CHAPTER 02

152 2 3
                                    

ERIKA AVA WATTON POV

Masama ang tingin ko sa dalawang kapatid ko dahil anong oras na mga hindi pa gising.

"GOOD MORNINGGGGGG." - sigaw ko na kina tayo nilang dalawa.

Si kuya Kai pa nga muntik ng matumba buti na lang ang likod niya pader na.

"Bakit nanaman? Kay aga aga Ava jusko!"

May pagkairitang sabi ni kuya Erik na kinahiga niya ulit sa kama niya.

Ganun din si Kuya Kai, kaya nanlumo ako lumabas ng kwarto nilang dalawa.

Sinadya talaga ni Tatay at Nanay na maging tatlo ang Kwarto sa maliit namin bahay dahil kahit daw maliit basta may mga privacy parin kami.

Kaso ako lang ang babaeng anak kaya solo ko ang kwarto.

Nang makita ni Tatay na malungkot yung mukha ko ay agad siyang tumayo at ginulo ang buhok ko.

"Yung mga kuya mo talaga, sige na tulungan mo na yung Nanay mo at ako na tatawag sa mga kuya mo."

Tango tango lang ako at agad na pinuntahan si Nanay na nag hahanda na ng almusal namin.

"Kaishin Watton, Rikardo Watton hindi kayo babangon?"

Pagkasabi ni Tatay yung buong pangalan nila ay nagkatinginan kami ni Nanay dahil wala pang ilang minuto nag uunahan na sila umupo sa upuan nila.

Nagtawanan lang kami ni Nanay dahil sa kinikilos nung dalawa kong Kuya.

Ayaw lang talaga nila Nanay at Tatay na magising kami ng 7 pataas, dapat 6 or 6:30 gising na kami at nakakain na ng almusal.

Sinasanay na kami kung sakali nasa trabaho na kami ay hindi kami tatamarin gumising.

May pasok man o wala dapat gumising ng ganun oras, kung matutulog ulit dahil walang pasok ay tapusin ang gawaing bahay bago magpahinga or matulog.

"First day mo na Ava sino maghahatid sayo?"

Biglang sabat ni Nanay ng pagkatapos namin kumain.

"Nay, hindi pa naman po ako nakakagraduate, kaya sabay pa po kami ni Erika na pumasok." - Kuya kai said.

"Ay oo nga kailan ba graduating mo?" - Sabay ni Tatay.

"Limang buwan pa po Tay."

"Malapit na, May inaasikaso kapa ba?"

"Tay alam mo naman po na scholar ako ng mga Fletcher diba? Kaya wala po akong gagawin at babayaran kundi ipractice ang speech at yung paglalakad lang namin."

"Swerte talaga natin dahil nakapasok kayong tatlo sa Scholar."

"Balita ko po, kapag may isang scholar sa isang pamilya bawal na mag scholar pa ulit."

Napatingin kami sa pinto dahil may biglang pumasok at dala dala ang tupperware.

Namula yung mukha ni Kuya Erik dahil ang napakagandang Girlfriend niya ang nagsalita kanina.

Agad naman tumayo si Kuya at inakay si Ate na umupo sa tabi niya.

"Pasensiya na po at pumasok ako, bukas po kase yung pinto at ayoko pong istorbohin kayo lalo na alam ko pong nakain kayo."

"Ayos lang ija, alam mo naman welcome na welcome ka dito."

"Salamat po! Ito nga pala yung pinabigay ni Mama na ulam, umalis na po kase yung nakakabata kong kapatid, pupunta na sa condo niya kaya nagpaluto siya ng ulam para dalhin kaso napakarami at hindi namin mauubos kaya bigyan na lang daw po kayo."

Desperate Woman (Fletcher Series 3) - OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon