CHAPTER TWO

40 19 61
                                    

ALDITH'S POV

Ilang buwan rin ang nakalipas, parang kahapon lang nangyari ang pag-iwan niya sa akin na walang dahilan. Nandito pala ako sa balcony nakakatula habang tinitingnan ang mga kalsada. May nakita akong lalaki pamilyar ito sa akin at ang kasama niyang babae.

GAG— SI ATE FLEUR! Sino naman yan kasama niyang lalaki? Mukhang si ate lang masaya tapos 'yong lalaki walang reaction, kalmado lang ito nakatingin sa ibang direction. Siya na kaya ang boyfriend ni Ate?

"ODETTEEE!!!!!!"

"KYAHHH! YOU WIN THE TIARA!"

"IKAKASAL KA NA!"

Isa-isa nila ako hinatak papunta sa sala at nanonood ng TV. Tinignan ko maigi.

"TEENAGE MATCHMAKERS?!"Gulat kong tanong sabay tingin sa kanila na ngayon habang naka-peace sign.

Tinignan ko ang votings at nakita ko agad ang peace sign nila. Ano ba mga na kain nila at ginawa ang bagay na 'yan?

"Tignan mo sino magiging asawa mo," Utos ni Ate Mira.

Tinignan ko naman, may picture mukha siyang Prinsipeng walang itong re— TEKA NGA LANG.

"AYOKO!" Patanggi kong sigaw at daling-dali bumalik sa kwarto.

Pumunta ulit ako sa Balcony, nagtataka ako bakit siya nag-iisa? Paki-alam ko.

"Alam kong gwapo na ako kaya huwag na masyadong tumitig," Malakas niyang parinig.

Napatingin ako sa paligid ko ngunit walang tao kaya tinuro ko sarili ko, ayos tong lalaki to ha? Kuhang-kuha inis ko.

"Ako ba?" Kunwari kong tanong sa kanya. Nakita ko naman ang pagtango niya.

"Oo, may kaparusahan pa  naman ang ginawa mong pagtitig sa akin, akala mo ba hindi ko alam?" Sunod-sunod niyang pagkasabi.

Ha? Gusto ko na lang tumawa dahil sa inis, ang tanda na nya para sa ganiyan. Tinaas ko ang aking maliit na kamay, kita ko pagngisi niya.

"Okay, I got it,"Ngisi niyang sinabi.

Anong I got it? Iniinis nya ba talaga ako, hindi dahil prinsipe itong kaharap ko, hindi ko na to babalian ng buto.

"A pinky promise means making a commitment, just like how you promised to accept the punishment." Pagpaliwanag nito.

Anong pinky promise, ginawa ko yon dahil hindi ko pwede itaas 'yon gitnang daliri ko! Hinding-hindi magiging promised to accept the punishment! NEVER!

"Hoy!"Tawag ko sa kanya.

Napataas naman kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Hindi promise yon, tang'na mo!"Sigaw ko at pumasok sa bahay.

Nanggigil ako sa kanya, kulang na lang paulanan ko ng pana. Magiging asawa pa sa teenage matchmakers na yan? Wag na, mamatay muna kuko niya sa paa.

"ODETTE!" Rinig kong sigaw ni Ate Fleur.

Aldith hindi Odette kaka-ml n'yo yan.

"Po?" Sagot ko pumunta kung saan siya.

Nakita ko may dala siyang tray, pagkain. Akin ba ito lahat? Ngumiti ako sa kanya at kukuha na sana pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko.

"Hindi ito para sayo, dalhin mo ito sa bisita nandoon sa labas,” Utos niya.

Huwag mo sabihin para sa tanda itong masasarap na meryenda? Hindi pwede, sino ba sya sa inaakala niya?

"Ayoko," Mabilis kong sagot at tatalikod na.

May kamay naman siya at taska boyfriend niya iyong siya dapat magdala doon kasi bawal sa amin gumawa mga bagay para sa lalaki. Dahil hindi namin ito kamag-anak o kasintahan ko man lang at hindi iyong mangyayari.

Unknown Daughter Of The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon