love is waiting - chapter 2

208 3 6
                                    

kasi ikaw unang nagcomment sa story na to :D super duper as in much THANK YOU :D

Chapter Two

Richard and Liz had been together since high school, hindi pa official ang relationship nila noon, but they have confessed to each other na may pagtingin sila sa isat-isa. Close ang pamilya nila, kaya pabor din ang mga ito, kung magkaroon man sila ng relasyon.

They met in a family gathering, birthday ng nakababatang kapatid ni Richard, buong pamilya ni Liz ang pumunta sa party and doon na nga sila napakilala sa isa’t isa. Naging magschoolmate sila noong high school, ahead ng 1 year si Richard kay Liz.  Nasa Journalism Club si Liz habang varsity si Richard ng basketball. Naging close ang dalawa nung kinailangan ni Liz na magkaroon ng article about sports sa kanilang School Paper and dahil Team Captain si Richard, nagkaroon sila ng one-on-one interview ni Liz.

“Magiging maganda ang article ko sa School Paper natin.”, pabirong sinabi ni Richard kay Liz noong kinapanayam siya ng huli tungkol sa achievements ng kanilang team.

“Opo, Captain!”, nakasaludong sagot ni Liz kay Richard.

“Nabanggit ko nga pala kay mama na i-interviewhin mo ko at pinagbilin niya sakin na dumaan ka muna raw sa bahay pagkatapos nito, matagal ka na raw niyang hindi nakikita”

“Oo nga, Grade 6 ko pa noong huling nakita si Tita Cherrie, its been three years, pero kailangan ko munang magpaalam sa bahay na mas mala-late pa ako ng uwi.”

“And that’s another thing sa bilin ni mama, ‘wag ka na daw mag-alala dahil tatawagan niya na ang Tita Jenny para ipagpaalam ka.”, pagsisigurado ni Richard. Naglakad na ang dalawa patungong bahay nila Richard. Sa paglalakad ay mas lalo pa silang nakapag-usap tungkol sa isa’t isa.

“Liz!”, sigaw ng mama ni Richard sa pagbungad nila sa pintuan. Maamo ang mukha ni Tita Cherrie, malaporselana ang kutis at maganda ang hubog ng katawan. Hindi mapag-aakalang nasa forties na siya.

“Tita Cherrie” sabay sa pag-mamanong tugon ni Liz

“Mama” nagmano din ang si Richard.

“Tamang-tama ang inyong dating, malapit na mabake ang cookies na ginawa ko.”, ani ni Tita Cherrie.

“Mahilig pala kayo magluto, Tita?”

“Hindi naman, kaya lang, full house wife ako sa dalawa kong lalaking anak at sa aking asawa. Kaya natutunan ko na lang din ang pagluluto, at dahil sa wala ni isa man sa kanila ang may interes sa mga ganitong bagay, kaya kita pinasama dito sa bahay. Nagbabakasakali lang ako na magustuhan mo ito, at may makausap naman ako tungkol sa gawaing pamba-babae ika nga. Ang mama mo kasi masyadong busy sa inyong business.”, ika ng mama ni Richard na may halong lungkot sa mga tinig

“Ay Mama, magdadrama ka na naman sa mga bagay na yan. Wala kasi talaga ang puso ng mga lalaki sa mga ganyan.”, pag-aalo ni Richard sa ina

“Tita tama kayo, si Mama gustong-gusto niya rin na maturuan akong magluto, ngunit kailangan niya talaga asikasuhin ang business na naiwan ni Papa samin.”

“Oo nga, nabanggit niya nga sakin sa telepono, pero ikaw ba gusto mo matuto?”

“Oo naman Tita!”, masayang sagot ni Liz

“Ituturing na din kitang anak Liz! Naghahangad talaga ako ng babaeng anak ngunit hindi kami napagkalooban ng Tito Luis mo. Oh sya, tara simulan na natin ang pagluluto?” masayang-masayang sabi ni Tita Cherrie

“At ako ang tiga-kain!” ani ni Richard

“Iyon lang naman ang kaya mong gawin eh”, may pagtutuksong sabi ng kanyang mama.

love is waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon