Aldith's POVS
Dahil sa pagkadapa ay nagising ako at tumingin sa mga pagilid sa kwarto, pananginip lang pala ang lahat tapos bakit si Oldie nasa pananginip ko? Habang iniisip ko 'yong pangyayari ay may narinig akong maingay sa bintana, hindi ako umimik at nagobserve pa.
Si Tita ba itong may ginagawa sa bintana ng kwarto ko? Tumayo ako at sinilip kung sino ito, naghihinay ako sa kilos ko para hindi niya ito malalaman tapos- totoo ba itong nakikita ko? Lalaking sobrang pula ng mata at wala itong suot... Tahimik ako naglakad papunta kay Ate Mira dahil siya ang katabi ko matulog ngayon gabi.
"Ate, gising." Mahina kong sinabi at tinatapik ko braso niya ng mahina at nalaman Kong gising na siya ay hininto ko pagtatapik.
"WAHHHHHHH!!!"
Mahina ko na nga siyang tinapik tapos sisigaw lang siya ng malakas? Nag-sign ako na huwag siya maingay at tumahimik muna siya.
"May lalaking walang saplot sa may bintana sinusubokan nito sirain ang bintana." Mahina kong paliwanag sa kanya kaya tumayo ito at kinukuha na namin ang metal na tubo at nagdasal.
"Odette, doon ka dito ako sa pinto." Utos nito kaya sumunod ako at puwesto na.
Ilang oras ay narinig namin ang tunog ng sasakyan para bang pinatest nito kung may gising pa ba o natutulog na mga tao. Nagdasal kami at pinapakinggan kung saan na ang ingay at doon iyong sa may roof at biglang nawala ang ingay.
Nakita ko sinusubokan niyang buksan Ang pinto pero di niya ito mabuksan, God, help us. Huminto ito at parang sa kwarto ni Lola ang subokan buksan parang hindi ito successful kaya ito na naman siya sinusubokan na naman ulit at ni ready ko ang spray pero sumigaw na si Ate Mira habang umiiyak kaya sinabayan ko siya Kasi alam ko maririnig agad ni Lola sa kabila.
"Hello, pulis? May walang hiya pumasok sa bahay namin, oo nandito pa siya!" Rinig kong sigaw ni Lola.
"Malapit na kayo? Magdala kayo ng tanod para hulihin to," Dagdag nito.
Narinig namin may lumabas at narinig namin boses ni Lola sa labas kaya lumabas na kami.
"Abuela," Pagtawag namin at niyakap kami agad at lumabas kami sa bahay.
Hindi ko maiwasan umiyak dahil malapit may mangyari sa amin ni Ate. Habang umiiyak pa kami ay saktong dumating si Papa.
"Ayos ka lang ba?" Pag-aalalang tanong nito sa akin at chineck ang katawan ko.
Hindi ko magawang sumagot sa tanong ni Papa, tinitignan ko lang ito.
Nag-umaga na at kailangan namin lahat pumasok kahit wala kaming tulog dahil exam ngayon. Bakit ganon natatakot na ako makipag-usap sa mga lalaki?
"Tara na, Odette." Mahinahon na sinabi ni Papa at na una na sa sasakyan kaya sumunod na ako.
Breath in, breath out, kaya ko to kinaya ko nga mag-training kahit mahirap.
"Huwag ka aalis ng paaralan kung hindi pa ako dumating, maliwanag?" Babala ni Papa kaya tumango na lang ako.
Tinitignan ko lang mga paligid habang nasa byahe, ayaw ko mag-isip tungkol doon baka masira lang ang araw ko. Habang hinihintay ko dumating kami ay biglang nag-text ang production para sa virtual show namin ni Oldie.
"Pa, magshoshooting na kami para sa variety show namin,"Sabi ko.
Hindi ko alam bakit ko sinabi sa kanya alam ko naman payag siya at laging nand'yan kapag kailangan ko. Siguro para aware lang siya, ano ba 'tong na iisip ko pati dito na ayaw ko pa naman.
"Wala ka bang balak bumaba at pumasok?" Tanong ni Papa.
Napabalik ako sa realidad dahil sa boses nito, tinignan ko ang oras 7:30 AM na kaya tumakbo ako agad dahil LATE NA LATE NA AKO!
BINABASA MO ANG
Unknown Daughter Of The King
RandomMay isang pangyayari na hindi inaasahang mangyayari, nagkagulo sa Riverdale Fortress puro patayan at sakitan ang nagaganap dahil sa pamamalakad ng Haring pinapangalang Win Fenrich Guillaume. Kung kaya't hindi na nag-dalawang isip ang kaniyang asawa...