love is waiting - chapter 3

139 3 5
  • Dedicated kay Steph Gamboa
                                    

Chapter  Three

Nakita niya kung paano nag-iba ang masiglang ngiti ni Liz para sa lahat at napalitan ng isang mukhang puno ng curiosity. Siguro naisip niya, makikipagbalikan na sa kanya si Richard. I hope kayanin niya kung hindi, nasa-isip ni Dennis.

Dennis was there nung sinabi ni Jayson na may call si Liz from Richard. He knows the whole story, their whole love story, even the behind stories na hindi alam ni Liz, especially ngayon, mas alam niya ang lahat at isa siya sa mga tauhang gaganap sa new page of life ni Liz.

Richard and Dennis is bestfriends since elementary, not only bestfriends but they’re stepcousins.  Illegitimate child si Dennis ng uncle ni Richard, but because siya lang ang naging lalaking anak nito even sa tunay na asawa, pinalaki at pinag-aral niya si Dennis sa kanyang pangangalaga. Dennis knew the real reason, kailangan ng lalaking pagmamanahan ng kanyang pamilya and he also recognized na kahit kinupkop na siya nito matapos mamatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya, hindi siya tanggap ng pamilyang kanyang kinabibilangan. 

Noong bata pa siya, dumalaw sa kanilang bahay ang family ng Papa niya, pinagbawalan siyang lumabas ng kanyang kwarto, he needs to be there till they left. Suddenly, his room swung open, a little boy in his age came upon him. It was Richard.

“Hello, may tao pala dito, I’m Richard, pasensya na kung pumasok ako sa kwarto mo, pero ayaw ko kasing manatili dun sa sala. Ok lang ba kahit magtago muna ako dito?”, wika ni Richard

“O..Ok lang, ako naman ayaw nilang pababain sa sala.”, sabi niya sa unang bisita nila na nakilala niya. Nakasuot ito ng magarang damit at hindi mo mapagkakailang kamag-anak nga ito ng papa niya dahil may pagkakahawig din ito.

“Ako nga pala ulit si Richard Abuel, ikaw anung pangalan mo?” tanung nito sabay ang paglalahad ng kamay sa pakikipagkilala.

“Dennis. Dennis Abuel ang pangalan ko.” Nagulat ito nung sabihin niya ang kanyang apeylido. 

“Abuel ka din pala! Marahil ay magpinsan tayo? Ngunit bakit wala ka kanina nung ipakilala ang mga kabataan sa pamilya? May sakit ka ba kaya ayaw ka nilang palabasin sa sala?”

“Wala akong sakit. Ngunit iyon ang bilin sakin ni Papa.”, nasa isip niyang sabihin na marahil ay ikinahihiya siya ng kanyang Papa at ng pamilya nito upang ipakilala sa kanila, ngunit itinikom niya na lang ang bibig niya tungkol sa bagay na ito. Mahal niya ang kanyang Papa kahit ano pa man ang trato sa kanya nito at ng pamilya nito.

“Si Tito Romuel ba ang iyong Papa?”

“Oo, siya nga.”

“Sa pagkakaalam ko ay puro babae lang ang kanyang mga anak at hindi sila pinalad na magka-anak na lalaki ng Tita”, halata ang pagtataka sa mukha nito sa winika.

“Anak ako sa ibang babae ni Papa, hindi si Tita ang tunay kong ina.”, masakit sa loob na sabihin niya iyon. Siguro kailangan niya lang din sabihin ang totoo, mas mahirap tanggapin kapag iyon ay itinago pa.

“Ay ganun pala, wala akong hilig sa pakiki-usyoso sa usapan ng nakakatanda, madami silang sikreto at mga bagay na pinag-iisipan.” Masigla pa din ito sa pakikipag-usap sa kanila. “Kung ganoon pala, nandito din ba ang iyong mama?” Inikot-ikot nito ang paningin sa kanyang kwarto.

“Wala, namatay si mama nung ipanganak ako. Sa mga larawan ko na lang siya nakita.” Iyon pa ang isa sa mga nakalulungkot na bagay na dapat niyang tanggapin. Kinuha lang siya ng Papa niya sa ampunan kung saan siya napunta pagkasilang, mga limang taon na siya noon. Hindi na inilihim sa kanya ang kanyang tunay na pagkatao sa pagkupkop noon ng kanyang Papa.  Inilabas siya noon sa ampunan, ang pamilyang kanyang kinagisnan, akala niya isang masayang pamilya naman ang kanyang mapupuntahan, ngunit hindi. Sana hindi niya na lang ako kinuha sa ampunan, wika niya sa  isipan.

love is waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon