love is waiting - chapter 7

134 2 0
                                    

Chapter Seven

Nahihiya ako kay Dennis. Napagkamalan ko siyang si Richard kanina pagkagising ko.  Nahihiya din ako dahil nabuko ako sa sarili kong mga salita. Liz doesn’t want these truths. She was still longing for Richard and that Dennis still had feelings for her even after the years na naging boyfriend niya ang best friend and cousin pa nito.

Liz was out of it.

Eto na naman siya, umiiyak, bringing back all those good memories for 6 years nilang relationship ni Richard.

“Its SIX LONG YEARS RICHARD! How could you end it just like that?  Without even saying any reason? Without even explaining it to me personally! Curse you.”, malakas niyang sigaw sa kwarto niya ngayon.  Hindi niya na kaya.

The 1st week ng break-up na ito, parang wala lang sa kanya, akala niya nabigla lang si Richard.

The 1st month she’s still keeping it up.  Iniisip niya by any second magpapop-out na si Richard and going to surprise her. Bring their love back. But no sign of any Richard.

The 2nd month.  She said, “Ok Liz, move on. MOVE ON! Theres no one coming back for you. You need to start living your life!”

And now the exact day for the 3rd month.  She wants to curse and break Richard down into pieces like what he did to HER HEART – shredded into fragments – that she never had any idea how to put it back together.

May isang bagay na madalas ginagawa si Liz sa mga panahong nagkakaganito siya.

She writes.

Kung hindi niya kayang isulat lahat ng nararamdaman niya. She will hide it in the words of her poem. Sa pagiging editor-in-chief niya sa school paper kaya sila naging close ni Richard and now its also her way para kalimutan niya ito.

Naglahong Pag-ibig

Sana’y muli kong marinig

Awit mong kay tamis at kay lamig

Tinig mong sumasabay sa hangin

Pag-ibig ang sigaw ng damdamin.

Sana’y muli mong sambitin

Pag-ibig mong alay sa akin

Pangako mong ‘di ako sasaktan

Sana’y di ito malimutan.

Ngunit ikaw ay biglang nagbago

Pinaluha’t sinaktan ako

Pag-ibig sa puso’y tuluyang naglaho

Lubusang naparam pati ang pangako.

Sabi mo noo’y ako lang ang mamahalin

At tanging aawitan ng tinig mong kay lambing

Bakit ngayo’y tila di ako nakilala

Pag-ibig ba sa aki’y sadya ngang nawala

Masdan mo ako, aking sinta

Lumuluha sa hirap at tigib sa dusa

Binulag mo yaring mga mata

Ako ba talaga’y walang halaga?

Nasan ang pangakong ako’y aalagaan?

Wika mo sa aki’y isa akong kayamanan

Ang pag-ibig mong aking pinaniwalaan

Ngayo’y hinuhukay ang aking libingan

Akala mo yata’y di ako magtatampo

Ngunit mali ka, ako’y marunong mahapo

Ibinigay ko ang lahat ng ibig mo

Wala ngang naiwan kundi pawing bakas ko

Talino mo’y tila may hated na lason

Inilulugmok ako’t hindi binabangon

Inaakay sa aking kamatayan

Kailan matatapos ang iyong kalupitan

Sa pagsikat muli ng araw

Sana’y muli mo akong matanaw

Sa pag-ihip muli ng hangin

Ibulong ang sigaw ng damdamin

Sana’y muli kong marinig

Awit ng iyong tunay na pag-ibig

Sana’y muli akong mahalin

Pangako mo sana ay tuparin.

==============================================

Note: sorry kung maikli.  Nalulungkot lang talaga ko T__T

Para to sayo. 

love is waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon