Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari kay Zuko at Saint, sinubukan na nilang magpakonsulta sa iba't ibang doctor ngunit parehas lang ang nilalabas nitong resulta.
"Oh kamusta check up niyo? Pangatlong doctor na yan napuntahan niyo." Tanong ni Cali na ngayon ay nasa driver seat.
"Ganoon pa rin, walang nakitang problema." Sagot ni Zuko at sinuot na ang seatbelt sakanyang katawan. Sinandig niya ang kanyang ulo at pumikit. Sumasakit pa rin talaga ang kanyang ulo sa hindi niya malamang rason.
"Tubig gusto niyo?" Pagaalok ni Cali sa dalawa, nilingon niya naman si Saint at nginisian.
"Gusto mo tubig?" Mapangasar nitong sambit.Sinamaan siya ng tingin nito bago sumagot
"Alam mong yan nagiging dahilan ng pangingilig ng kamay ko e.""Yung sayo Saint kakaibang karamdamahan na yan. Baka rabies? Hindi nga seryoso di ako nagbibiro. Napanuod ko sa youtube dati ganun daw nangyayari sa mga taong nagkakarabies natatakot sila sa tubig." Seryosong tugon ni Cali.
"Loko, hindi naman yan nangingisay kapag umiinom ng tubig, yung kamay niya lang may problema kapag nakakahawak siya ng basang bagay." Singit ni Zuko sa usapan ng dalawa.
"Krezy pipol." Ani ni Cali at pinaandar na ang sasakyan.
Tinignan lang siya ng masama nina Saint at Zuko, at sakanilang isipan ay kung hindi lang sana masama ang pakiramdam nila ngayon baka kanina pa nila dinakma ang bibig nito ni Cali.
Hinayaan nalang nilang dalawa si Cali sa pagmamaneho at umidlip, lumipas ang ilang oras ay ginising sila ni Cali.
"Nakauwi na tayo?" Tanong ni Saint habang kinukusot ang kanyang mata.
"Hindi pero dinala ko kayo dito." Sagot ni Cali at tinuro ang maliit na bahay.
"Nasaan tayo? Akala ko ba uuwi na." Nakakunot noo na sambit ni Zuko.
"Nakakakilabot naman dito walang ibang building na makikita kundi yung bahay lang nayan." Sambit ni Saint bago bumaba.
"Balak mo ba kaming patayin?" Ani ni Zuko kay Cali.
"Ang oa mo Zuko, anong makukuha ko kung papatayin kita, wala ka naman generational wealth na manananakaw ko." Sagot ni Cali at nauna na sakanila.
Nagkatinginan naman si Zuko at Saint.
"Hala ka Saint, ikaw may generational wealth satin. Ikaw lang ata tatargetin."
Pananakot nito kay Saint at hindi matago ang natatawa niyang ekspresyon."Psst Cali! Saglit lang, sagutin mo muna kasi kung nasaan tayo at anong ginagawa natin dito. Nakatulog lang kami kung saan saan mo na kami dinala." Sigaw ni Saint kay Cali na ngayon ay nakamalayong hakbang na sakanila.
"Andito tayo sa mang gagamot na nirekomenda ng kakilala ko." Sigaw pabalik ni Cali.
Patakbong lumapit naman ang dalawa kay Cali at tinanong ito. "Bakit dito? Mismong mga doktor nga hindi matukoy sakit namin, dyan pa kaya? Nagpapaniwala ka sa mga ganyan ganyan e." Ani ni Zuko.
"Malay niyo na engkanto kayo, sa sama ba naman ng ugali niyo panigurado pati engkanto mangigigil sainyo." Sagot ni Cali.
"Loko, ikaw may masamang ugali dito. Nangbabaliktad kapa." Sagot ni Saint.
Rerebat pa sana pabalik si Cali ngunit biglang bumukas ang pintuan ng bahay at niluwa nito ang matandang babae na may malaking kwentas at sa kanan kamay naman nito ay may hawak na mahabang tungkod.
"Magandang hapon sainyo." Bati nang matanda. Umayos naman ang tatlo at binati rin pabalik ang matanda.
"Kayo ba yung magpapagamot sa akin?" Tanong ng matanda.
BINABASA MO ANG
SIYAM (werewolf series)
FantasySiyam na taong lobo ang isinilang nang sabay-sabay sa kani-kanilang tahanan sa kabilugan ng buwan. At ang bawat isa sakanila ay pinili ng propesiyang biyayaan ng kapangyarihang iligtas ang mundo at ang kanilang kaharian sa paparating na panganib. Ng...