CHAPTER THREE

36 13 41
                                    

Aldith POVS

Dahan-dahan ko binuka ang mga mata ko dahil sa sikat ng araw, iniikot-ikot ko ang paningin sa kwartong hindi naman ako familiar. Tumayo na ako at inaayos ang sarili pati na ang higaan. Saan ako at na kidnap ba ako?

Ang naaalala ko ay nasa labas ako malapit lang ba yon sa amin kasi dahil sa magulo kahapon. Hindi naman ako lasing kahapon at naalala ko may tao sa harap ko? Ang sakit ng ulo ko na untog ba ako? Sino nga yon tao na yon?

"Gising ka na pala," Isang familiar na boses ang narinig ko at tinignan ito.

Bakit nandito siya? Siya ba ang taong kumidnap sa akin? Kidnap ba tawag nito o Hindi? Tinignan ko ito ng mabuti magluluto pala to, bahala na nga basta baka tulog ako.

"Tulongan na kita," Sabi nito.

Tinignan ko siya at umiiling-iling para malaman niya sagot ko, napakaswerte naman nitong lalaki na ito siya una makatikim ng first dish na lulutoin ko. Sinusunod ko na mga dapat gawin para mapabilis hanggang sa natapos ako at tapos na.

Dinala ko na ang ulam sa mesa at umupo na, bago pa kami kumain nagdasal muna kaming dalawa hindi pwede hindi at kumain na.

"Masarap ba?" Tuwa kong tanong habang tinitingnan ito kumain ng ulam na niluto ko.

"Masarap, kapag ako nahulog sayo salohin mo ako," Sabi nito.

Napataas naman kilay ko at nagsimula na kumain, uubusan pa yata ako ng ulam nito nakakarami na siya.

"Ang sarap talaga, matagal ka na ba magluto?" Mangha nitong tanong.

First time ko pa lang magluto at siya una nakatikim, hindi ko nga alam kung nagkukunwari ba siya na masarap luto ko o kung totoo yon. Hindi naman talaga kasi ako pinapaluto baka mapano raw ang makinis kong balat. Biro lang, ewan bakit di nila ako pinagluluto.

Pagkatapos namin kumain ay siya na raw maghuhugas, katapos ay dinala niya ako sa malawak na hardin. Nagtataka ako kung bakit nandito kami pero may nakita akong mga tao na may dalang pana?

"Gagawin?" Tanong ko sa kanya ngunit ngiti lang ang tanging sagot nito sa akin sabay hila.

Manghuhunting ba siya dahil nagdala siya ng pana at palaso.

"Watch and learn." Sabi niya at kinuha ang pana at palaso sa isang lalaki.

Tinitigan ko siya paano niya gamitin iyong pana, mali pa ang position nito baka naghahanap siya ng imaginary line para tamaan ang target nito.

Tinignan ko muna siya ng maigi dahil hindi ito umaalis sa pwesto niya kaya tinignan ko ang target niya may kalayoan ito, tinignan ko ulit ito at pinana nya lang naman ito sa lupa at hindi ang target dahil mali-mali ang kanyang pwesto at hawak sa pana. Nakakatawa isipin isang Prinsipe pero hindi naman pala marunong pumana pero kung makapagyabang akala mo naman.

"Tinatawa mo dyan?" Inis na tanong nito sa akin.

Agad nawala aking tawa at tumingin sa kanya, nakakatawa naman talaga pati pagmumukha nito habang pinapana ang lupa.

"Ikaw nga, kung tinamaan mo ang target may gatimpala ka sa akin," Sabi nito.

Ako? Hinahamon niya ba ako? Isang Aldith Clothilde ay hinahamon sa ganito? Papatawa ba ito? Ang yabang ko naman sa ganito.

"Wala ka pala, dwarf," Asar nito at diniin pa pagtawag sa akin na dwarf.

Tumayo ako at mabilis na kinuha ang pana at tinutok ko sa kanya, pwede ba siya ang target? Naiinis na talaga ako dito.

"Ilan palaso ang kailangan mong gamitin?" Tanong niya habang hawak ang lalagyan ng palaso.

Tinignan ko muna ang mga palaso na babagay sa akin at gusto rin patunayan na kahit babae ako kaya ko patamaan ang target pati puso niya kaya ko patamaan para manahimik na siya habang-buhay.

"Sampung libo ba?" Pang-asar nito sa akin.

Tinignan ko ito at tinaasan ng kilay sabay hablot ng isang palaso.

"Isa lang kailangan ko." Sabi ko at kinuha ang gusto Kong palaso taska pumiwesto na kung saan nakikita ko ang imaginary line papunta ito sa target.

I stand upright and I place my feet, shoulder width apart, I point my bow down and I attach an arrow to the string. Now, I use my three fingers to lightly hold the arrow on the string.

"Tagal," Reklamo nito.

I ignored him and just concentrated on what I was doing now. English muna tayo, I point my bow towards the target. The three fingers that I use to lightly hold the arrow and now I pull the bow's drawstring back toward my face, then, I aim my own target. I finally release the arrow by relaxing the fingers on my string hand.

"Paanong-" Putol niyang sinabi at nakatingin pa rin sa target na tinamaan ko.

"Jag sa att det racker med en," Sabi ko in Swedish language.

Sabi ko lang ay, 'I told you that one is enough for it.' Natuto ako mag-swedish dahil kay Mama. Nakapunta na raw siya doon nung nagbabakasyon siya doon.

"Naririnig mo ba ako?"

Bumalik ako sa realidad ng dahil sa boses itong matanda na ito, ano ba sinasabi nito? Lumalikod ako at nagsimulang umalis sa hardin.

"Hintay!" Sigaw nito.

Hindi ko na lang pinansin at naglakad-lakad, habang naglalakad ako may nakita akong mga lalaki tuwang-tuwa ang kanilang mukha Kaya sinundan ko sila.

Nagtatago ako ngayon habang tinitingnan sila, may ilog pala dito- gold? May gold sa ilog? Palakad sana ako palapit sa dalawa ngunit may tandang ina pinipigilan ako habang ako parang aso gusto makawala sa kanya.

"Bitiwan mo ako," Inis kong utos.

Hindi siya nakikinig sa sinabi ko, oras na para umarte. Hindi naman mahirap sa akin magpalabas ng luha dahil nagkusa ito at napaupo ako habang umiiyak.

"Gusto ko lang tignan, ninakaw ba nila yan?" Iyak kong sabi sabay tanong, umiiling-iling siya at binitawan ako sabay upo.

"Siguro iniisip mo magnanakaw ako kaya pinipigilan mo ako?" Iyak kong tanong habang ang tono ay na iinis.

"Hindi, tumigil ka na sa pag-iyak." Sabi niya at pinupunasan mga luha ko.

Pag-arte ko lang pala para bitawan mo ako, bakit parang ang lungkot ng mukha niya?

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

Pilit siyang ngumiti habang pinupunasan pa rin luha ko.

"Ayaw ko lang talaga may makita akong babae umiiyak sa harapan ko," Paliwanag niya.

Ayaw ko rin may makitang lalaki umiiyak sa harap ko, naalala ko mga panahon nagkahiwalay si Papa at Mama. Magpapalasing na sya at umiiyak ng palihim o kaya sa ulan para hindi lang raw siya masabihan na mahina, walang kwenta.

"I'm really sorry for that," Sabi ko at kinuha ang panyo sa kamay niya taska lumapit papalit sa kanya para punasan mga luha sa gilid ng mata nito.

"Yan mga nakikita mo gold nga yan pero may gagawin sila mga bagay kagaya ng kutsara, bangko, at iba pang bagay." Pag-iiba niya at tumayo.

Masakit siguro nangyari sa buhay nito, na guguilty tuloy ako. Malay ko ba kasi gusto lang naman makawala at tumingin kung totoong gold iyong nilalagay nila sa ilog.

"ODETTTEEEEEE!"

Napatingin ako kung saan iyong tumawag sa akin, agad-agad naman ako tumayo taska patakbo kung saan 'yong tumatawag sa pangalan ko ngunit- NADAPA AKO?!

Unknown Daughter Of The KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon