Setyembre 14, 1998
May isang dalaga dalang-dala niya ang kaniyang unang anak sa Prinsipe ng Riverdale. Kahit ayaw niya sa lalaki dahil alam niya mga illegal na ginagawa nito sa loob at labas ng kaharian ngunit wala siyang magawa dahil inaakala ng iba gusto lang pansinin siya ng Prinsipe at kinabukasan ay nalaman niya ang kasundoan ng kaniyang pamilya at ang pamilya ng Prinsipe.
Pagkatapos ng ceremonya ay gumawa ng paraan ang inang reyna para mabigyan agad siya ng apo. Ilan araw ang dumaan ay nahihilo at nagsusuka na siya kaya pinatawag ang opisyal na manggagamot para suriin siya, pagkatapos masuri ay nalaman niyang nabuntis siya at sabi ng manggamot ito ay dahil sa isang tsaa na makakainit ng kanilang katawan at nagdala sa kwarto nilang dalawa na hindi naman talaga nila ginagamit.
Ngayon ay ika anim na buwan na at malapit na kaniyang kabuwanan ngunit hindi ito masaya, hindi dahil sa bata nasa sinapupunan niya kundi hindi na siya makakaapak pa ulit sa paaralan at makapagtapos man lang.
-
Oktobre 21, 2003
Ngayon tinalaga ang bagong hari ng Riverdale at ito ay si Haring Win Fenrich Guillaume at ngayon ay ikatatlong kaarawan ng kaniyang unang anak na si Prinsipeng Allarick. Ngunit ang nangyari ay patayan at nagprotesta para paalisin ang kaniyang asawa bilang hari ng Riverdale. Dahil sa pangyayari walang ni isang bumati sa Prinsipe, ngunit umaasa siyang babatiin siya ng kaniyang Ina sa kaniyang kaarawan. Habang siya ay nasa harden upang pumitas ng bulaklak para sa kaniyang Ina ay hindi niya inaasahang makatanggap ng bato hugis puso na may letrang A & M mula sa di kilalang batang babae at bigla itong tumakbo.
Pagkatapos ng kagulohan ay umuwi siya ngunit isang hindi maganda Ang nangyari kaya pumunta siya sa madilim na sulok at nag-simulang umiyak dahil naririnig niya ang pag-aaway ng kaniyang magulang. Habang malabong tinitingnan ni Allarick ang kaniyang magulang napatayo siya dahil sa malakas na sampal mula sa kaniyang Ama. Agad niya nilapitan kaniyang Ina at hinarap ang kaniyang Ama ngayon ay walang paki-alam sa kanya pero makikita sa mata niya ang galit at lungkot.
"WALA KANG KARAPATAN SAKTAN ANG INA KO!" Galit na sigaw ni Allarick at tinulak ang kanyang Ama.
Lumapit siya sa kaniyang Ina at pinunasan ang mga luha nito. Niyakap siya ng kaniyang Ina at narinig na niya ang hinihintay niyang smga salita na galing sa kanyang Ina at ito ang gusto niya marinig sa mismong kaarawan niya batiin siya ng mga minamahal niya.
"Maligayang Kaarawan, Anak ko," Sabi ng Reynang Quira at deritsong tumingin sa Hari na hindi pa rin nakatayo mula sa tulak.
Kaya tumayo ito at tinulongan siya ng kaniyang anak kaya kahit masakit ang katawan niya at buntis siya ngumiti ito sa kaniyang anak na Prinsipe at hinarap ulit ang Hari na may tapang.
"Mula ngayon, ako na bagong tinalaga na Reyna ng Riverdale ay aalis na sa pwesto at dadalhin ko mga anak ko sa malayong lugar!" Matapang niyang sinabi.
"Hindi mo pwede gawin yan!" Sigaw ng Hari.
Napataas ang kilay ng Reyna at humakbang palapit sa pinto kasama ang kaniyang unang anak na si Allarick.
"Talo man ako sa mga bagay na gusto kong abutin, ngunit panalo naman ako sa pagmamahal ng aking mga anak." Mahinahon na sinabi ng Reyna at tuloyan na umalis kasama ang kaniyang anak.
Pumunta muna sila sa bahay ng babae, nung una hindi niya ito na pansin dahil iyong bahay lang nila ay ginawa sa kapoy at dahon ng buko ngunit ngayon may ginintoan na mga bagay-bagay.
"Anong ginagawa mo dito?"
Lumingon ito kung saan nagmumula ang boses, nakita niya ang kaniyang Ina hindi maganda ang awra nito ngayon.
"Abuela!" Masayang tinawag ni Allarick ang kanilang Lola at niyakap niya ito ngunit tinulak lang ng matanda.
"Mamma!" Gulat at galit ang pagtawag nito sa kaniyang Ina at nilapitan ang kaniyang anak na ngayon ay umiiyak sa sakit.
"Wala kang karapatan gawin yon sa anak ko!" Galit na sinabi nito na may halong pagbabanta.
Hindi niya ito naiintindihan dahil kahapon naging maganda ang trato nila sa kanila mag-iina at sa kaniyang asawa.
"Wala akong anak na taksil at talagang nagrebelde ka pa!" Galit na sabi ng kaniyang Ina at sinampal siya.
"Bakit mo ba kami ginaganito?" Tanong niya sa kaniyang Ina. Hindi niya ma iwasan mapaluha.
"Bakit? Maayos naman tayo kahapon, Mamma," Nagugulohan niyang tinanong sa kaniyang Ina ngunit sampal lang na tanggap nito.
"Balikan mo ang asawa mo, mawawalan' kaming matitirhan at mga ginto!" Utos ng kaniyang Ina. Nagulat ito at tumawa.
"Talaga ba, Ina? Kayamanan lang ba mahalaga sayo?" Hindi kapaniwalang tanong nito sa kaniyang Ina at tumayo kasama kaniyang anak.
"Kainin nyo lahat ng kayamanan na meron kayo pero ito tatandaan nyo, hinding-hindi na ako at mga anak ko aapak ulit sa Riverdale!" Galit nitong sinabi at tumalikod na.
"Anak, paano na kami ng Ama mo? Mamatay kami sa gutom," Nakiki-awang tanong ng kaniyang Ina kaya napahinto sila mag-iina.
"Na isip mo ba kung paano naman ako at mga anak ko? Alam mo ba haalos kunin na kami ng liwanag dahil sa pag-aabuso niya sa amin!" Galit nitong sinabi sa kaniyang Ina.
"Ito na ang huli nyo kami makikita ng mga apo ninyo, paalam, Ina." Walang gana nitong sinabi at umalis na sa bahay nila kasama ang kaniyang anak na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
Sinusubokan nila ang sarili ng Reyna lumaban at gumanti dahil sa kinakaawa, inaapi at inaapakan pagkakatao nito. Hindi man siya ang gagawa ng aksyon pero itong mga anak n'ya lalong-lalo na itong pinagbubuntis niya, sisiguradoin Niya na magbabayad kayo!
"Humanda ka, Win, alam ko mga sekreto mo." Matapang niyang sinabi sa kaharian dahil matatanaw lang ito dito sa bundok.
-
May ibang tao ang dali lang nila ilagay sa posisyon ang kanilang mga anak sa mga taong maari pala makasanghi ng masamang karanasan at may iilan pa na pinipilit nila ang bagay kahit ayaw talaga. Paano naman mga gusto nila sa buhay? Naging maginhawa nga buhay nyong magpapamilya pero yung taong taong binigay ang sarili dahil sa kagustohan para maibigay lang, kinamusta nyo ba? Inalam nyo ba nasasaktan ba sila o sinasaktan?
Paano naman kung ginamit ka lang pala para yumaman sila at kapag yumaman na sila hindi ka na kailangan pa. May pag-asa pa ba na papatatawarin mo sila at babalik ka para maghiganti? Ano ba mas importante sayo at dapat ba talaga pumili? May pag-asa ba maayos ang magulong buhay noon, meron pa ba o malabo na dahil sa kapangyarihan?
BINABASA MO ANG
Unknown Daughter Of The King
RandomMay isang pangyayari na hindi inaasahang mangyayari, nagkagulo sa Riverdale Fortress puro patayan at sakitan ang nagaganap dahil sa pamamalakad ng Haring pinapangalang Win Fenrich Guillaume. Kung kaya't hindi na nag-dalawang isip ang kaniyang asawa...