love is waiting - chapter 4

140 2 5
  • Dedicated kay Jamie Christine Acosta
                                    

Chapter Four

It was already past 30 minutes mula nang pumasok si Liz sa restroom after nila mag-out sa work and Dennis is now wondering what’s taking her this long.  Mula ng maibaba ni Liz ang phone call ni Richard na natanggap niya kagabi sa start ng trabaho nila, naging tahimik na ang dalaga, kahit kay Donna na best friend niya wala syang ikinuwento.

“Wala naman kaming pinag-usapan Donna”, wika ni Liz sa bestfriend.

“Hello? Bakit tatawag ang isang tao? Diba dahil may pag-uusapan o may sasabihin? Ok, I’ll change the question, what did Richard told you?”, pagpupumilit pa din ni Donna.

“Nothing. Just saying hello.”, malamyang sabi ni Liz

“That’s all?”, naghihintay pa din si Donna ng ibang sagot.

“Yes, that’s all. Stop asking.”, pagtatapos naman ni Liz

“Well Lizzie, mukang pagod ka na, siguro lets postpone our date este our breakfast for today.”, sabat ni Dennis na matiim na nakikinig sa usapan ng dalawa. He was watching over Liz sa buong gabi hanggang mag-umaga. Paglabas nito ng restroom halata ang namumula nitong ilong at mga mata na nilagyan nito agad ng shades kahit nasa loob pa sila ng office.

“Hindi Dennis, I’ll keep my word. We’ll go to breakfast, este date natin.”, pilit ang ngiti nito sa birong kanyang binanggit kay Dennis. She was really doing a good lie.

“Ok girl, I think that’s a great idea, you need to whine up.”, ani ni Donna bago nagpaalam sa pag-alis. Ayaw niya nakikitang ganon ang kaibigan niya and the worst ayaw niya din ng walang alam sa nangyayari dito. Only Liz knows kung ano pinag-usapan nila ni Richard for this past three months, kung meron man, and she was also the only one who knows kung bakit napilit siya ni Richard makipagbreak dito. Alam nga kaya ni Liz ang lahat?, Donna wonders to herself.  She knew Liz very well, Liz was the type of person na kapag alam niya ang whole statement ng problem, she can surely find a solution any way possible, Liz is a critical thinker pero with the absence of information, ayaw niya ng magpursue.

“Thanks Donna, have a safe trip way home. God Bless!”, sabi ni Dennis ng magpaalam ang una sa kanila. “Now, where do you want to eat?”, baling niya kay Liz.

“Anywhere! Do you know a great place?”, pilit pa din ang ngiti na mababatid sa mukha ni Liz. Kahit sinong makakita dito, sa kabila ng shades nito, mapagkukurong kakagaling lang nito sa matinding paghikbi na hanggang ngayon ay hindi nito mapigilan. Kasama na sa maituturing na ebidensya sa kanya ang halos basang tissue na hawak nito.  Hindi na lang ipinahalata ni Dennis na napansin niya ang itsura nito.

“Yes, kaya lang, its almost an hour ride from here, especially at this time, rush hour na Lizzie, ok lang ba sa iyo?”, tanong ni Dennis

“Lets go! I want to spend the day out, off ko tomorrow, kaya walang dapat alalahanin.”, pag-aayaya nito sa kanya.

“Well, if you want, I can accompany you for the day Lizzie Dear.”, pag-aalok ni Dennis.

“Are you sure? Hindi mo naman off bukas ha? You also need to rest may work ka pa ulit mamayang gabi.”, wika ni Liz.

“Kung ikaw lang naman ba makakasama ko, why not? I better spend the whole day with you, than spending it with my bed.”, nagpapasweet na sabi ni Dennis kay Liz

“Bola! You never fail na bolahin ako araw-araw, kung yan ang desisyon mo sige, bahala ka, always remember nasa huli ang pagsisi!” Liz knew Dennis as long as she also knew Richard. Nakikipagbiruan sa kanya ito even in office hours kahit na ba ito ang supervisor ng company nila. 

Ang family ni Dennis ay isa sa mga may-ari ng call center company kung saan sila nagtatrabaho. Dati, noong tinawag niyang “Sir” si Dennis, binatukan siya nito at sinabing, “I’m still the Dennis your friend”, kasama ang mga malalakas na halakhak. Hindi din diya nagpapatawag ng “Sir” kahit kanino sa office, first name basis din sila, kaya giliw na giliw sa kanya ang lahat.  Marami din siyang mga colleague na babae ang nagpahangin na kay Dennis ng pagkagusto, but Dennis always clarifies them that he always want to have a friend not a girlfriend and kung meron man siyang gustong maging girlfriend, it will be the first and last, halos kiligin naman ang lahat ng babae sa office kapag sinasabi niya ang mga katagang iyon.

love is waitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon