Chapter 9: Probinsya

9 4 0
                                    

Maicey's Point of View

After how many years, sa wakas makaka-uwi na rin ulit ako ng probinsya at makikita ko na ulit si mama at Frida. Gabi pa lang ng linggo nag-impake na ako nang mga damit ko ganun ako ka-exited umuwi ng probinsya, miss na miss ko na si mama at Frida

Isang malaking maleta at maliit na siezling bag lang ang dala ko, one month lang naman ako dun kaya hindi ko lahat dinala tsaka meron pa naman akong mga damit na naiwan sa probinsya, kaya okay na 'yon

Madaling araw pa lang ay gising na ako, kahit ihahatid ako ni manong Erman pa probinsya kailangan ko pa ding gumising ng maaga para ipagluto ng agahan si Gavin, ayokong ma-gutom siya ng dahil sa hindi ko siya pinag luto

"It's too early in the morning, for you to wake up" Speaking of para siyang multo

"It's too early for you too, to wake up, Sir Gav!" Balik ko. Totoo naman ang aga niya ngayon dati nine pass na siya nagigising

"Bakit? Bawal ba?" Tanong nito saka kinuha ang malamig na tubig sa refrigerator ang aga pa, cold water agad.

Hindi na ako sumagot binilisan ko na lang ang pagluto baka maabutan pa kami ng traffic ni Manong Erman sa daan. Saktong five o'clock kailangan na naming umalis.

"Manong Erman tara na po" Sabi ko

"Sige po" Pumasok na 'to sa loob ng sasakyan at start ang engine pero bago ako pumasok sa loob kinuha ko muna si Namika, gising na rin pala siya

"Meow"

Ang lambot ng makapal nitong balahibo, nakaka-kiliti  dinilaan nito ang kamay ko

"Meow"

"Be good Namika, 'wag maging pasaway sa amo mong mukhang mo–"

Hindi ko pa natatapos 'yung sasabihin ko ng biglang may humablot kay Namika sa'kin tinignan ko ito ng masama 

"Let's go Namika?" Tanong ni Gavin sa kanya dinilaan naman nito ang kamay niya at saan naman sila pupunta ng ganitong oras sa madilim na paligid?

"Meow"

"Good girl."

Ouch! Mukha ba akong hangin na napadaan lang sa harapan niya? Sakit niya talaga kahit kailan sagad hanggang buto hindi ko na lang 'to pinansin at nag simulang maglakad papasok ng Van

"Alis na po tayo" Sabi ko pero hindi pa nagsimulang tumakbo ang sinasakyan naming van ng biglang bumukas ang pintuan nito agad akong napalingon dun, laging gulat ko ng biglang pumasok si Namika at Gavin. Huh? Si Gavin? Kinusot ko ang dalawa kong mata totoo ba 'tong nakikita ko

"Are you going to back off or are you going to carry me the whole way?" Tanong nito dali naman akong umurong 

Pero saan ba ang punta ng lalaking 'to at dinala pa ang alaga niyang pusa 'di naman siya sasama sa'kin diba? "Di ka naman ata sasama sa'kin, di ba Gavin?" Okay, better to say it out, tsk!

"Hindi. So just sleep" sagot nito

Oo nga naman Maicey ni wala nga siyang dalang gamit, e. haha assumera ka talaga

Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng van kesa makipag usap sa katabi kong tipid magsalita, wala akong mapapala sa kanya buong biyahe magaling pa naman siyang magsalungat nang mga sasabihin mo

Dalawang oras na kaming nasa daan at kanina pa namin nalampasan 'yung Rio Grande kung saan ang condo unit ni Gavin pero ang pinagtataka ko hindi siya bumaba ng sasakyan

Pleading To Love MeWhere stories live. Discover now