ulam para sa tanghalian natin"
"Eh manang bakit po ang dami ninyong niluto?"
"May dadating na bisiti ang mommy at daddy mo"
"Ah okie."Pagkatapos nung umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto ko at maligo na.. Sino na naman kaya bisita nang magulang ko?
Nang natapos na ako maligo umupo muna ako sa kama at nagbasa nang libro..
Nang nasa kalagitnaan na ako nang pag babasa nang tawagin ako ni manang..
"Iha bumaba Ka na at anjan na ang mommy at daddy mo kakain na daw."
"Sige po manang susunod na po ako"
"Sige bilisan mo na"
Umalis na si manang at ako naman ay tumayo na pinatong ko muna yung libro na binabasa ko sa table at lumabas na..
nang makababa na ako dumiretso na ako sa hapag kainan..
"mom,dad san poh kayo galing?"
Tanong ko sa kanila habang ako ay naupo sa upuan alangan sa lamesa?
"May sinundo lang na bisita anak."
Sabi ni mommy yung siguro ang sinasabi ni manang na bisitang darating..
Kumain na lang ako at napansin ko na may umupo sa kabilang upuan na katabi ko..
Lumingon ako at..
"Hai"
Sabi nung lalaking umupo sa katabing upuan ko at sa tingin ko Ka edad ko lang siya o matanda sa akin nang isang taon..
Tinaasan ko lang siya nang kilay.. bakit kilala ko ba siya??
"Anak siya ang bisita na sinundo namin"
Paliwanag ni daddy
"Hai my name is Lance Smirth"
Inilahad niya ang kamay niya..
"Jen"
Sanabi ko yan habang kumakain di ko din inilahad ang kamay ko bastusan ba??
Napansin ko na binawi na niya ang kamay.. Napahiya.. Ata?
"Siya ang sinasabi namin sayo nang daddy mo na makakadate mo anak"
Nakangiti pang sabi ni mommy
Tumigil ako sa pag kain at..
"Mom, dad kala ko pag pinag usapan na natin to sabi ninyo di na ninyo ako ipapadate sa kung sino sino??!!"
Halos pasigaw na nasabi ko sa kanila..
"Anak, di naman sila kung sino-sino eh! anak sila na Kabusiness partner ko"-said dad
"At anak di naman namin ikaw papakilala sa mga lalaking yan kung sila at Kung sino-sino lang at anak hinihiling lang naman namin na makipag kaibigan ka sa kanila yun lang"
Inawakan ni mommy ang kamay ko na nasa lamesa..
"I don't care!!!"
Sigaw na ang ginawa ko at tumakbo pa akyat sa kwarto ko..
Narinig ko pa natinawag ako ni mom and dad pero di na ako lumingon nang makarating na ako sa kwarto humiga na lang ako..
Bakit kasi kailangan pa nila akong ipadate kung ka sino-sino oo nga pala di sila kung sino-sino pero I don't care!! kung sino pa sila basta ayaw ko makipag date sa kanila at kahit kanino man sa kanila sa ngayon date pa lang pero darating ang araw baka arrange married na ang kasunod..