Maicey's Pov
Katatapos kong maglinis ng mansion ng mapagpasyahan kong ma-malengke, dahil maaga pa naman tiyak na marami-rami pang sariwang gulay at prutas na tinda sa plaza
Hindi na ako nagpahatid kay manong Erman gamit ang kotse dahil gusto ko munang mag commute, matagal tagal na din kasi simula nung huli akong mag commute.
Pagdating ko sa plaza ay dumiretso agad ako sa mga nagtitinda nang mga gulay at prutas. Sariwang-sariwa ang mga ito, ang sarap kainin lalo na't kung ang lulutuin mo ay sinigang
"Magkano po ang isang kilo nito ale?" Magalang na tanong ko sabay turo sa mga mapu-pulang kamatis. I miss these tomatoes this is my favorite lalo kung ibabadbad sa asin at ilalagay sa malinis na container, yummy!
Marimar tomatoes ever!
"Ikaw pala hija, dahil suki kita sixty isang kilo na lang para sa'yo" Nakangiting sagot nito sa'kin ginantihan ko naman 'yon.
"Salamat hija, sa uulitin, dapat pagbalik mo dito kasama mo ang nobyo mo, haha" Tumango lang ako bilang sagot pagkatapos kong inabot ang binili kong kamatis ay nagpaalam na ako sa kanya
Kelan ko pa ba nakasama 'yon, ayaw niya nga akong kasama bakit ko naman isasama 'yung manhid na 'yon kulang na lang kaladkarin ko siya para samahan ako pero 'di ko 'yon gagawin noh I'll just wait for him
Bumili na rin ako ng mga grocery tutal pa-ubos na ang stock namin sa bahay maging mga sariwang isda at karne sa meat shop, hindi kasi sure kung sa frozen ka lang baka nga nung nakaraan na buwan pa nila kinatay ang mga 'yon.
Dahil medyo may kalayuan ang plaza sa mansion ay matatagalan akong maka-uwi nito dahil sa traffic alas otso tarenta na, malamang 'di pa gising 'yung lalaking 'yun
Dalawang sakayan kasi bago ka makarating sa bahay ganun din sa pagpunta sa plaza. Taxi-Jeep, jeep-taxi meron pa nga tatlong sakayan bago ako maka-uwi sa mansion. Trycle-jeep-taxi, nakakapagod.
"Where did you go?" Halos kumalabog ang dibdib ko sa gulat dahil sa biglang pag sulpot ni Gavin sa likod ko pagkapasok ko
Papatayin ata ako ng lalaking ito ng wala sa oras. Nilapag ko muna ang mga pinamili ko sa mesa dito sa kusina bago siya hinarap upang sagutin
"Uso gamitin ang mata, di ba Gav?" Sagot ko
"Tss.... Where's Erman?" Pag-iiba nito kahit kelan wala talagang manners ang manhid na 'to.
"Malamang nasa totoo niyang amo" Alangan naman na dito mag s'stay si manong Erman ni ayaw mo ngang may kasambahay tayo kaya dun lahat sila nag t'trabaho sa mansion nila Gavin kung saan kami nag lunch nung nakaraang linggo
Isang linggo na pala ang nakalipas at sa susunod na buwan aalis na si Tita Charlotte papuntang States
"You're with him?" Biglang tanong nito sa'kin nagulat ako dahil sa naging tanong niya. With him?
"Huh? Sino ba tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong ko dito
Uso naman ang direct to the point diba, bakit may paligoy ligoy pa 'tong nalalaman
"Don't be ridiculous Maicey I know your with him" Sabi nito habang nagtitimpla ng kape
Pero nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin kaya napatawa na lang ako ng mahina. I know what's his pointing. Si Charles
Teka nagseselos ba 'to at dahil sa gusto ko itong asarin kaya sinakyan ko ang tanong nito
"Ohhh... Oo, tama ka nga, you know ang sarap niyang kasama, smiling face pa lagi mas lalo'ng nagiging adorable. Ito nga ohh, binilihan niya pa ako ng paborito kong tomatoes, hayst sana magkita ulit kami, ang sweet pa naman niya" Mahabang saad ko kahit nagpipigil tawa ako kasalanan niya nag topic ng wala namang katotohanan
YOU ARE READING
Pleading To Love Me
RomansMeron ka bang crush? Yung totoo Yung feeling mo hanggang dream na lang ang mga gusto mo but it come true, 'yung parang fairy tale na ikakasal ka sa prince charming mong ultimate crush mo, na kahit marami namang iba pero siya pa rin at kahit alam mo...