Ang ingay pati ba naman sa dream ko ang ingay pa rin ni Frida pero teka parang real e. Tinatawag niya ba ako?
"Ate Mina!!!"
Nagising ako dahil sa lakas paggising at pagyugyog sa 'kin. Pagmulat ko si Frida agad ang bumungad sa 'kin tama nga ako
"What?!"Inis kong tanong gusto ko pang matulog, e.
"Ate gising, dali!" Sabi niya na para bang may humahabol sa kanya
Hindi pa ako gutom kundi 'yung dalawang mata ko lang 'yung gutom ngayon.
"Dali! Ang bagal mo"
Exited ba 'to o may emergency?
"Ano ba kasi 'yun? Saan ba kasi si mama?" Tanong ko di na ako mapakali kaya dinalian ko na lang isuot 'yung tsinelas ko
"Umalis si nanay Lolita, e. Eh, 'di ko kilala 'yung nasa labas, kaya no choice ako kundi gisingin ka"
Pagbaba namin galing taas agad akong dumaretso kung saan nagtungo si Frida pero pagkalabas ko ng bahay si mama agad ang nakita ko, nasa labas siya at halatang may kausap, palubog na pala ang araw.
Pagkalabas ko ng gate isang pamilyar na kotse ang unang nakita ko.
Rinig ko ang tilian ng mga babae maging ang mga bakla dito sa'min, nakisabay na rin 'yung ibang matatanda
"Ang gwapo niya, beh!"
"Gosh! May gf na kaya siya?"
"Omg. Marry me, baby!" Kabataan nga naman
"Huyy 'di ba siya 'yung model ng aficionado perfume?"
"Teka, oo nga! Siya 'yon pero hindi lang siya model siya rin 'yung dating player ng table tennis, laging champion"
Mga Ilan 'yan sa mga tilian at chismisan ng mga tao dito sa'min. Akala ko 'yong kotse lang ang pamilyar sa 'kin pero maging 'yung lalaking pinag chi-chismisan nila ay kilala ko pero imposible naman mangyari 'yon
"Maicey, anak gising kana pala. Halika" Agad naman akong hinila ni mama papunta sa harap ng kotse
"Uy, ate Mina sino 'yan?" Bigla akong napalingon kay Frida na nasa tabi ko
Hindi pa ako nakakalingon ng biglang may tumalong pusa sa 'kin buti na lang at nasalo ko ito.
Tinignan ko 'yung pusa, si Namika
Gising naman na ako, 'di ba? So legit 'to? Si Namika, niyakap ko ito nakaka-miss ilang oras lang akong nawala miss ko na agad siya
"So, mas concern ka na pala kay Namika kesa sakin, huh!" Seryosong saad niya
Yes, everytime na seryoso siya para akong maamong daga sa harapan ng isang tigre. Gaya ni Gavin
Agad akong napaangat ng ulo, seryoso siyang nakatingin sa 'kin habang nakatayo sa harap ko, nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa kanyang bulsa na parang bossy ang dating. Mas lalo siyang naging cool sa suot niya ngayon
Pero, teka paano niya nalaman ang bahay namin, e ito ang una niyang punta dito.
Hindi ko 'to pinsan at naunang pumasok sa loob. Tinawag pa ako ni mama at Frida pero parang wala akong narinig.
Kung marunong siyang magtampo. Mas marunong ako sayo, Gavin.
Pero isa lang ang masasabi ko. I'm so happy!
***
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako kailangan kong tulugan si mama sa paghahanda nang mga lulutuin
sa karenderya mamaya
YOU ARE READING
Pleading To Love Me
RomanceMeron ka bang crush? Yung totoo Yung feeling mo hanggang dream na lang ang mga gusto mo but it come true, 'yung parang fairy tale na ikakasal ka sa prince charming mong ultimate crush mo, na kahit marami namang iba pero siya pa rin at kahit alam mo...