4

1 0 0
                                    

"Blythe, Xion, Kyro." Ani ni Janus, isa sa mga iginagalang na taong lobo.

Tumigil ang tatlo sa kanilang ginagawa at nilingon ang tumawag sakanila. Andito sila ngayon sa Edafos o mas kilala sa tawag na battle ground. Kung saan ginaganap at tinuturuan ang mga taong lobo sa pageensayo at paghahanda sa labanan.

"Ihinto niyo muna ang pag-eensayo niyo at sumunod sa akin." Utos nito. Binitawan naman ng tatlo ang kanilang pana at iba pang kagamitan pang laban at sinundan si Janus.

Ngayon ay andito na sila sa ilalim nang malaking puno o mas kilala sa tawag na Saol.

"Malapit na ang kaarawan niyo, magsisimula na rin ang pageensayo niyo sa tamang pag gamit nang inyong mga kapangyarihan. Magiging ganap na rin kayong taong lobo. Ngunit gusto ko lang sanang hilingin sainyo, pagdating ng kaarawan niyo ay pumunta kayo sa bundok ng sabha at salubungin niyo ruon ang mga nawalay niyong kauriーang mga kasamahan niyong itinakda." Ani ni Janus sa tatlo.

"Paano naman po tayo makakasigurado na pupunta talaga sila don? Hindi nga po natin alam kung buhay ba ang iba sakanila o alam ba nila na taong lobo rin sila." Sambit ni Xion kay Janus.

"Panigurado ako na buhay sila, at ngayon ay unti onti na silang nakakaramdam ng kakaiba sakanilang pangangatawan. Hindi rin magtatagal ay lalabas ang pagiging taong lobo nila. Hindi sila pababayaan ng propesiya, gagawa at gagawa ito nang paraan para mapaglapit kayong siyam. Kayo ang mga pinili at walang maaaring makakapagpahiwalay sainyo. Itinadhana na kayo sa ganitong buhay." Sagot ni Janus kay Xion.

Si Xion ang isa sa mga magagaling nilang manlalaban, lahat ng teknik sa pag gamit ng iba't ibang uri ng espeda ay kaya nitong gawin. Si Kyro naman ay magaling sa pagpapana at isa rin sa mga hinahangaan ng mga kauri nila pagdating sa bilis at bagsik.

Habang si Blythe naman ay hirap na mahanap kung saan bagay siya magaling. Magkakaibigan na silang tatlo simula bata palang, importante ang mga kaibigan niya para sakanya pero paminsan ay hindi niya maiwasan makaramdam nang lungkot, dahil pakiramdam niya ay para lang siyang mga anino nito.
Ilang beses nang sinubukan ni Blake maging magaling rin sa espeda at pana, o maging kasing bilis o bagsik ni Kyro pero kahit anong gawin niya hindi siya nagiging kasing husay katulad ng kanyang mga kaibigan.

Pagkatapos ng paguusap nilang apat ay nagpaalam na si Janus at bumalik na sa mga grupo ng Yasha, sila ang mga ginagalang na taong lobo sa kanilang lugar, dahil bukod sa pagiging matatanda nila ay isa rin sila sa mga may kaalaman patungkol sa tradisyon at propesiya sa mundo ng mga lobo.

Ang tatlo naman ay nasa ilalim parin ng puno ng Saol, nakaupo ang mga ito ngayon sa damuhan. "Sa tingin niyo madaming magbabago satin kapag dumating na yung lima pang itinakda?" Sambit ni Kyro habang nilalaro ang bato na kanyang nakuha sa tabi ng puno.

Nagkibit balikat lang si Xion at tumingin sa gawi ni Blythe. "Ayos kalang?" Tanong niya rito.

"Oo naman." Sagot ni Blythe at ngumite.

"Ganyanan, nagtatanong ako hindi ako sinasagot. Pero si Blythe pinapansin." Pangaasar ni Kyro.

Tinignan siya nang masama ng dalawa
"Ang malisyoso mo, magkakaibigan tayo dito." Ani ni Blythe.

"Manhid mo Blythe." Sambit ni Kyro at tumayo, pinagpag ang dumi sa kanyang palad.

Tumingin sakanya si Blythe "Tungkol don sa tanong mo Kyro, feel ko naman walang magbabago satin tatlo. Madadagdagan lang tayo ng madaming kaibigan." Sambit ni Blythe.

"Sana naman may iba pang babae na itinakda." Dugtong ni Blythe.

"Nako, pag ganun mapapalitan kana niyan sa puso ni Xion." Pangaasar ni Kyro bago tumakbo palayo sa pwesto ng dalawa. Pumulot naman si Xion nang maliliit na bato at binato ito sa gawi ni Kyro.

"Hindi ka pa pala naka move on sakin." Pangaasar ni Blythe sa kaibigan niyang si Xion.

"Asa ka, dati lang yun. Wag na nga natin pagusapan yan." Sagot ni Xion.

Tumawa si Blythe at pabirong sinundot ang tagiliran ni Xion.

"Pagusapan nalang natin yung sa darating natin kaarawan, at kung ano ang magiging kapangyarihan natin." Dugtong pa ni Xion.

"Kahit naman pagusapan pa natin ang ganyan, alam ko naman, magiging saakin parin yung walang kwentang kapangyarihan. Tignan mo nga oh, satin magkakaibigan ako tong walang kwenta sa labanan. Kayo lang ni Kyro magaling, kahit ano ngang pilit ko maging katulad niyo, wala pa rin." Ani ni Blythe at hiniga ang kanyang ulo sa balikat ni Xion.

"Hindi ka naman pipiliin ng propesiya kung wala kang kwenta. Sa dinami rami natin mga taong lobo napili ka na maging isa sa mga itinakda. Tayo lang ang mga lobong magkakaruon ng kapangyarihan Blythe. Kaya sigurado ako kung ano man ang magiging kapangyarihan mo, mahalaga at may kwenta yun. Parte ka ng Siyam at sigurado ako isa ka sa magiging mahusay na manlalaban." Tumingala naman si Blythe at nagkatitigan sila ni Xion.

"Ang dami ko talagang natututunan saiyo. Matalino kana, malakas pa. Salamat Xion." 

Nginitian siya ni Xion at inaya nang mag ensayo. Tumayo na sila at naglakad na pabalik sa efados, isinuot na nila ang damit panlabanan at kanya kanyang kinuha ang kanilang espada.

"Handa kana?" Tanong ni Xion habang ini-ikot sakanyang kamay ang espada.

"Palagi." Nakangiting sagot ni Blythe at pumwesto na sa harap ni Xion.
At pagkatapos ay nagsimula na silang mag-insayo.

Sa sulok naman ay nakatingin lang sakanila si Kyro, nakangiti ito at hindi matago ang kilig sa dalawa. Inabot niya ang kanyang pana at pabirong tinapat ito sa dalawa na ngayon ay abala pa rin sa page-ensayo kasama ang iba nilang mga kauring taong lobo.
"Pwede na, pwede nakong maging si kupido."

"Isa ka na nga sa itinakda, gusto mo pa maging si kupido." Nilingon niya ang nagsalita, si Aira lang pala. Isa sa mga nagiging partner niya tuwing nage-ensayo sila sa pag gamit ng pana at espada.

"Gusto mo panain pa kita e." Pabiro nitong sambit kay Aira. Ngumite naman ito at may binulong "Matagal mo nang napana puso ko."
Ngunit hindi iyon narinig ni Kyro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIYAM (werewolf series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon