Library

195 4 0
                                    

I never had a dream come true --Yumi Horca

Yumi's POV

Ako si Yumi Horca. Isang bookworm. xD 

Tambay ako sa library kaya paborito ako ng librarian namin. Si Ms. Marcos

May libro doon na ipinapatago ko sa librarian. Makapal yung libro. Natapos ko na pero inuulit-ulit ko.

Ako lang ang laging nagbabasa nun at okay lang naman kay Ms. Marcos. Hindi kasi pwedeng hiramin ang libro kaya tuwing free time or lunch break, binabasa ko yun.

Nagulat nga lang ako nung isang beses. May nakaipit na note sa libro. Hm? May ibang nagbasa nitong libro na to?

Hi. =)

-_________________-"  

Malandi tong naglagay nitong note na to. XD Pati ba naman sa libro nagiiwang ng mga ganto? Pero sosyal naman ang gamit na papel, shiny tas yung mabangong paper? xD

Parang sa mga bus at cubicle lang e. Kulang na lang yung cellphone number or yung hanap katextmate chuchu. xDD 

Tinuloy ko lang yung pagbabasa kaso nagbell na. Inipit ko na lang uli ang bookmark ko sa huling page at nilapag na sa table ni Ms. Marcos.

"Ma'am thanks. Balik na lang po ako mamaya." Bati ko at bumalik na sa classroom. 

Pero habang pabalik ako doon, natanaw ko siya. *O*

Si Jerome. Ang aking crush since grade 6. :3

4th year na ko ngayon. Wahahaha. xD

Oh di ba? Napakaloyal ko. :")

Kaso di naman ako mapapansin niyan. -______-"

Ako tong si Miss Bookworm pero siya si Mister Soccer Team Captain.

Kasama din siya sa swimming team. Maraming nagkakagusto diyan. All in One package na kasi.

Dumiretso na ko sa klase at nagsimulang mag daydream. Hahahaha. Yan wala tuloy ako naintindihan sa klase. Nagdaan ang mahabang oras ng di naman ako nakinig. xD

Ang gwapo kasi ni Jerome. Enebeh. >////////<

Nung lunch break, bumalik ako sa library at ayun. May note na naman. Urgh. -_-

Hey miss. Peanut ka ba?

Lakas ng trip netong taong to. -______-"

Binuklat ko na sa part na may bookmark.

Kasi PEANUTibok mo ang puso ko. ;)

Mga nilalang talaga ngayon no? Masyadong mga ewan. xD Pati ba naman sa libro nanlalandi.

Everyday I receive notes like that. Di ko ng sure kung para sa akin talaga yun e. 

Kasi di ba? Di naman sa akin yung libro na yun. At malay ko ba kung sino naglalagay nito dito.

"Ms. Marcos. Sino po ba ang iba pang nanghihiram nitong libro na to bukod sa akin?" Tanong ko.

"Ha? Wala naman iha. Bakit?" Sagot niya.

"Ah wala po. Sige po. Salamat!" Sabi ko at binuklat na ulit ang libro.

May isa na namang note.

Alam mo ba ang lungkot lungkot ko.

I flipped the page again.

Kasi hanggang ngayon wala ka pa rin dito sa tabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One-Shot stories. &lt;333Where stories live. Discover now