2

4 0 0
                                    

"Ano magiging plano sa paparating natin kaarawan???" Tanong ni Knight. Habang naghahanda ng makakain nilang magtropa.

Andito sila ngayon sa bakuran ng bahay ni Saint, nagbo-bonding. Ang iba naman sakanila ay nasa swimming pool na. Bida bida naman nagpadidit si Cali sa slide na parang bata. Natalsikan nito si Knight, na ngayon ay nakasimangot na. Siya na nga halos naghanda at kumilos para sa kakainin nila, binasa pa siya ni Cali.

"Cali gusto mo pritohin kita." Ani nito at dinuro si Cali, umahon naman si Cali sa swimming pool at dinuro rin pabalik si Knight.

"Ano mag duruan tayo dito, Knight. Hindi kita uurungan." Napasapo nalang silang lahat sakanilang noo at napailing iling dahil sa kalokohan ni Cali, maliban nalang kay Sean na tawang tawa ngayon sa gilid ng swimming pool. Naalala rin ata ang sarili niya, halos magkapareho sila ng pangu-ngutak dalawa ni Cali e.

Kumuha si Knight nang sobrang liit na uling gamit ang clip na ginagamit niya pang barbeque at lumapit kay Cali na ngayon ay nakatalikod na umiinom ng tubig.

"Lingon ka." Utos ni Knight dito.

Nakapamewang naman lumingon si Cali at nanlaki ang mata. "Hoy hindi kana mabiro Knight ha, paminsan nakakahalata nako ikaw ang human form ni satanas dito sa mundo." Sambit nito at umurong palayo kay Knight.

Tumawa naman si Knight at bumalik na sa pagluluto. Ganito ito magbiro kay Cali lalo na pag iniinis siya nito. Ganyan ang bonding nilang magtro-tropa.

"Yung tanong ko hindi niyo pa sinasagot."
Ani ulit ni Knight habang naka tuon na ang kanyang atensyon sa pagba-barbeque. Lumapit naman sakanya si Lath at sinubuan siya ng mangga na hinawa nito.

"Sarap?" Mahinahon tanong ni Lath, tumango si Knight at nag thumbs up.

"Ganoon parin siguro? nuod lang ng movies, inuman tapos konting salo salo. Sa bahay ulit ni Saint." Ani ni Zuko, na ngayon ay nagbubukas na ng wine.

"Oo para may swimming pool." Singit ni Cali. At tumalon na ulit sa swimming pool, lumapit ito kay Sean na ngayon ay nasa gilid lang ng pool.

Tinaasan siya ng kilay nito bago magsalita.
"Oh ano nanaman trip mo." Sambit nito at pinagdududahan na agad si Cali.

"Grabe ka, hindi ba pwedeng I feel safe lang when with I'm with you. Yieeee." Sagot ni Cali at sumuntok suntok sa hangin.

"Oh ito, I'm safe with you." Sambit ni Sean at binugahan ng tubig si Cali.

Sa kabilang dako naman ay naghahanda na at inaayos na nina Zuko, Saint at Lath ang lamesa para sa ihahain na pagkain. Kumuha na rin sila nang iba pang wine na iinumin nila mamaya.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na lahat tayo, sabay sabay na pinanganak. Hindi ba ang cool." Bulalas ni Saint.

"Saint, ilang beses mo na yan sinasabi. Siguro simula ng nagkakilala tayong lima nung 16 tayo hanggang sa ngayon na nag 22 na tayo, ganyan pa rin bukang bibig mo." Ani ni Lath, at tumabi kay Saint.

"Alam mo ikaw Lath, mabait ka naman e. Pero nagsasalita kalang talaga pag gustong gusto mo akong barahin e noh."

"Guys may joke ako." Sigaw ni Cali na kakaahon lang sa swimming pool. Nakabalot na ito ng tuwalya at tinutuyo ang sarili. Nakasunod naman sakanya si Sean na parehas rin tinutuyo ang sarili.

Tinignan lamang siya nang mga kaibigan niya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Ano ang hayop na kapag nabunggo mo ay ayos lang?"

Tumabi na si Sean sa kambal niyang si Lath at nagtakip na nang kanyang tenga dahil sa isip niya ay wala nanaman tong sasabihin na matino'

"Ano? Ayos ayusin mo lang Cali." Tanong pabalik ni Knight.

"Edi Lion kasi, Lion te ayos lang. (Wala yun te ayos lang)"

Tinignan lang siya ng mga kaibigan niya at hindi makapaniwala kung bakit ba nila nakilala ang mokong nato. "Pano ba kasi natin to naging tropa." Sambit ni Lath. Si Cali naman ay tawang tawa parin sa sarili niyang joke.

Tumayo naman si Saint sa pwesto niya at umalis muna saglit para iwanan ang kanyang mga kaibigan. Kanina pa siya may nararamdaman hindi maganda, habang tumitingin o lumalapit siya sa swimming pool o kahit anong uri nang tubig ay nagkakaruon ng pangingilig ang kanyang kamay, at hindi niya mauri kung bakit nagkakaruon siya nang ganoon karamdaman.

Dumiretso siya sa banyo at nanghilamos nang kanyang mukha.

"Andito nanaman ang pakiramdam na pangingilig ng kamay ko." Sambit ni Saint sakanyang sarili ng mahawakan niya ang tubig. Kinakabahan siya dahil sa isip niya ay baka may malubha na siyang sakit.

Inangat niya ang kanyang ulo sa pagkakayuko at humarap sa salamin. Pagkaharap niya ay sinalubong siya ng kanyang mata na ngayon ay naging kulay dilaw na.

Napalayo siya rito at pumikit, sinampal sampal ang sarili dahil sa kaba at takot na nararamdaman nang makita ang imahe ng kanyang sarili na nagiba ang kulay ng mata. Muli siyang dumilat, at tinignan ang sarili sa salamin. Itim na ulit ngayon ang kulay ng kanyang mata.

"Nasobrahan ata ako sa wine, kung ano ano nang nakikita at nararamdaman ko. Loko kasi tong si Zuko, hindi pa kumakain ng hapunan nagpa wine na agad." Paninisi niya kay Zuko at pinakalma ang sarili.

Sa kabilang dako naman ay ganoon rin si Zuko, tuwing lumalapit siya kay Knight na nagluluto at malapit ngayon sa apoy. Nakakaramdam siya ng hilo at pagiinit sakanyang katawan pero sa isip niya ay baka dahil lang iyon sa nainom niyang wine. Umalis rin muna ito saglit sa nagiingayan niyang mga tropa at umupo sa gilid ng swimming pool, nilagay ang dalawang niyang paa sa loob ng tubig.

Hinihilot niya ang kanyang noo at pumikit saglit.

Pagdilat niya ay naging kulay pula na ang kanyang mata ngunit hindi niya ito napansin. Paglipas ng ilang segundo ay bumalik rin sa dating kulay ang mga mata ni Zuko.

Tumayo na siya sakanyang pwesto at bumalik na sa kung nasaan naruon ang kanyang mga kaibigan, pati na rin si Saint na ngayon ay kakalabas lang galing sa banyo. 
Tumungo na silang dalawa sa hapagkainan at nagsimula nang kumain ng hapunan at nakipagkwentuhan sa mga kaibigan na parang walang nangyayareng kakaiba sakanila.

Isang kakaibang gabi ito para kay Saint at Zuko, ngunit ang hindi nila alam ay panimula palang ito ng kanilang totoong buhay. Marami pa ang mangyayari sa susunod, at kasama na rin dito ang iba pa nilang mga kaibigan na makakaranas rin ng kakaibang pangyayari.

SIYAM (werewolf series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon