ALDITH'S POV
Simula nung pinanganak ako hindi ko pa kilala tunay kong Nanay at Tatay. Sabi nila habang binubuntis ako ng totoo kong Nanay ay sinasaktan daw yung totoo kong Nanay at si kuya. Hindi ko tuloy ma-iwasan isipin, bakit kaya ganon Tatay ko? Hindi ba siya nakaranas ng tunay na pagmamahal?
Habang malalim iniisip ko ay biglang may tumabi sa akin at napabalik ako sa wisyo at hindi ako gumalaw. Kung sino man to humanda siya sa akin kung may mangyari na masama sa akin.
"Odette," Narinig ko tawag ng katabi ko sa akin kaya mabilis ko nilagay kamay ko sa leeg nito at isa kong kamay ay may hawak na kuts'lyo na desinyo ito parang ballpen at nilapit ko ito sa gilid nito.
"H-hoy, e-easy ka lang." Nauubo na sinabi ni Oyster sauce. Binitawan ko agad at tinago ang matalim na bagay.
"Ano ba sadya mo sa akin? Walang karoling dito 'di pa pasko," Pilosopo kong tanong sa kanya.
Si Caroline na naman hinahanap nito sa akin, mukha ba akong lost in found area?
"Hindi 'yon—" Naputol ang dapat sasabihin ni Oyster sauce pero hindi na tuloy dahil sa tinaponan kami ng mga basura at binasa.
"Ito dapat sasabihin ko," Takot na sinabi ni Oyster sauce.
Kalalaking tao takot tapos sa pakikipaglaro ng baril-barilan hindi natatakot, umaakting ba 'to?
"Bagay yan sa inyo ang smelly nyo kasi akala ko taponan ng mga basura," Maarteng sinabi nito sa amin na kinatawa ko.
"Alam nyo ba ang smelly kili-kili at bibig nyo kasi 'yon, gets?" Pagtatama ko.
"Anong smelly, mahal-mahal ng toothpaste at deodorant namin?!" Galit na tanong nito sa akin.
"Sige, tatawag ako ng tatlong estudyante aamoyin ang hininga at kili-kili natin kung mabaho 'yong sayo aalis ka dito sa school na to at kung ako naman ang mabaho kami Ang aalis pero kakainin nyo tong paaralan na to." Paliwanag ko at tatawag na sana ng tatlong estudyante pero pinigilan niya ako.
"Huwag na, aalis na kami." Inis nitong sinabi at aakmang aalis na sana pero hinila ko ito kaya napahinto ito at galit tumingin sa akin.
"Hindi pa ako tapos sayo tapos natatakot ka?" Inis kong tanong kaya napa-cross ito ng kamay.
"Ano ba gusto mo?" Naiiritang tanong nito sa akin kaya ngumisi ako.
"Simple, clean this mess at be environmental friendly ka naman role model ka pa naman dito." Utos kong sinabi at tinuro mga basura sa paligid at sa damit namin.
Bakit tahimik itong nasa likod ko? Tinignan ko ito binigyan lang ako ng malokong ngiti at thumbs up kaya napairap ako.
"Ano na?"Na iinip kong sinabi ngunit Wala sa kanila nagtangkang maglinis.
Ganon, sinasayang nyo oras ko ngayon.
"Kung ayaw nyo, I will immediately report this mess to your father!" Pagbabanta ko at hinanap ang contact number ng father niya.
"P-paano m-mo n-nakuha—" Hindi na niya tinuloy at nagsimula na siyang maglinis kasama mga trolls nito.
"Akala ko hihiwain na katawan ko sa kanila," Kunwaring takot na sinabi nito sa akin at humahalakhak kaya binatukan ko ito.
"Ikaw, kaya mo naman yan pagsabihan mga yan hindi mo pa na gawa." Sermon kong sinabi sa kanya at inaalis ko mga basura sa uniform ko.
"Lalaki ako at ikaw lang nakita ko tulala dito kaya sayo na ako magpatulong sana kaso sinakal mo ba naman ako at hindi ako pumapatol sa babae," Paliwanag nito sa akin kaya sinamaan ko ito ng tingin para tumahimik.
BINABASA MO ANG
Unknown Daughter Of The King
RandomMay isang pangyayari na hindi inaasahang mangyayari, nagkagulo sa Riverdale Fortress puro patayan at sakitan ang nagaganap dahil sa pamamalakad ng Haring pinapangalang Win Fenrich Guillaume. Kung kaya't hindi na nag-dalawang isip ang kaniyang asawa...