Only you

171 7 3
                                    

"Ang bagal mo naman Earl. Dali naaaaaa." Pagmamadali sa akin ng bestfriend kong si Jia.

Tatlo kaming magkakaibigan. Si Sean, Jia at ako. Parang Harry Potter, Ron at Hermione. Si Sean kasi nililigawan si Jia ngayon at malakas ang kutob ko na kaya ako minamadali nitong si Jia ay dahil sasagutin niya na si Sean.

"Sasagutin ko na siyaa! Okay lang ba?" Excited na tanong ni Jia sa akin. Tinanguan ko lang siya at nginitian. Nasasaktan kasi ako. Bakit ganun? Matagal na kong nagpaparamdam sa kanya pero hindi niya napapansin. :(

Ako nga pala si Earl Lim, isang 4th year student. Mula pagkabata magkakasama na kami, at hindi kami napapaghiwalay. Simula nung nag-grade 5 kami, naging crush ko na si Jia hanggang sa naging love pero lagi akong naduduwag at hindi naman ako makaamin sa kanya kaya ayan tuloy naunahan na ako. Tss.

Magkapitbahay kasi kami ni Jia kaya sabay kaming pumapasok araw-araw. Pagdating namin sa school. 

"Hi miss beautiful. Flowers for you." Salubong ni Sean kay Jia.

Nagtagal lang sila ng pag-uusap hanggang sa narinig ko na yung tanong ni Sean na "Will you be my girlfriend?" At sinagot naman ito ng matamis na "Oo." ni Jia. Kung alam lang nila kung gaano kasakit sa akin marinig tong mga bagay na to e. Hay buhay.

"YES! YES! Kami na! WOOOOOOOOOOOOOOOO!" Masayang sigaw ni Sean tapos niyugyog yugyog pa ako. Tuwang tuwa sila pareho, at ayaw ko namang ii-spoil yung pagdiriwang nila kaya nakitalon at nakisaya na rin ako sa kanila kahit na ayaw ko talaga. Kasi gustong kong magwala dahil yung babaeng matagal ko ng mahal, eto sa harap ko tuwang tuwa dahil may boyfriend na siya. </3

Lumipas yung mga araw na same routine kaming tatlo pero minsan naO-OP ako kasi ang sweet nila palagi, sinusubuan nila ng pagkain yung isa't isa tapos ako forever alone. 

"Pre naman kasi, bakit ba ayaw mo pang manligaw? Stuck ka pa rin ba kay Rose?" Pang-aasar ni Sean sa akin. 

"Ano ba yan Earl! Move on move on din pag may time!" Sabi ni Jia sa akin. Tsss. Kung alam mo lang kung bakit. Si Rose kasi yung ex ko. 1st year HS nung naging kami, nag-break din agad dahil malandi siya. Naging crush ko lang si Rose, ewan ko kung bakit ko niligawan yun e. Sigurp dahil gusto ko lang makalimutan si Jia, alam ko masama pero hayaan niyo na. Hindi din naman ako minahal ni Rose e. :)

"Tss. Matagal na kong naka move on no. May hinihintay lang ako. Sige, una na ko sa inyo." Sabi ko at umalis na sa cafeteria. Umakyat ako sa rooftop para magpahangin. Tutugtog kasi sa program bukas. Pianist ako and at the same time vocalist ng school band. Yung kanta ko, I'll dedicate to Jia pero siyempre hindi ko sasabihin. Baka mamaya bugbugin ako ni Sean pag ginawa ko yun.

MVP si Sean, hindi naman kasi siya into Music. Sporty type of guys kasi siya habang ako Music Guy at hindi sporty. Kaya sikat si Sean, every girl's dream ika nga. Kaya wala talaga akong binatbat dun.

Mas okay na sigurong ganito. Kaysa masira pa yung friendship namin. Masaya na ako na nakakasama at napapatawa ko si Jia kahit alam ko na yung puso niya hindi magiging akin.

Performance Day na ngayon at nandito si Jia at Sean sa backstage. Chini-cheer ako. Ganito sila palagi, mga supportive bestfriends e. =)) 

"Galingan mo ha? Ichi-cheer ka namin ng bonggang bongga! Di ba hon?" Sabi ni Jia. 

"Oo naman hon. Siyempre, same routine!" Sabi ni Sean sabay yakap kay Jia. Sige lang, gawin niyo yan sa harap ko! Urggghh. :((

"This song is dedicated to a special girl. Hey, I hope you're listening."

One-Shot stories. &lt;333Where stories live. Discover now